Share

The first kiss

"Hindi mo ba kilala yong bumili na 'yon, Derie? Anak siya ng Gobernador natin. Ang lalaking iyon ay si Stefano Avedaño!" Pagsita ni Elsa sa dalaga matapos makaalis ni Stefano.

"Ha? talaga po? Kung ganoon dapat po pala ay nagpakilala ako." wika pa ni Derie na tila hindi nakuha ang tono ng boses ng kaniyang amo.

"Naku, at bakit pa? Masamang tao ang mga Avendaño. Hindi mo na kailangang kilalanin ang ganoong mga tao." Wika ulit nito sa dalaga na halos siraan na ang nga Avendaño.

"Tita Elsa, mali po kayo. Hindi po masamang tao ang mga avendaño. Ako po mismo ang magpapatunay na mabuti sila. Manang, ang Gobernador po ang nagbayad ng operasyon ko para makakita ako." pagtatanggol ni Derie May sa mga Avedaño. Hindi niya alam kung bakit maraming mamamayan ng Bulacan ang galit na galit sa Gobernador at sa pamilya nito samantalang mabait naman ang pagkakakilala niya sa mga ito. Bilang isang mahirap, malaki ang utang na loob niya sa Gobernador na siyang tumulong sa kaniyang ama.

"Siguro sa inyo oo pero sa ibang nasasakupan nila hindi. Walang puso ang Gobernador na iyan. Dapat lang na kamuhian siya ng tao kahit patay na siya. Maging ang anak niya. Sa susunod na pupunta rito iyan ay mag-iingat ka."

Hindi maintindihan ni Derie May kung bakit ganoon na lang kung makapagsalita si Elsa sa Gobernador samantalang alam niya sa sarili niya na mabuti ito. utang na loob niya rito ang kaniyang paningin. Kahit na binalaan siya ni Elsa ay hindi pa rin nagbago ang pagtingin niya sa mga Avedaño lalo na kay Stefano.

Simula noong una niya itong nakita ay hindi ba naalis sa kaniyang isipan ang guwapong mukha nito.

Pagkatapos ni Derie May sa trabaho ay nagpapaalam siya kay Elsa na mamamasyal lang sa bayan. Hindi niya sinasabi rito na si Stefano ang dahilan ng kaniyang araw-araw na pag-alis. Araw-araw siyang nagbabakasakali na makita ito sa bayan.

Hindi naman nabigo sa kaniyang lakad si Derie. Paminsan-minsan ay natetyempuhan niyang makita ang anak ng Gobernador ngunit mabilisan lamang.

Isang araw, pagka galing niya sa simbahan, pauwi na sana si Derie May nang matawag ng kaniyang pansin ang magagandang bulaklak sa daan. naisipan niyang mamitas nito. Dahil limang taon na siyang nagtratrabaho sa flower shop ay napamahal na siya sa mga bulaklak. Tuwing makakakita siya nito ay gumagaan ang pakiramdam niya.

Habang nag-eenjoy ang dalaga sa pamimitas ng bulaklak ay isang pamilyar na mukha ang swertehan na nakita niya. Ang anak ng Gobernador na si Stefano. Agad siyang nabuhayan dahil hindi niya inaasahan na makikita pa niya ito ngayong gabi.

Agad na sinundan ni Derie May ang guwapong binata. Wala siyang balak na makipagkilala, gusto niya lang talaga itong sundan.

Sa kakasunod niya rito ay napadpad na siya sa isang eskinita. Madilim at tanging daang tao lang. Agad na nakaramdam ng kaba so Derie May dahil nakakatakot ang lugar na iyon. Nawala na rin sa paningin niya si Stefano kaya naisip niyang umalis na lang sa lugar na iyon.

Habang naglalakad si Derie May sa gitna ng kadiliman ay hawak-hawak ang dibdib niya. Bigla niyang naisip na baka hindi si Stefano ang lalaking kaniyang nasundan dahil imposible naman itong pumasok sa ganoong klaseng lugar. Punong-puno ng takot ang dibdib niya. Mas binilisan niya pa ang paglalakad hanggang sa...

Bigla na lang may humila sa kaniya mula sa gilid. Dahil doon ay napasigaw ang dalaga. "Tulong!!! tulong!!! Tulungan niyo ako." dinala siya nito sa mas madilim na bahagi.

"Shhhhh! Tumahimik ka!" saad ng isang boses ng lalaki. Tinakpan nito ang bibig ng dalaga para hindi ito makalikha ng ingay.

Sa mga oras na iyon ay wala ng ibang nagawa si Derie May kung hindi ang umiyak at magdasal. Iniisip niya na masamang tao ang may hawak sa kaniya ngayon at may posibilidad na patayin na lang siya nito pagkatapos gamitin.

Buhat nang makakita si Derie May ay doon niya lang nakita kung gaano kalupit ang mundo. Malayo sa kwento ng kaniyang itay. Ang mga tao ngayon ay malulupit at walang puso sa kapwa. Kagaya ngayon, iniisip niya na swerte na lang siya kung binitawan siya nito ng buhay.

Nanatili siyang tahimik lang at nakikiramdam. nakasandal siya sa magaspang na pader habang magkadikit ang katawan nila ng lalaki. Takip-takip pa rin nito ang bibig niya.

"Huwag kang gagawa nang anumang ingay kung hindi malilintikan ka sa akin," banta nito. Tumango na lang siya nilang pagsang ayon. maya maya pa ay hinila na siya nito palabas ng madilim na eskinita. Habang naglalakad sila ay akbay-akbay naman siya ng lalaki. "Umamin ka, sino ka? bakit mo ako sinusundan? May plano ka bang patayin ako?" tanong ng lalaki.

Nagtaka si Derie sa naging tanong ng lalaki. Ang alam niya ay ito ang humablot sa kaniya tapos ngayon ay tinatanong siya nito na parang nabibintang na rin. "A-ano po? h-hindi ko po alam ang sinasabi niyo. Hindi ko po kayo maintindihan. Si Stefano po ang sinusundan ko. Hindi po ako mamamatay tao. Kayo po ang unang humablot sa akin, hindi ko po kayo kilala." pag-amin ni Derie May. halata pa rin sa boses niya ang matinding takot. Nanginginig ang kaniyang katawan.

Ang hindi alam ni Derie May ay si Stefano ang lalaking kausap niya ngayon na siya ring akbay-akbay siya. "Talaga? kung ganoon, bakit mo sinusundan si Stefano?" para kay Stefano ay isang malaking tanong kung bakit siya sinusundan ng babaeng iyon. Kanina pa kasi niya ito nahalata kaya sinadya niyang magtago sa madilim na eskinita upang hulihin ito.

"Bakit kailangan niyo pa pong alamin?"

"Basta sagutin mo na lang!"

"O-opo. Lihim po akong umiibig kay Stefano. Araw-araw po akong nagbabakasakali na makita siya sa daan. Nang makita ko po siya kanina ay sinundan ko siya para sana ibigay itong mga bulaklak na pinitas ko. Iyon lang po. Ngayong alam niyo nang hindi po ako masamang tao ay maaari niyo na po ba akong pakawalan?"

Gustong matawa ni Stefano sa kaniyang narinig. May ganoong klase ng babae pa pala sa panahon ngayon? Na lihim na umiibig.

Nang makarating na sila sa bahaging may liwanag na ay dito na nakita ni Derie May ang mukha ng lalaking humablot sa kaniya. "I-ikaw? Ikaw si Stefano?" Halos mamula ang mukha niya nang makilala ito sa liwanag. Hiyang-hiya siya sa naging pag-amin niya. Agad siyang napayuko dahil sobrang lapit ng mukha nito sa mukha niya.

"Oh, bakit ka nakayuko? Akala ko ba gusto mo akong makita? oh, eto na, sobrang lapit ko na sa 'yo. Hindi mo pa ba ibibigay ang bulaklak na sinasabi mong ibibigay mo sa akin?"

"Kalimutan niyo na po ang mga sinabi ko kanina,"

Nagulat si Derie nang biglang hawakan ni stefano ang kaniyang baba. Nagtama ang mga mata nila at tila nagkaroon ng koneksyon ang kanilang mga tinginan. Napapikit na lamang si Derie May sa pag-aakalang hahalikan siya nang binata.

Ilang sandali pa ay isang humaharurot na sasakyan ang biglang papalapit sa kanila. Mabuti na lang at alisto si Stefano at agad niyang naitulak ang dalaga. Sa damuhan ay doon na tuluyang naglapat ang kanilang mga labi. It was derie May First kiss kaya naman para siyang lumulutang sa alapaap. Ang hindi niya alam ay noong mga oras din na yon ay nalalagay na pala sa panganib ang buhay niya.

"Let's go! Mukhang may balak silang patayin ako." Nakita ni Stefano na pabalik ang nasabing kotse at sa pagkakataong ito ay may nakadungaw ng lalaki na may hawak na baril at nagpapaputok. Mabuti na lamang at agad silang nakasakay sa kotse. Mabilis itong pinaandar ni Stefano. Ngayon ay sinusundan sila ng nasabing mga armadong lalaki.

Tila eksena sa isang aksyon na Pelikula kung saan ay pinoprotektahan ng bidang lalaki ang bidang babae. Nasa peligro na ang buhay ni Derie May pero ang nasa isip niya pa rin ay ang paglalapat ng kanilang labi. Pirmis lang siyang nakahawak sa kaniyang labi habang si Stefano naman ay naka-focus sa kung paano niya matatakasan ang mga armadong lalaking iyon.

Ilang sandali pa ay nagtagumpay na silang makatakas sa mga ito. Ngayon ay nasa isang malayo na bahagi na sila ng Bulacan. Napadpad sila sa DRT o Doña Remedios Trinidad. Ang lugar sa Bulacan na halos bundok na.

Mabuti na lang at may rest house ang mga Avedaño dito. Dito na nagpasiya si Stefano na magpalipas ng gabi kasama ang babaeng umamin na may gusto sa kaniya.

"Okay ka lang ba, Derie? pasensya ka na kung nadamay ka pa sa gulong ito. Anyway, Nagustuhan ko ang binigay mong bulaklak. Alam mo bang sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakatanggap ng bulaklak mula sa isang babae?" Mabait naman talaga si Stefano sa lahat. Hindi siya yung tipong bastos o mapag-samantala. He is just being nice to Derie knowing na may pagtingin ito sa kaniya. Stefano has a Girlfriend kaya mabuting pakikitungo lang ang kaya niyang isukli sa dalaga.

"Okay na okay. Huwag mo akong intindihin. Masaya ako na magkasama tayo ngayon. Pasensya ka na kung naging pabigat pa ako sa 'yo ngayon. Kung hindi kasi kita sinundan, hindi ka na sana---" Hindi pa natatapos magsalita si Derie May ng biglang takpan ni Stefano ang bibig ng dalaga gamit ang darili para sana patahimikin.

Itong si Stefano ay bigla na lang natulala habang nakatitig sa magandang mukha ng dalaga. Bigla niyang naalala ang aksidente na paglalapat ng kanilang mga labi. Ang malambot at mapula nitong labi ay nag-iwan ng isang matamis na ala-ala kay Stefano sa dalaga.

"What's your name again? I kissed you, but I still don't know your name." halata sa mukha ng binatang si Stefano ang paghanga sa kaharap. Hindi siya yung tipo ng lalaki na babaero. Sadyang kapuri-puri lang talaga ang aking ganda ng dalagang si Derie May.

"Derie, Derie ang pangalan ko."

"Okay, Derie. Sorry sa nangyari kanina. Alam naman nating dalawa na aksidente lang ang paglalapat ng ating mga labi. Pasensiya ka na rin kung hindi kita maihahatid ngayon. Hayaan mo, next time babawi ako sa 'yo. Matulog na tayo."

"Sige. good night, Stefano!"

Iniwan na ni Stefano ang dalaga at saka siya nagtungo sa kabilang kwarto. Bigla niyang naisip ang nobya niyang si Cassandra. Kung ito pala ang kasama niya kanina ay malamang na hindi niya mapapatawad ang sarili niya kung may nangyaring masama. "Ito na nga ba ang sinasabi ko. Paano ko siya pakakasalan kung minu-minuto ay may banta sa buhay namin?" Mahal na mahal niya si Cassandra at hindi niya kayang mapahamak ito dahil lang sa pagmamahal nito sa kaniya.

Ilang sandali pa ay may biglang pumasok na ideya sa isip na stefano na maaaring makatulong sa problemang kinakaharap niya ngayon.

"Thank you for Coming in to my life, Derie. Ikaw ang magiging sagot sa lahat ng problema ko. Hindi ba at gusto mo kamu ako? p'wes, ikaw na lang ang babaeng pakakasalan ko." wika ni Stefano sa hangin. Wala na siyang ibang maisip na paraan kung hindi ang gumamit ng ibang tao para makuha niya ang mana niya.

Alam rin niyang hindi ito madali. Kailangan niya munang paibigin ang dalaga bago niya ito alukin ng kasal. he is running out of time kaya naman agad na kumilos si Stefano kinabukasan.

Kinabukasan, naunang magising si Stefano kaya dali-dali siyang bumangon mula sa higaan at nagtungo sa banyo para maligo. Bagamat ang katiwala lang ang bantay dito sa kanilang rest house ay kumpleto pa rin ang gamit dito.

Naisipan ni Stefano na maligo muna bago puntahan ang dalaga sa kabilang kwarto. Mga nasa kinse minuto din siyang nagtagal doon bago lumabas. Nakatapis lang siya ng tuwalya na lumabas at nagulat siya nang makita si Derie May sa loob ng kaniyang kuwarto.

"Hala, Diyos ko! Patawarin niyo po ako sa aking makasalanang mata." Nanlaki ang mata ni Derie May sa nakitang nakabakat sa binata. Mahaba at mataba. Agad siyang napatalikod dahil sa pagka-ilang. Babae siya at hindi tamang makakita siya ng ganoon dahil sa kapangahasan niya. Pumasok na lang siya basta nang hindi kumakatok.

"Derie? Anong ginagawa mo rito? May kailangan ka ba?" Nilapitaan ni Stefano ang dalaga at hinawakan sa balikat. Dahil sa paglapit niya ay hindi sadyang nadikit ang naka umbok sa gawing likuran ng dalaga. Matigas at matulis.

"kailangan ko? w-wala... yayayain sana kitang----" para makaiwas sa tukso ay dahan-dahan na humarap si Derie May. Sa kaniyang pagharap ay bigla siyang nakaramdam ng panghihina nang makita niya ang hubad na pang itaas na bahagi ng katawan ng binata na may tumutulong tubig galing sa buhok.

Agad na nakaramdam ng init si Derie May na bago sa kaniyang pakiramdam. Inosente man sa mga ganitong bagay ay alam ni Derie May na ang lalo siyang napapahanga ng binata.

"Yay-yayaain ko po s-sana kayong magkape. Nakialam na po ako sa kusina dahil kanina pa po ako gising." muling tumalikod si Derie May at nagmamadali na lumabas ng kwartong iyon.

Napailing na lang si Stefano sa reaksyon ng dalaga. Halata kaagad niya na inosente ang dalaga pagdating sa sex. Namula kasi ang mukha nito at halos hindi makatingin ng diretso. Hindi maitatanggi na malaki nga ang pagkagusto nito sa binata.

Hindi si Stefano ang tipo ng lalaki na mapag-samantala sa babae. He's A one woman man at tanging si Cassandra lamang ang nagmamay-ari ng puso niya. Ngunit sa pagkakataong ito ay kailangan niyang samantalahin ang pagkagusto sa kaniya ni Derie May. Ito na kasi ang napipisil niyang pakasalan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status