Share

Chapter 12

Maingat ang bawat paghiwa ko sa mga gulay na gagamitin sa pagluluto ng kare-kare. Tagaktak na ang pawis ko. Si Blair ang nagtuturo sa akin ng mga gagawin at pinapanood ang bawat galaw ko.

"Ma'am, hindi ganiyan ang paghihiwa sa talong! Naku!" Natataranta niyang sinabi sa gilid ko. 

Binaba ko ang kitchen knife at tamad siyang nilingon. "Iba man ang pagkakahiwa, iisa pa rin ang lasa, Blair. Talong pa rin iyan. Stop it! Nade-destruct ako." Inirapan ko siya. 

Napangiwi siya sa akin at nagkamot ng ulo. She didn't say anything after that. Hinayaan na lamang ako sa aking ginagawa.

It's Sunday. And Nabrel is gonna be here any minute now. I asked him to be here before lunch. Pinaaga ko dahil gusto kong matikman niya ang iluluto ko. This is his favorite, ayon nga kay Blair. Hindi ko sinabi ang dahilan kung bakit maaga ko siyang pinapapunta. Hindi na rin naman siya nagtanong. 

Alas singko ang usapan namin na pagpunta sa isla ni Dad. Naisipan kong magluto ng kare-kare para sa aming tanghalian. I asked them to cook another dish dahil paniguradong hindi na naman pasado ang kare-kare ko. Kaya nagluto sila ng bulalo. Hindi rin naman ako umaasa na magiging perpekto ito. This is just a practice. I believe that I'll be able to cook this kare-kare perfectly.

"Titikman ko, Ma'am," si Blair na akmang kukuha ng sabaw gamit ang kutsara but I immediately stopped her.

"No! Si Nabrel ang unang titikim niyan," mariin kong sinabi. Kitang-kita ko ang pagngiwi at pagka-ilang niya bago ibinaba ang kutsara.

I rolled my eyes at her.

"Si Nabrel? Kawawa naman ang batang iyon kung ganoon." Humalakhak si Manang Lusing. I playfully glared at her. 

"May trabaho si Nabrel ngayon, Ma'am. Hindi ko alam na papunta siya?" si Blair na mukhang nagtataka.

"He'll be here. Baka parating na iyon. Tsaka babayaran ko naman ang araw niya."

Tumitig siya sa akin na tila ba may gusto pang isatinig. I raised an eyebrow. Tumikhim siya at ipinagpatuloy na lamang ang pagpupunas ng pinggan.

Napangiti ako nang makatanggap ng mensahe mula kay Nabrel. Aniya ay nasa labas na siya. Mabilis akong tumulak palabas ng dining area.

Natanaw ko siyang papasok sa hardin. I smiled and waved at him. I walked towards him. He didn't smile back when he saw me. Nakakunot lamang ang kaniyang noo. He was wearing a gray t-shirt and khaki shorts.

Kitang-kita ko ang pagpasada ng kaniyang tingin sa suot ko nang huminto ako sakaniyang harapan. Ngumuso siya at nagtaas ng kilay. 

I was wearing a cute white apron. Underneath was my pink maxi dress that reaches my ankle.

"I cooked!" masigla kong sinabi at hinila siya papasok. He didn't protest so I just continued walking while holding his hand. I even intertwined our fingers. Again, he didn't protest. I was biting my lip to hide my smile. Hindi ako lumingon sakaniya habang hila-hila siya. Hawak ko ang kaniyang kamay hanggang sa dining area.

He greeted Manang Lusing and Manang Fely when we entered the dining area. Kitang-kita ko ang pagbaba ng tingin ni Blair sa aming magkahawak na kamay. Napakurap ako at mabilis iyon pinakawalan. Nag-iwas siya ng tingin. She didn't even look at Nabrel when he greeted her.

Is she... jealous? Muntik ko nang makalimutan na siya nga pala ang girlfriend. But there's no need for her to be jealous! I have a boyfriend! And... I just held Nabrel's hand! Masama ba iyon? 

"Handa ka na ba, Nabrel?" Natatawang sambit ni Manang Fely. 

"Po? Saan naman?" Marahang humalakhak si Nabrel. He looked at me. Kitang-kita ko ang pagkislap ng mga mata niya na para bang natatawa sa kung ano.

Nagtaas ako ng kilay at itinuro ang isang upuan. "Sit. Tikman mo ang kare-kare na niluto ko. I want a good and polite judgement, Nabrel," may diin sa aking tono. 

"Nagbanta pa! Ayusin mo iyan, Nabrel," si manang Lusing at sinabayan pa ng tawa nilang dalawa ni Manang Fely. 

Nanlaki pa ang kaniyang mga mata ngunit natatawa rin. "Marunong ba iyan magluto, Manang Fely?" Aniya sa tonong nang-aakusa. 

"Marunong magluto iyan." Tumango-tango si manang Fely. I smiled sweetly at her when she looked at me. "Ng pinakuluang tubig," then she laughed with Manang Lusing. 

Uminit ang pisngi ko. I pursed my lips. 

"You want me to fire the both of you?" I said with a warning tone. But of course, they wouldn't take that seriously. Alam nila na hindi ko iyon magagawa. I just rolled my eyes at them. 

Nakita ko ang pagbaling ni Nabrel sa banda ni Blair. Nagtaas siya ng kilay na tila ba nagtatanong kung ayos lang ito. Ngumiti lamang si Blair sakaniya at nagpatuloy sa ginagawa. 

I looked away. Pinigilan ko ang sariling mapairap.

"Kumuha ka ng kare-kare roon at tikman mo na," malamig kong sinabi kay Nabrel nang hindi siya tinitignan. Umupo ako at nagkunwaring abala sa aking telepono.

"Ako na. Maupo ka na, Nabrel. Ihanda mo ang tubig, Blair," si Manang Fely ngunit hindi ko siya nilingon.

Bigla akong nawalan ng gana. Pakiramdam ko nanlalamig ang aking tiyan sa hindi malamang dahilan. Narinig ko ang pagtunog ng upuan sa aking tabi. Hindi ako nag-angat ng tingin kay Nabrel. Nagpangalumbaba ako habang nags-scroll sa aking social media account.

"Uy," bulong niya sa aking tabi. Nagtaas lamang ako ng kilay habang nakatutok pa rin sa telepono.

"Gusto mo bang ngayon na tayo magpunta sa isla ninyo? Hindi mainit. Makulimlim pero hindi naman siguro uulan," marahan niyang sinabi.

"Hmmkay," I said lazily.

Napa-angat lamang ang tingin ko nang maglapag ng juice si Blair sa aking harapan. Tipid siyang ngumiti at isang beses na sumulyap kay Nabrel. Kitang-kita ko ang lamig sa tingin niyang iyon. Pasimple kong sinulyapan ang lalaking nasa tabi ko. He was just staring at me while pouting. Ni hindi niya yata napansin ang paglapit ng kaniyang girlfriend.

Tumikhim ako at kinunot ang aking noo bago ibinagsak ang cellphone sa mesa. Nang lingunin ko siya ulit, titig na titig pa rin siya sa akin.

"What?" Maarte kong untag.

He bit his lower lip and looked away. Hinaplos niya ang kaniyang buhok.

"Bagay sa 'yo ang apron," he said, not looking at me. Nakatitig lamang siya sa mga prutas na nakalulan sa basket. 

Umirap ako. Napakawalang kwentang komento.

Pinanood ko ang paglapag ni Manang Fely ng maliit na bowl sa harapan ni Nabrel. He stared at the kare-kare for awhile.

"Hindi namin tinikman iyan. Ikaw ang una. Huwag kang mag-alala, may tubig at ice cream naman kung sakali lang." Humagikgik si Manang Fely.

Ngumuso ako habang pinapanood ang reaksiyon ni Nabrel. Nakatitig lamang siya roon at tila ba sinusuri nang mabuti. Okay naman ang itsura niyon. Mukha naman kare-kare, e!

"Are you just going to stare at it? Kung ayaw mo, edi huwag mo! Kainis 'to!" Umirap ako, hindi maitago ang hinanakit. Parang nagdadalawang-isip pa siyang tikman iyon!

Nanlaki ang mga mata niya at bumaling sa akin. "Titikman ko. Nakakamangha lang, Talianna..."

"Nakakamangha? Tikman mo na! Ang dami-dami mo pang sinasabi. You're just probably avoiding-"

"Titikman ko na," aniya sa malambing na boses.

Kinagat ko ang labi ko at ngumuso. Pinanood ko ang madrama niyang pagbuga ng hangin na tila ba sasabak sa isang matinding giyera. I glared at him but he just laughed.

Sina Manang Lusing at Manang Fely ay nag-aabang din. Napansin ko na nawala sa dining area si Blair. What's with her? Nagseselos talaga siya! I'm sure of that. Ang tanga niya para magselos kung ganoon. Kaartehan niya. Gusto niya bang masisante? 

Napairap ako sa hangin. 

Nakaangat ang kilay ko habang pinapanood si Nabrel na tikman ang kare-kare. Kumunot ang noo niya. He licked his lower lip and looked at me. Binigyan ko siya ng isang nagbabantang titig ngunit may munting kaba na sa akin.

"Ang sarap ng kare-kare mo, Talianna. Lasang chicken curry," seryoso niyang sinabi na naging dahilan ng halakhak nina manang.

Nalaglag ang panga ko at biglang napaayos ng upo. Nagngitngit ang kaloob-looban ko. He smirked at me. Tila natuwa sa aking reaksiyon.

"What? Are you serious?" Frustrated kong sinabi. 

"Biro lang. Masarap naman," aniya sabay hablot sa basong may tubig na inilapag kanina ni Manang Fely.

"Nabrel..." 

Inilapag niya ang baso at inosente akong tinignan. "Masarap nga. Lasang chicken curry. Baka naman chicken curry talaga iyan at hindi kare-kare?" Nagtaas siya ng kilay.

I groaned out of frustration. "How the hell would it taste like chicken curry? E, wala naman akong nilagay na curry diyan, Nabrel!"

"Baka naman mayroon at hindi mo lang napansin," he said innocently.

"Manang!" Napatayo na ako at humarap sakanila. "Tikman niyo nga. Niloloko ako ni Nabrel!"

Mabilis silang tumalikod at naghanap ng kaniya-kaniya nilang pwedeng gawin.

"Mamaya na, Talianna. Maghuhugas muna ako." 

Huminga ako nang malalim. I'm so pissed right now. And offended at the same time. Kitang-kita ko na hindi nila gusto ang luto ko. Sinusubukan ko naman. I know it's not perfect but I'm still trying. 

"Tignan ko lang baka may mga nalaglag na dahon sa pool." Mabilis na tumulak palabas si Manang Fely.

Humalukipkip ako at matalim na tinignan si Nabrel na nakatitig lang sa akin, nanatili siyang nakaupo.

Sinimangutan ko siya. Naramdaman ko ang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko. Napakurap ako at nag-iwas ng tingin. Umupo muli ako, hindi na magawang tumingin sakaniya. Pumatak ang luha ko. Marahas ko iyong pinunasan. 

"Tahan na..." marahan niyang sinabi at nagbuga ng hangin. 

"Ang panget mo kapag umiiyak." 

Hinampas ko ang kaniyang dibdib. "You're not funny, ah!" Nanggigigil kong saad.

Napapikit siya habang sapo ang kaniyang dibdib ngunit nakangisi pa rin. He made a face and laughed. Inirapan ko siya, pinigilan ang ngiti ko at pinanatili ang pagsimangot. 

"Arte mo," halakhak pa niya. 

"I hate them, Nabrel! They can't even appreciate my effort. Nakita nila ang pagod ko kanina habang niluluto iyan. Pero ni ayaw nilang tikman. Sinong kakain niyan ngayon?" Nanginig ang boses ko. Hindi ko talaga maiwasan ang pagtatampo sakanila. At alam ko rin na napilitan lang si Nabrel na tikman iyon! Isang beses lang niyang tinikman at hindi na naulit! 

"Tss. Edi ubusin ko. Dadalhin ko ang kaserola ninyo at iuuwi sa amin. Bakit ka ba umiiyak ha? Parang iyan lang, e." 

Kinagat ko ang labi ko at sumulyap sakaniya. Pumikit siya nang mariin at hinaplos ang kaniyang buhok. 

"You don't have to do that. Baka sumakit pa ang tiyan mo," mapait kong sinabi. Nanatili akong nakasimangot. 

"Sigurado iyon pero ayos lang. May banyo naman kami," seryoso niyang sinabi at nagtaas ng kilay sa akin. Matalim ko siyang tinignan. Talagang sinasabi niyang sasakit ang tiyan niya, ah?! 

Natanaw ko ang pagpasok ni Blair sa dining area. She smiled a bit but looked away immediately. Nagtungo siya sa lababo at naghugas ng kamay. 

"Blair! Halika. Tikman mo ang luto ni Talianna." 

I looked at him again. Ngumiti lamang siya at mayamaya ay ngumuso. Nagseryoso ang kaniyang mukha. 

I pouted and remained silent when Blair walked towards us. She wiped her hands in her uniform. Kitang-kita ko ang paglikot ng kaniyang mga mata. I can sense that she was uncomfortable. 

Napakurap ako at umayos ng upo. 

Inabot ni Nabrel ang bowl niya at walang pag-aalinlangang kinuha iyon ni Blair. They used the same spoon.

Kumunot ang noo ko sa isipan na iyon. Of course. They are in a relationship. Normal lang naman ang ganoon.

"Ayos naman ang lasa, Ma'am. Natututo ka na." she smiled a bit but I was too preoccupied with my thoughts about the spoon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status