Share

Chapter 38

Eliezah

PAULIT ulit kong pinapakinggan ang message na natanggap ko. His voice was so lively na parang hindi siya patay. Walang bakas ng kahit ano kundi pagkasabik.

Sino ang misteryosong texter na ito? Paano siya nagkaroon ng kaparehong boses ng Papa ko. Hindi ako naniniwalang si Papa ito dahil kitang kita ko noong araw na ilibing si Papa at si Mama. Nakaukit pa sa isipan ko ang pangyayaring nadatnan namin noong araw na inambush ang sinasakyan nila sa isang daan papunta sa venue ng birthday ni Mama.

Pinahid ko ang luha ko na kanina pa naglalandas sa pisngi ko. Sumiklab ang panibagong galit sa puso ko sa isiping baka isa na naman ito sa pakulo ni Fergie Morgan. Hindi na ako makakapayag na pati ang mga magulang kong nananahimik na ay guguluhin niya pa. Hinding hindi!

"Elie?... Let's eat. Dinner is ready." Sumungaw si Zykiel sa pinto ng kwarto ko rito sa bahay.

"Hindi ako gutom. Kumain ka nalang." Sagot ko habang sinusuot ang leather jacket ko.

Pumasok siya. "Saan ka pupunta?"

"Sa HQ
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status