Share

Coffee

"Saan ka ba nanggaling? balit hindi ka umuwi? Alam mo bang magdamag akong nag-aantay sa pag-uwi mo? Hindi ako makatulog sa labis na pag-aalala. Ano ba, Derie? Bakit hindi ka magsalita?" Sermon sa akin ni Tita Elsa. Mataas ang boses niya pero alam kong totoo ngang inintay niya ako. Ito kasi ang unang beses ko na hindi umuwi ng gabi.

Si Tita Elsa na ang tumayong parang pangalawa mi nang magulang dahil siya ang kumpkop sa akin noong wala akong ma takbuhan. Limang taon ba rin ako sa kaniya kaya alam kong para na ring anak ang turing niya siya akin. "P-pasensya na po, tita. Hindi na po mauulit. Medyo nasarap lang po ng kuwentuhan kami ng kaibigan ko kaya hindi ko na po nagawang umuwi. pasensya na po talaga."

Kinailangan kong magsinungaling para hindi na humaba ang usapan. Kung aaminin ko kasi sa kaniya ang totoong nangyari kagabi at kung sino ang kasama ko ay tiyak na malilintikan ako. Wala naman kasing nangyaring masama. Ang totoo nga niyan ay napaka saya ko kagabi kasama si Stefano. Pinili ko na lang talagang huwag sabihin dahil galit si Tita Elsa sa mga Avedaño at tiyak na bibigyan niya ng ibang kahulugan ang pagsasama naming magdamag ni Stefano.

"Oh, sige. Siguraduhin mo lang. Siya nga pala, aalis ako ngayon, ikaw na muna ang bahala dito. pupunta ako sa kabilang bayan kaya Baka gabihin ako ng uwi." Aniya pa. Kaya pala nakabihis siya at may dalang payong ay dahil may lakad pala siya.

"Opo. Mag-iingat po kayo," nakahinga ako nang maluwag matapos kong makalusot. Ngayon lang kasi ako nagsinungaling sa kaniya kaya parang nakokonsensya pa ako. Iniisip ko na lang na white lies iyong ginawa ko at sigurado namang hindi ba mauulit.

Malabo nang maulit.

Samantala, Hindi muna ako nagbukas ng Flower shop dahil kailangan ko munang maligo at magpalit ng uniporme.

"Ang lambot ng mga labi niya,"

Habang nasa banyo at nakatulala lang ako sa harapan ng salamin. Pinakatititigan ang aking repleksyon. Bigla akong napahawak sa aking labi. Hindi pa rin ako maka-get over sa aksidenteng paglalapat ng aming labi. Aksidente man iyon pero napaka-memorable noon sa akin. He was my first kiss kaya hinding-hindi ko siya makakalimutan.

Sobrang daming Memories kagabi. Ang dami ko iki-keep sa isipan ko. Nandoon yung alam ba niya na may gusto ako sa kaniya. Bagamat wala siyang naging reaksyon maliban sa natawa ng malakas, wala akong pinagsisisihan. Atleast ay alam niya na. Magkita man kami ulit, hindi na siya magtataka kung sakaling mawawala ulit ako sa sarili dahil sa matinding paghanga sa kaniya.

Nakabihis na ako ng uniporme at nakakain na rin. Nag-umpisa na akong magbukas ng flowershop at tumanggap na ng mga orders. 3 bouquet na pang kasal ang kailangan kong gawin kaya naman wala na akong sinayang na oras. Agad kong kinuha ang timbang Punong-puno ng puting nga rosas at saka inihanda ko na ang mga gagamitin.

Sa isang bouquet ay naglalaan ako ng 15-20 minutes bago ako makayari sa isa. Sa pagkakataong ito ay inabot ako ng isang oras sa isang bouquet pa lamang.

Paano ba naman kasi ay panay ang pahinto-hinto ko. Bigla na lang kasing pumapasok sa Isipan ko ang guwapong mukha ni Stefano. Iyan tuloy, hindi ako nakapag-focus sa ginagawa ko.

Natagalan man, natapos ko pa rin ang tatlong bouquet na kailangan kong gawin. Dinisplay ko na iyon sa may harap ng tindahan at winisikan ng tubig.

"Pag-ibig na kaya? pareho ang nadarama ito ba ang simula? Pag-Ibig na kaya ito? pagkat nararamdaman pag-ibig natin natagpuan." pakanta-kanta pa ako habang nag-sspray ng tubig. Damang-dama ko pa ang pagkanta at halos napipiyok pa. Totoo pala ang sinasabi ng iba. Ganito pala talaga kapag inlove. "I'm only chasing a rainbow."

Ilang sandali pa ay bigla ko na lamang nabitawan ang hawak kong pang-spray. Naiwan kong nakanganga ang aking bibig. It was him. Again?

Natulala lamang ako sa kaniya. Iniisip na totoo ba ito o nag-iilusyon lang ako. Kinusot-kusot ko pa ang dalawang kong mata at pumikit-dumilat ng tatlong beses. Siya nga! Nandito nga siya sa harapan ko. Ano ang ginagawa niya rito.

"Mr. Stefano? A-anong...." Halos wala akong masabi sa harapan niya. Humalimuyak kasi kaagad ang kaniyang mamahaling pabango at nadala na naman ako sa kaniyang nakamamatay na ngiti. Halos kanina lang ay hinatid niya ako rito pero bakit nandirito siya muli?

"Good morning! I Just dropped by to bring you Coffee." itinaas niya ang dala niyang dalawang pirasong cup ng Cafe mula sa kilalang Coffee shop. "Gusto ko lang sana magkape kasabay ka. busy ka ba?" Tanong niya sa akin gamit ang kalmadong boses ngunit ang naging hatid sa akin noon ay pagkabog ng malakas ng dibdib ko.

"K-kape? Sabay tayo? oo. H-hindi ako busy. t-tara, p-pasok ka." pagpayag ko. Hindi ko sinabi na nakapag-kape na ako dahil ayaw kong masayang ang effort niya. Oo. Effort ito. Para mag-abaka siya sa isang tulad ko ay effort na iyon. Ibig sabihin gusto niya akong makasama at makilala pa ng husto.

Niyaya ko siya sa loob ng Flower shop at pinaupo. Magkaharapan kami ngayon at bigla na naman akong na-concious

"Good!" I really made an effort to pass by the coffee shop to bring it to you. I want to get to know you more... I want to get to know you more deeply. You know what I mean."

It's like O. M. G. Hindi ko alam ang ibig niyang sabihin. Naiintindihan ko naman kaya lang ay ang hindi ko maintindihan ay bakit tila parang nagpapakita siya ng pagka-gusto sa akin.

Nakaupo ako ngayon pero parang ako ay lumulutang. Nangangapal ang aking pisngi at kusang ngumingiti ang bibig ko.

"Ha? Ahehe... same!" napahawi pa ako ng buhok. Kinikilig ako at hindi ko na magawang tignan siya sa mata.

"That's what I like in a woman... someone shy. You're cute when your cheeks turn red." dagdag pa niya sabay hawak sa pisngi ko. "Is it too fast if I tell you that I'm interested in you? I'm not saying this because I know you like me. I'm telling you this because this is how I feel. Derie, is it possible for you to like someone like me?" At dito na kinilig pati ang tinggil ko.

Wala na! ginising na! Finnish na!

Napaka prangka niya sa kaniyang nararamdaman. Talagang straight to the point. The way he speaks, the way he look at me, totally perfect. He's a man of my dreams thats why why would i say no to him? kung sasabihin niyang liligawan niya ako ay agad-agad ko siyang sasagutin.

"Ahh, oo. Masyado nga'ng mabilis. Wait lang, ha! hihinga lang ako ng malalim." tinanggal ko ang kamay niya sa aking baba at saglit akong tumalikod para i-check ang aking hininga. So far okay naman ang amoy kaya muli akong humarap sa kaniya. Malay mo bigla niya akong halikan ulit. "Gusto rin naman kita kaya lang hindi ko pa alam ang sasabihin ko sa 'yo. Masyadong mabilis ang naging pag-amin mo. Kahapon mo lang ako nakita kaya paano ko papanowalaan na totoo nga iyang nararamdaman mo?"

Mas nilapit niya ang mukha niya sa akin at pinakatititigan ng mabuti. Alam kong maganda ako pero hindi ko minsang naisip na ang gandang ito ay ang gandang hinahanap ng isang Avedaño. Habang magkatitigan kami at pasimple akong nag papa-cute. Ilang sandali pa ay bigla na lang niyang hinuli ang mga kamay ko. "Sa tingin mo ba mag-aaksaya ang isang tulad ko ng oras para makipaglokohan? Im old enough for such things. Hindi ako yung tipo ng lalaki na mangagamit. Infant, bihira lang akong magkagusto. Ang swerte mo dahil ikaw ang napisil kong mahalin. I'm not in a hurry, Derie. I just told you what's in my heart. I like you. I like you, so from now on, you'll see me every day."

Isang mabilis na halik sa pisngi ko ang kaniyang ginawa at pagkatapos at tumayo na at nagpaalam. Ako ay naiwang nakatunganga lang sa mga nangyari. Sobrang lakas ng dating niya sa akin kaya kung magtutuloy-tuloy ang maganda naming pagtitinginan ay siya na ang unang lalaking mag-mamay-ari ng puso ko.

"Hayy... stefano! sana ay hindi mo ako niloloko. You are the man of my dreams. I love you. Ang guwapo mo talaga!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status