Share

Played by Mafia & Billionaire
Played by Mafia & Billionaire
Author: Nelia

Derie May Pov

Ako si Derie May Vegaz, 20 taong gulang, Ulilang Lubos at kasalukuyan na nagtratrabaho bilang isang florista sa isang kilalang flowershop sa lugar namin.

Ipinanganak akong bulag mula pa noong pagkabata ko kaya kahit kailan ay hindi ko nasilayan ang mga mukha ng magulang ko. Namatay ang inay ko noong ako ay ipinanganak. Ang tatay ko lang ang nakasama ko at nagpalaki sa akin. Si Angelito Vegaz, isang mangingisda. Sa pamamagitan ng pangingisda ay itinaguyod niya ang pag-aaral ko. Bagamat hindi ko nakikita ang klase ng buhay na mayroon kami, alam ko at ramdam ko na mahirap lang kami.

Kahit na dalawang beses lang kami nakakakain ng ama ko sa isang araw at minsan ay natutulog kami ng kumakalam ang sikmura, masaya pa rin kami ng itay. Palagi niyang sinasabi sa akin na balang araw ay papabor din sa amin ang tadhana. Ang importante raw ay magkasama kami.

Mahal na mahal ko ang itay ko dahil palagi niyang pinaparamdam sa akin ang kaniyang pag-aalaga. Hindi ko man nakikita pero ramdam ko iyon.

"Anak, konting tiis pa. Hindi ako titigil sa pagtratrabaho hanggang hindi ako nakakaipon ng pampaopera mo. Pangako iyan, anak. Hindi habang buhay ay bulag ka." wika ng itay sa akin. Ang malumanay niyang boses ay nagbibigay sa akin ng kapanatagan.

"Okay lang, itay. Maraming Salamat po sa lahat-lahat. Hindi niyo naman po kailangang madaliin ang pag-iipon. Huwag niyo pong aabusuhin ang sarili niyo. Paano na lang po ako kapag nawala kayo?" Sagot ko naman. Ramdam ko ang pagod ng itay sa araw-araw. Base kasi sa mga naririnig ko ay hindi madaling makipagsapalaran sa dagat. Lalo na at may edad na ang itay. Alam kong napapagod din siya hindi niya lang sinasabi.

"Anak, matanda na ako. Hindi habang buhay ay nasa tabi mo ako. Kailangan ko nang puspusin ang pag-iipon. Gusto kong makakita ka na, Anak. Gusto kong makita mo ang ganda ng mundo."

Isang mahigpit na yakap ang iginawad sa akin ng itay matapos kong maging emosyonal sa mga sinabi niya. Tama nga naman. Paano na lang kung mawala ang itay sa piling ko habang bulag pa rin ako?

"May awa po ang Diyos, itay. Hindi niya po tayo pababayaan.

____________________

Kinse anyos ako noong natupad ang pangarap namin ng itay na ma-operahan ako. ika-labing limang kaarawan ko noon noong una kong masilayan ang mundo. Ang sabi ng itay sa akin ay Ang Gobernador daw ang magbibigay ng pera sa itay para ma-operahan ako. Sobrang saya ko noon nang makita ko ang aking itsura sa repleksyon ng salamin. "Ang ganda ko pala. Ito pala ang aking mukha." wika ko noon sa aking isipan matapos kong makita ang aking mukha. Dati kasi ay isip ako ng isip kung ano ang aking itsura. Tama pala ang palaging sinasabi ng itay, na maganda nga raw ako.

Speaking of itay, Agad ko siyang hinanap sa mga Doktor. Excited na kasi akong makita kung ano ang itsura ng itay ko. Ang alam ko kasi ay kasama ko siya na nagtungo dito sa Maynila. Akala ko rin ay siya ang unang taong makikita ko kapag ako ay nakakita ngunit bakit kaya wala siya sa aking tabi ngayon?

"Ang itay ko po? nasaan po siya?" tanong ko sa mga Doktor na tumitingin sa akin.

"Ang itay mo? Nagpaalam siya kagabi din na uuwi lang daw sa inyo. Ang sabi niya ay kukunin niya raw ang pera na ipinangako ng Gobernador sa kaniya. Baka pabalik na rin yon. Intayin mo na lang."

"Ganu'n po ba? Sige po. Maraming maraming salamat po sa inyo. Salamat po at sa wakas ay nakakita na ako. Isa po kayong hulog ng langit." Abot-abot ang pasasalamat ko sa mga Doktor na nag-opera sa akin. Kulang na lang ay mayakap ko sila sa sobrang tuwa.

"Walang anuman iyon, iha. Congratulations. Basta ingatan mo ang mga mata mo, ha. Siguradong matutuwa ang Itay mo pagbalik niya. Alam mo bang ilang taon na siyang pabalik-balik dito at tanong nang tanong tungkol sa kung magkano aabutin ang operasyon niyo. Masaya kami at sa wakas ay natupad na ang pangarap sa iyo ng ama mo. Oh, paano? maiwan ka na muna namin. Kung may problema. pindutin mo lang ang dilaw na buton diyan sa gilid mo."

"Opo. Maraming Salamat po."

Iniwan na ako ng mga Doktor sa aking silid at ako naman ay muling dinampot ang salamin. Hangang-hanga ako sa kung gaano kaganda ang babaeng nakikita ko sa salamin. Hindi ako makapaniwala na ito na talaga, nakakakita na ako.

Nag-intay ako buong araw sa pagdating ni Itay ngunit hindi siya dumating. Kinabukasan ay lumabas na discharges paper ko pero wala pa rin ang Itay. Kahit ang Doktor ay nagtataka na rin kung bakit hindi na ako binalikan ng Itay. Wala rin daw iniwan ng contact number ang itay kaya hindi nila alam kung paano ito kokontakin gayong pwede na akong lumabas ng Ospital.

At dahil nga nabanggit ng Itay ang pangalan ng Gobernador na sinasabi nitong sasagot ng pang Opera ko ay naisip ng Doktor na ito ang tawagan. Dito na namin nalaman kung ano ang tunay na nangyari sa itay at bakit hindi na ito nakabalik dito sa Maynila.

"Ano po ang sabi ni Gov? Nasaan na raw po ang itay? Pabalik na po ba dito?" Tanong ko sa Doktor na siyang kumontak sa Gobernador.

"Iha, huwag kang mabibigla sa sasabihin ko pero hindi na makakabalik ang itay mo. Hindi ka na niya masusundo dahil wala na ang itay mo." malungkot na pagkakasabi ng Doktor.

"Ano po? Ano po'ng wala na? maaari niyo po bang linawin ang ibig niyong sabihin? Ano po ba ang nangyari sa itay?" Hindi ko alam kung paano ako mag-rereact sa tinuran ng Doktor. Hindi ko kasi lubos na naintindihan ang sinabi niya pero base sa itsura ng kaniyang mukha ay mukhang may hindi magandang nangyari sa itay.

Hindi agad nakasagot sa aking tanong amg nasabing Doktor. Napabuga lang ito ng hangin. Nang magtama ang aming paningin ay dito na siya muling nagsalita. "Ayon kasi sa Gobernador... w-wala na raw ang itay mo. Nagkaroon daw ng sunog sa inyong lugar at sa kasamaang palad ay nakasama ang ama mo sa nasunog. Ipasusundo ka na lang daw ng Gobernador sa isa sa mga tauhan niya. Magpakatatag ka, iha. Nakikiramay ako sa pagkawala ng Itay mo." Isang mahigpit na yakap ang ginawa ng Doktor sa akin. Ibig sabihin ay seryoso siya sa kaniyang mga sinabi.

Awtomatikong tumulo ang mga luha ko sa aking mukha. Parang hindi ko ma-proseso sa aking isipan ang biglaang pagkamatay ng itay. Kung ano ang ikinisaya ko kahapon ay siya namang ikinadurog ng puso ko ngayon. Ano pang saysay na nakakita ako kung hindi ko rin naman pala makakasama na ang itay ko.

Sa tulong ng mga ipinadalang tauhan ng Gobernador ay nakabalik ako sa aming lugar. Totoo nga'ng nasunog ang buong sitio Santa Ines at halos lahat nga ng bahay dito ay natupok ng apoy.

"Itay, bakit? bakit mo ako iniwan? Paano na ako? Paano na ang mga pangarap natin? Itay, natatakot akong harapin ang mundo na wala ka sa tabi ko. Itay paano na ako ngayon?" Parang nahati ang puso ko nang makauwi ako sa lugar namin. Ang dating maingay at mataong lugar ay puro abo na lang ngayon. Ayon pa sa mga narinig ko ay higit daw sa isang daang katao ang namatay sa sunog. Nakakapanlumo. Isipin ko pa lang na isa ang itay sa mga bangkay rito na halos hindi na makilala ay nanlalambot na ang mga tuhod ko.

"Tahan na, iha. Maswerte ka at nasa Maynila ka noong nagkasunog dito. Kung hindi ka inoperahan ay malamang sa nakasama ka rin sa mga namatay dito lalo pa at bulag ka. Isipin mo na lang na iniligtas ka ng ama mo. May dahilan ang lahat ng nangyayari sa mundo. Kumapit ka lang sa itaas at humingi ka sa kaniya na gabayan ka sa buhay lalo pa ngayon na wala na ang itay mo." Wika ng tauhan ng Gobernador sa akin.

Sobrang hirap tanggapin ng nangyari sa itay. Sobrang biglaan at hindi ako naging handa. Labis akong nalungkot sa pagkawala niya ngunit inisip ko na lang ang sinabi ni Ate Thelma na tauhan ni Gov. Na may dahilan ang lahat ng nangyayari dito sa mundo. Na iniligtas ako ng itay. Na kung hindi ako nadala sa Maynila para operahan ay malamang na isa ako sa mga nasawi dito sa sunog.

Mahirap tanggapin pero kay Lord ako lumapit. Humingi ako ng gabay sa kaniya hanggang sa napadpad na lang ako sa isang Flower shop na katabing baranggay ng Sitio Santa ines lang din.

At the age of 15, namasukan ako roon bilang tagalinis. Dahil nga bulag ako dati ay inosente ako sa lahat ng bagay. Mabuti lang at mabait ang may-ari ng Flower shop dahil tinanggap niya ako sa kabila ng kamangmangan ko. Tinuruan niya ako sa maraming bagay na hindi ko pa alam. Binuksan niya rin ang pintuan ng bahay niya para sa akin. Pinatira niya ako doon at pinakain kapalit ng pagtratrabaho ko bilang katulong. Pinayagan niya rin akong makapag-aral hanggang sa makatapos ako ng sekondarya.

"Oh, marunong ka na pala. Ang ganda ng pagkaka-disenyo mo dito sa mga bulaklak. Tamang-tama at aalis na ang isang florista natin. hindi ko na pala kailangan na humanap ng ipapalit. Ikaw na lang ang pumalit sa kaniya." Wika ni Tita Elsa.

Si Tita Elsa ang may ari ng Flower shop na siya ring kumupkop sa akin. Matandang dalaga siya kaya ako na rin ang tinuring niyang pamilya. Kinse anyos lang ako noong napadpad ako rito at ngayong limang taon na ako sa kaniya ay promoted na ako bilang isa nang florista.

"Talaga po? Naku, maraming salamat po, tita Elsa! Pangako po na hindi ko po kayo bibiguin. Gagalingan ko pa po lalo."

Dahil sa araw-araw kong nakikita ang mga florista dito sa flower shop ay natuto na rin ako sa pag-aarranged nito. Ngayon ay mas malaki na ang sahod ko dahil mula sa pagiging katulong ay florista na ako.

Isang araw, habang abala ako sa pag-aayos ng mga gamit dito sa flower shop ay isang matipunong lalaki ang pumasok dito dahilan para matigil ang mundo ko. Nakasuot siya ng shades at kulay itim na long sleeves Polo. Ako ay natulala sa kaniyang kaguwapuhan. Mula ng makakita ako ay ngayon lang ako nakakita ng ganitong guwapong mukha sa lugar namin. Naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ako pamilyar sa ganitong pakiramdam pero bigla qkong nakaramdam ng pagkahiya sa aking itsura.

Nang makalapit na siya sa akin ay saka niya tinanggal ang suot niyang shades. Dahil doon ay nakita ko ang kulay dagat niyang mata. Ito ang unang pagkakataon na humanga ako sa isang lalaki. Ang kaniyang mapuputi at pantay-pantay na ngipin ay nakakaakit din. "Good morning! I need flowers for my late father. Can you make me a bouquet of black roses?" wika niya sa akin gamit ang baritono niyang boses.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status