Derie May POV Ss totoo lang, sobrang bigat ng kalooban ko na makita si Tita Elsa na ganito. Ang laki ng pagsisisi ko at nakalimutan ko siya nang ako ay mag-asawa. Naiiyak ako sa katotohanan na kahit anong gawin kong pagbawi sa kaniya ay kamatayan pa rin ang patutunguhan niya. Buong gabi ko siyang binantayan at sinigurado na maalagaan ko siyang mabuti. Siguro mga nasa tatlong oras lang ang itinulog ko. Kahit na kaunti ang tulog ay sinikap ko pa rin na bumangon ng maaga para maipaghanda sila ni Kim ng almusal. Si Kim na ang pumalit sa akin at siya na ngayon ang kasama sa bahay ni tita Elsa kaya naman abot-abot ang pasasalamat ko sa kaniya. Isang simpleng almusal lang ang inihanda ko para sa aming tatlo at ss may bakuran ko napiling mag-almusal kaming tatlo. Matapos kong maihanda ang de tiklop na lamesa at mga upuan ay sunod ko namang inilagay rito ang pandesal, palaman, at kape. Para kay tita naman ay gatas. Lulan ng kaniyang wheel chair na si kim ang nagtutulak ay binati ako n
I will be forever thankful to God because he gave me another life. A second chance to live. Am extended time to be with My Love Stefano. Masaya ako at magkasama na kami muli. For 3 years, siya lang ang taong nariyan para sa akin. Ipinaramdam niya na hindi ako nag-iisa sa mundo. Na palagi siyang nariyan para sa akin. Sinagot niya ang lahat ng pangangailangan ko bilang isang tao. Mula Financial hanggang pisikal kong pangangailangan. Siya ang lahat sa akin kaya pinilit kong magpagaling. About our situations right now, hindi ito madali para sa akin. He's married now at ako yung lumalabas na kabit. but it didn't bother me dahil hindi kalaban ang tingin ko kay Derie. Infact, naaawa pa nga ako sa kaniya dahil ginawa lang siyang kasangkapan ni Stefano para makuha ang mana at pinanangga para ma-protektahan ako. It's just, nasasabi kong mahirap ang sitwasyon namin dahil hindi kami lantad. Lihim ang mga nagiging pagkikita namin which is unfair for me. Ilang buwan pa ang hihintayin at titiisin
STEFANO AVEDAÑO POINT OF VIEW I don't even know how to manage my time, and then this? I left work early to be with Derie and to surprise her, but I was the one surprised by Cassandra. Damn! As in Damn! Hindi ko ma-gets kung bakit parang galit si Cassandra. Hindi naman niya nakita si----- oh, hindi kaya ay nakita niya kami? pero paano kaya? Nasa loob pa ng kotse ngayon si Derie at ako naman ay hindi malaman ang gagawin. Kung susundan Jo ba si Cassandra o hahayaan siya na mag-isip at magalit dahil mas priority kong makasama ngayon si Derie. Sinubukan kong tawagan si Cassandra ngunit pinapatayan niya ako ng tawag. Hindi ko alam kung paanong paliwanag ang gagawin ko dahil hindi naman ako sigurado sa dahilan kung bakit ganoon na lang siya galit tumingin sa akin. At dahil si Derie ang kasama ko ngayon at hindi ko siya puwedeng basta iwanan na lang ay siya ang pinili ko na makasama ngayon. Tutal kako ay napatunayan ko naman na sa sarili ko na si Derie naman talaga ang mas gusto
Papunta sana si Bryce sa kabayanan para makipagkita sa isang kaibigan nang may nadaanan siya na sumesenyas at humihingi ng tulong. Hindi naman siya nagdalawang isip na hintuan ang mga ito para tulungan. Sa kaniyang pagbaba ng sasakyan ay hindi niya inaasahan na isang pamilyar na mukha sa kaniya ang siyang humihingi ng tulong ngayon. Ang asawa ni Stefano. "B-bryce?" "D-derie?" Hindi siya makapaniwala na magkikita muli sila at sa ganitong pagkakataon pa. Hindi man lubusang maintindihan ni Bryce kung anong ginagawa ni Derie ss ganitong lugar at ka-ano ano niya ang kalong-kalong ns babae, inuna niya pa ring tulungan ang mga ito. "Salamat! kailangan nating magmadali at madala si Tita sa ospital." wika ni Derie na halos umiiyak na sa pag-aalala. Ang maputla ng si Elsa ay naghahabol na kasi ng hininga. "Just, relax. Ako ang bahala. bibilisan ko!" Maingat na binilisan no Bryce ang takbo. Nasagot na ang katanungan niya. Tiyahin pala ni Derie iyon kaya naman naaawa siya kay Derie.
DERIE MAY VEGAZ POINT OF VIEW Speaking of Stefano, bigla siyang lumitaw mula sa likuran namin ni Bryce sa gitna ng aming pag-uusap. Wala akong nakitang ekspresyon sa mukha niya pero base sa boses niya at paraan ng pagbati ay mukhang hindi maganda ang araw niya. hinila niya ako papasok sa loob ng bahay tita Elsa nang hindi man lang nagpaalam sa kausap ko. "Stefano... Asawa ko, bakit? Galit ka ba?" para makaiwas sa mga usapin ay dito ko siya dinala sa kwarto ko sa bahay ni Tita Elsa. His looks right now is like un easy to please. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. "Obvious ba? Derie, bakit parang close na close yata kayo ng kausap mo?" wika niya sabay lock ng doorknob. Sa sobrang seryoso ng kaniyang mukha ay mukhang mauuwi ako sa mahabang paliwanagan. Sabi na nga ba ay hindi magandang Makita ang isang babae at isang lalaki na mag-usap na parang close na magkaibigan. "Si Bryce yun, eh. Kilala mo yon." payak na paliwanag ko. "Oo. kilala ko nga siya. Kilala ko siyang malapit
Ako si Derie May Vegaz, 20 taong gulang, Ulilang Lubos at kasalukuyan na nagtratrabaho bilang isang florista sa isang kilalang flowershop sa lugar namin. Ipinanganak akong bulag mula pa noong pagkabata ko kaya kahit kailan ay hindi ko nasilayan ang mga mukha ng magulang ko. Namatay ang inay ko noong ako ay ipinanganak. Ang tatay ko lang ang nakasama ko at nagpalaki sa akin. Si Angelito Vegaz, isang mangingisda. Sa pamamagitan ng pangingisda ay itinaguyod niya ang pag-aaral ko. Bagamat hindi ko nakikita ang klase ng buhay na mayroon kami, alam ko at ramdam ko na mahirap lang kami. Kahit na dalawang beses lang kami nakakakain ng ama ko sa isang araw at minsan ay natutulog kami ng kumakalam ang sikmura, masaya pa rin kami ng itay. Palagi niyang sinasabi sa akin na balang araw ay papabor din sa amin ang tadhana. Ang importante raw ay magkasama kami. Mahal na mahal ko ang itay ko dahil palagi niyang pinaparamdam sa akin ang kaniyang pag-aalaga. Hindi ko man nakikita pero ramdam
May nadaanan akong isang flower shop kaya naisipan kong huminto para bumili ng bulaklak para kay Daddy. Isang linggo na ang nakalilipas nang lisanin niya ang mundong ibabaw. Namatay siya dahil sa labis na kalungkutan. Ang aking ama na si Don Louise Avendaño ang Gobernador dito sa lalawigan ng Bulacan. Isa siyang magiting at tapat na pinuno sa kaniyang mga nasasakupan. Matulungin siya sa mahihirap at may puso sa mga nangangailangan. Sa kabila ng kabaitan niya ay puro sama ng loob ang inabot niya mula sa mga mamamayan. Namatay siya nang maraming galit sa kaniya. Sa mga bagay na alam kong hindi naman niya gawain o ginawa. As his son, I feel bad because I couldn't do anything to save him from extreme sadness. For me, he didn't deserve to die in that manner. What's sad is that even though he's gone, the people who are angry with him and want to bring down the remaining Avedaños in our area haven't stopped. Ako naman ang gusto nilang isunod. Due to the consecutive death threats I have b
"Hindi mo ba kilala yong bumili na 'yon, Derie? Anak siya ng Gobernador natin. Ang lalaking iyon ay si Stefano Avedaño!" Pagsita ni Elsa sa dalaga matapos makaalis ni Stefano. "Ha? talaga po? Kung ganoon dapat po pala ay nagpakilala ako." wika pa ni Derie na tila hindi nakuha ang tono ng boses ng kaniyang amo. "Naku, at bakit pa? Masamang tao ang mga Avendaño. Hindi mo na kailangang kilalanin ang ganoong mga tao." Wika ulit nito sa dalaga na halos siraan na ang nga Avendaño. "Tita Elsa, mali po kayo. Hindi po masamang tao ang mga avendaño. Ako po mismo ang magpapatunay na mabuti sila. Manang, ang Gobernador po ang nagbayad ng operasyon ko para makakita ako." pagtatanggol ni Derie May sa mga Avedaño. Hindi niya alam kung bakit maraming mamamayan ng Bulacan ang galit na galit sa Gobernador at sa pamilya nito samantalang mabait naman ang pagkakakilala niya sa mga ito. Bilang isang mahirap, malaki ang utang na loob niya sa Gobernador na siyang tumulong sa kaniyang ama. "Siguro s