Share

Stefano Avedaño POV

May nadaanan akong isang flower shop kaya naisipan kong huminto para bumili ng bulaklak para kay Daddy. Isang linggo na ang nakalilipas nang lisanin niya ang mundong ibabaw. Namatay siya dahil sa labis na kalungkutan.

Ang aking ama na si Don Louise Avendaño ang Gobernador dito sa lalawigan ng Bulacan. Isa siyang magiting at tapat na pinuno sa kaniyang mga nasasakupan. Matulungin siya sa mahihirap at may puso sa mga nangangailangan. Sa kabila ng kabaitan niya ay puro sama ng loob ang inabot niya mula sa mga mamamayan. Namatay siya nang maraming galit sa kaniya. Sa mga bagay na alam kong hindi naman niya gawain o ginawa.

As his son, I feel bad because I couldn't do anything to save him from extreme sadness. For me, he didn't deserve to die in that manner. What's sad is that even though he's gone, the people who are angry with him and want to bring down the remaining Avedaños in our area haven't stopped. Ako naman ang gusto nilang isunod.

Due to the consecutive death threats I have been receiving, I know that I am now the target of his enemies. Enemies whom I do not know who they are. One thing is for sure. My life is in danger.

Hindi ako umaalis ng bahay nang walang dalang baril. Kaya ko naman ang sarili ko basta huwag lang titira ang kalaban mula sa likod ko. Oras-oras ay kailangan kong maging alisto. Kung mapapatay nila ako ay para ko namang binigyan ang mga kalaban ng katagumpayan.

Samantala, nakita ko ang pagkatulala ng babaeng florista nang makita ako. Hindi ko alam kung bakit pero sa tingin ko ay dahil sa nakasuksok na baril sa aking tagiliran. "Don't mind the gun. mabait ako." wika ko sa kaniya sabay abot ng tip.

She said it would take about fifteen minutes to arrange the flowers, so I decided to go back to the car and wait there instead. Mula sa aking kotse ay nakatingin lang ako sa nasabing florista habang ginagawa nito ang bulaklak ba inorder ko.

Makalipas ang kinse minuto ay kinatok na niya ang bintana ng kotse ko at doon na niya inabot ang bulaklak na binili ko.

"Thank you!" I gave a slight smile and was about to close the window of my car when she suddenly stopped it with her hand.

"Saglit lang po... p'wede ko po bang malaman ang pangalan niyo?"

I furrowed my brow. It's like, hindi siguro taga rito ang babaeng ito kaya hindi niya alam ang pangalan ko. Kung taga dito kasi siya ay imposibleng hindi niya kilala ang mukhang ito. Sabagay, sa palagay ko ay hindi nga siya taga rito sa aming lugar kaya siguro ay ganon na lang ang naging reaksyon niya ng pumasok ako kanina. "Stefano. My name is Stefano Avedaño." sinagot ko na lamang ang tanong niya para makaalis na ako.

Anyway, cute siya. Maganda ang babae na iyon at ngayon lang ako nakakita ng ganoong kagandang mukha sa lugar namin.

Samantala, Dumiretso na ako sa memorial kung saan inilibing ang aking ama. Inalay ko sa kaniyang puntod ang binili kong bulaklak at saka nagtulis ng kandila. Nagluluksa pa rin ako sa biglaan na pagkamatay ng aking ama. Masakit sa akin na mag-isa na lang ako ngayon sa buhay.

"Dad, bakit naman ganun? bakit ang unfair mo? You left me and then you left me a will na kailangan ko munang magpakasal bago ko makuha ang mamanahin ko? seriously, dad? Ngayon mo talaga ito hiniling? kung kailan maraming banta sa buhay ko? Ano ito, magpapakasal ako para makuha ang mamanahin ko tapos ano? malalagay naman sa bingit ng panganib ang babaeng pakakasalan ko? Dad, bakit may ganu'n pa? Ako lang naman ang anak mo pero bakit kailangan ko pang magpakasal muna? Dad, I need more money right now. Kailangan kong kumuha ng maraming tao para protektahan ako. Galit na galit sila sa akin samantalang wala naman akong kinalaman sa atraso mo sa kanila?" Hindi ko na napigilan na hindi umiyak sa harapan ng puntod ni Daddy. Ang unfair lang kasi nang nakasaad sa kaniyang last will. Wala sanang problemang magpakasal, e. Ang problema dito is yung magiging consequences sa babaeng minamahal ko. for sure, kapag pinakasalan ko siya ay dalawa na kaming pag-iinitan ng mga kalaban. dalawa na kaming malalagay sa panganib ang buhay at hindi kakayanin ng konsensiya ko na may mangyaring masama sa babaeng minamahal ko nang dahil lang sa pagiging Avendaño ko.

____________________

* *

"Hello, babe? nasaan ka? p'wede ba tayong magkita? Miss na Miss na kita," text ni Cassandra sa akin.

"Well, I miss you too, babe! kung ako lang ang masusunod ay gustong-gusto na kitang puntahan diyan sa inyo. Gusto kitang yakapin at angkinin ngayong gabi pero hindi puwede, eh! Alam mo naman na mainit sa akin ang mga tao. Galit na galit sila dahil anak ako ni Daddy. Babe, hindi ko kakayanin na pati ikaw ay madamay sa gulo ng pamilya ko. Mahal na mahal kita, alam mo yan!" reply ko naman sa kaniya.

Aware si Cassandra sa gulo na kinakaharap ko ngayon. Tatlong linggo na kaming hindi nagkikita dahil iniingatan ko siya mula sa mga taong gusto akong patayin. Alam niyang wala rin akong sapat na kakayahan para protektahan siya dahil naka-freeze ang lahat ng pera namin sa bangko dahil sa kasong corruption ni Daddy. Isa lang ako pero marami ang kalaban.

Hanga ako sa kaniya dahil sa kabila ng lahat ng problema ko ay hindi niya ako iniwan. Hindi man kami nagkakasama pero alam ko na palagi siyang nariyan lamang para sa akin.

Samantala, nakauwi naman ako ng safe sa bahay namin. Malungkot akong pumasok sa aking kwarto at inilapat ang likod ko sa kama. Hindi ko mapigilan ang hindi mag-isip sa aking dapat na gawin. Ayoko nang habang buhay na ganito. Palaging natatakot at kinakabahan. Hindi ako pwedeng ganito lang. kailangan nang may gawin ako bago mahuli ang lahat. Kailangan ko nang magpakasal upang makuha ko ang natitirang pera ni Daddy na pwede kong withdrawin. Ang pera ng Avedaño na hindi kasama sa na-freeze ng gobyerno.

Magpapakasal na ako!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status