Share

CHAPTER 2 - LOVE BETWEEN FIANCE OR FATED MATE.

Sortitus POINT OF VIEW

"Kumusta na ang pakiramdam mo?"

Napakunot ang noo ko ng marinig ang boses ng babae. Kakapasok n'ya lang sa kubo na ito. Kanina pa ako gising ngunit nanatiling hindi malinaw sa utak ko ang mga nangyari sa digmaan.

Umupo sa aking tabi ang babae at inalalayan niya akong umangat sa pagkakahiga dahil ramdam ko pa ang medyo kirot sa aking kalamnan kahit wala naman akong kahit anong sugat sa katawan.

"Kumain ka na," may halong pag-alala nitong sambit sa akin. Akmang susubuan na sana ako ng bigla kong tanggihan at tinabig ang kamay nito.

Napalunok ako at napabalikwas ng bangon sa papag. "Sino ka? Teka.. ano ba ang nangyari?" Nagtataka kong tanong dahil hindi ko maalala kung paano ako napunta sa kubo na ito.

"Clavem, 'yan ang pangalan ko. Dinala kita rito dahil nawalan ka ng malay kanina sa digmaan."

Napakuno't noo ako at napahawak sa aking sentido at gulong-gulo sa kaniyang mga itinuran. "N-Nawalan ng malay?" nalilitong tanong ko.

"Dahil lumabas na sa iyo ang iyong lobo, Alpha," masaya nitong balita sa akin. "Hindi pa nga lang buo dahil hindi ka pa nagpapalit-balat subalit ang ibayong lakas, liksi, bilis at galing sa pakikipaglaban ay magkasing-bangis na ng hindi pangkaraniwang lobo, maging ang iyong kalahating wangis sa pagitan ng lobo at tao ay lumabas na."

Dahil sa sinabi niya nabaling ang tingin ko sa labas ng kubo. Agad kong naaninag ang kabilugan ng buwan. Sa puntong ito ay nag-iba ang timpla ko. Napatingin ako sa kagandahan ni Clavem. Bigla na lamang hindi ko makontrol ang sarili ko, pakiramdam ko, may isang malakas na halimaw na kumawala sa loob ng katawan ko na hindi ko kayang kontrolin sa kagustuhan niyang markahan ang babaeng ito.

Dinig na dinig ko ang malakas na pagtibok ng puso ni Clavem ng hawakan siya ng mga kamay ko.

"You're mine, Clavem." Mga salitang lumabas sa aking labi ngunit salungat sa gusto ng puso ko.

"I'm all yours, alpha," pigil hininga niyang tugon sa akin at ramdam ko ang mainit nitong palad sa aking pisngi pababa sa aking leeg.

Puno ng pagnanasa ang aking mga mata at hindi ko na matiis ang init na lumukob sa aking buong sistema. Mas lalo pa akong lumapit sa kanya at ibinaon ang aking mukha sa leeg niya upang amuyin ang mahalimuyak niyang bango. "You're mine," paulit-ulit kong bigkas habang minamarkahan ng halik ko ang leeg niya patunay na siya'y pag-aari ko at walang ibang puwedeng umagaw sa kanya mula sa akin.

Mas lalong nag liyab ang katawan ko ng siya naman ang gumawa ng kapareho sa ginawa ko sa kaniya, she marked me too, habang ang mga palad nito ay mainit niyang ipinadalusdos mula mukha hanggang bewang ko, ramdam ko ang init dahil n*******d na ang aking pang itaas na suot at patuloy pa rin ako sa pagsinghot sa natural na aroma ng kaniyang pagkababae at habang ang mga kamay ko naman ay abala na libutin ang kaniyang katawan.

Hindi na kami nag aksaya pa ng oras sa isa't-isa at agad ko na siyang binuhat at inupo sa may lamesa, binuka ang mga hita at sinunggaban ang kaniyang mga labi ng mapupusok kong mga halik. Mas lalo akong nasabik na angkinin siya ng maramdaman ang kakaibang init ng kanyang halik. Nasa kalagitnaan na kami ng aming mainit na paghahalikan ng muli akong napabalik sa aking sistema. Tumigil ako at bahagyang kumalas sa pagyakap kay Clavem. Nakita ko ang pagguhit ng sakit sa kaniyang mukha. "Damn, this is wrong." Mahinang usal ko.

Hinaplos ni Clavem ang mukha ko, ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya dahil pinag-isa na ang kalahati ng aming mga isip at puso simula ng markahan ko siya na akin.

"Noong nakita kita alam kong ikaw na ang itinakda ng buwan para sa akin at hindi ko kayang labanan ang puso ko na mahulog sa 'yo, Alpha. Ngunit kung mahirap para sa 'yo na tanggapin ako sa buhay mo, hindi ko ipipilit ang sarili ko."

Ramdam ko ang bigat sa aking dibdib ng magsimula siyang tumalikod sa 'kin. Bakit ganito kasakit? Nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang nasasaktan. Hindi ko nakayang tiisin ang ganitong pakiramdam kaya muli ko siyang hinatak pabalik sa akin at niyakap ng mahigpit. "Then fall for me harder, my luna. Stay with me." Hindi ko na naman kayang kontrolin ang emosyon ko, kaya kabaliktaran na naman ang sinasabi ko kaysa dinidikta ng puso ko.

"Fuck! What is this?" Hindi ko maintindihan ang sarili ko. May kung anong pwersa sa loob ko, maging ang nararamdaman ko ay hindi ko na rin kayang kontrolin. Gusto kong kumawala mula sa init na aking nararamdaman.

"Sortitus, she's my Luna. Para siya sa akin," narinig ko ang nagbabantang boses sa loob ng isipan ko na kinakausap ako. Alam ko siya ang aking Lobo. Bilang Alpha hindi na maninibago kung bigla na lang akong kausapin ng aking lobo, katulad sa madalas kong nakikita sa ibang mga kauri ko.

"Si Heres ang mahal ko," madiin kong sagot sa pamamagitan ng aking isip.

"But you need her." May pagbabanta na sagot sa akin ng Lobo ko. Hindi ko pa siya kilala, ngunit ramdam ko kung gaano siya kalakas na klase ng lobo.

Pagkalipas ng ilang sandali, natagpuan ko ang aking sarili na nasa malaking papag. Pareho kaming n*******d ni Clavem at nakapatong na ako sa kaniya. Ramdam ko ang init sa aming mga nagkikiskisang mga balat at pagsasalitan ng laway.

Pagkahiga ko sa kaniya at nasilayan ko na ang kabuuan nitong mukha at katawan. Her lips are thin and velvet colored, her almond and amber eyes (yet she's not transformed), she's greek-shaped nose, and her high neck, white pair skin, her caramel hair, her body was hot and hourglass. Every skin I touch is addicting but it can't be because it's wrong..... it's wrong that I'm having sex with a woman I don't even love and only wanted for me by the insidious destiny.

Sinubukan kong tanggalin ang kamay ko mula sa kaniyang mga palad pero ibinaba ko pa ito hanggang maabot ko na ang kaniyang pagkababae at pinaglaruan ito gamit ang aking tatlong daliri. Samantalang ang kabila kong kamay ay nasa dibdib naman nito at nilalamas ang kaniyang maumbok na hinaharap.

"Aughmm....." malakas na ungol nito at napatiyad pa ito sa sarap dahil sa aking ginagawa sa kaniya. Tulad niya, hindi ko rin maiwasan ang sarili ko na mapaungol dahil sa kakaibang init na dumadaloy sa aming pinag-isang katawan.

"A-Alpha, take me.. aurgh..... hmm...," ungol niya habang ramdam ko ang mga kalmot niya sa aking likod. Hindi ko kayang pigilin ang aking lobo dahil may kung anong enerhiya na nagtulak sa akin upang ipasok ang malaking alaga ko sa nakahanda at namamasa ng lagusan ni Clavem.

"You making me crazy, my luna.. Ohhhh.. fuck... You're mine now." Lumakas ang ungol sa buong kubo nang unti-unting bumilis ang paglabas-pasok ng malaking sandata ko sa pagkababae ni Clavem. Nakita ko ang pagtaas pa ng bewang nito, mas lalong diniinan ang mga kuko sa aking balat at ang hindi inaasahang paglabas ng kaniyang kulay lilang mga mata na siya namang kinatuwa ng lobo ko.

Matapos ang aming pagniniig ni Clavem, tila nakaramdam ako ng pagsisisi sa aking sarili ng maalala ko si Heres, ang tunay na mahal ko. Hindi ko namalayan na unti-unti ko na palang hindi makikilala ang sarili ko dahil pakiramdam ko'y nangaliwa ako sa babaeng minahal ko.

Ilang sandali pa ay nakaramdam ako ng biglaang pamamalilipit ng aking tiyan. Iniwan ko si Clavem sa kubo at tumakbo ako kahit hubot-hubad papunta sa kagubatan. Namamawis ako at hindi ko maintindihan ang kakaibang init at sakit na tila ba sasabog ang buo kong katawan.

Pagkarating ko sa tuktok ng bundok ay walang tigil ang aking malakas na d***g sa sakit at pagpagulong-gulong ko dulot ng mas lumalalang pamamalipit ng tiyan.

"Holy shit! It's happening now. My werewolf form is out!" sigaw ko sa sobrang sakit, habang minamasdan ang unti-unting pagtubo ng aking balbong buhok sa kamay hanggang paa. Ang pagpasok ng kakaibang enerhiya at ang ibayong lakas na hatid nito sa aking katawan ay nagsimula ng magising.

Napatingala ako sa kabilugan ng buwan. Umalulong ako ng napakalakas at pinustura ang mga kamay na handa ng mangalmot. Isinara ang mata sa muling pag mulat ko ay ganap na akong itim na lobo. Malaki, malapad, malakas at mabangis na kulay itim na balbong lobo, mapulang mga mata para sa mga alpha na katulad ko. May mga matutulis, mahahaba at matitibay na pangil at dilaw na mga kuko.

Tumakbo ako nang tumakbo sa kagubatan. Sobra ang pangangati ng aking pangil kaya't ang mga puno na aking madaanan ay aking pinagsisira at pinagpuputol saka inihahagis sa malalayo, gayundin ang mga bulaklak at mga halaman ay aking pinagkakalkal sa pamamagitan ng aking mahahaba at dilaw na mga kuko hanggang sa kusa na itong mamatay at mangitim. Ang lahat ng mga hayop doon ay aking pinagtutumba, nilalapa at tinatanggalan ng ulo hangga't mapatay ko silang lahat at walang matira. Hindi ko mapigilan ang aking sarili at gusto ko pang manira at pumatay ng marami.

Nagtago ako sa likod ng mga halaman sa madilim na bahagi ng kagubatan at naghihintay ng tamang pagkakataon para lapain ang isang naliligaw na dayuhan.

"Is there someone there?! Can you hear me?" hiyaw nito.

Napangisi kong naaamoy ang maalinamnam na dugo na dumadaloy sa kaniyang mga ugat.

"Nakakabaliw ang bango ng tao," sambit ko sa aking isip habang sinisinghot ang kaniyang amoy at mas lalong nagsasalita ang aking tiyan sa gutom.

"Sortitus!" asik ng isang puting lobong babae na may lilang mata sa akin nang ako'y kaniyang harangan.

"Leave!" Nanlilisik ang aking mga mata sa galit habang nakatingin sa kanya.

Muli kong narinig ang pagsigaw ng lalaking dayuhan. Napalingon ako muli sa gawi nito at ako'y naglaway sa sobrang pagkagutom. "Blood!" Panay ang lunok ng aking laway dahil sa gutom.

"Sortitus, huwag mong haluan ng inosenting nilalang ang iyong dugo. Isa kang mabuting Alpha!"

Narinig ko ang nagsusumamong boses ni Clavem, dahilan upang akoy mapatigil sa aking binabalak gawin.

"Just leave me, Clavem. Huwag mo akong dalhin sa pagpaawa mo."

"Pagpapaawa? Hindi ako nagmamakaawa, Sortitus. Ang akin lang naman, huwag kang pumatay ng isang inosenteng tao ng dahil lang sa gutom mo."

Tila naman nakinig ang lobo ko kaya unti-unti kong naramdaman ang paghinahon nito sa loob ko at nakontrol ko ang gutom. Nagpati-anod na lamang ako kay Clavem at sumama sa kanya pabalik ng kubo.

"Clavem," tawag ko, ng makapasok na kami sa loob ng kubo upang dito magpalipas ng gabi.

Tumingin siya sa akin. Hindi siya nagsasalita ngunit nababasa ko ang kagustuhan niyang mahawakan ako. Nagpakawala ako ng malalim na hangin at humakbang palapit sa kanya hanggang sa magkadikit na ang ilong namin at ramdam ko ang mainit nitong hininga. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang totoong nararamdaman ko ng hindi siya nasasaktan.

"Clavem," muling tawag ko. Kahit sa pagbanggit ng pangalan niya nahihirapan ako dahil alam kong ang kasunod na sasabihin ko ay maaring dumurog sa kanyang pagkatao. Ngunit mas pinili ko pa rin na sabihin kahit ramdam na niya ito.

"Fenrir has claimed you and my body accepts it but it doesn't mean that you have the power to control me nor manipulate my life. I don't like you neither love you and I hate the fact that you are my destined mate."

Kitang-kita ko kung paano masaktan ang fated mate ko dahil sa mga masasakit na salita na binitawan ko. Ramdam ko ang pagwawala ng lobo ko sa loob ko ngunit pilit kong konontrol ito. May kirot sa loob ng dibdib ko ng makita ang pagtulo ng kanyang mga luha, ngunit winaglit ko ito. Mainam ng nagkakaintindihan kami maging ang lobo ko. Katawan ko ito, at kailangan na ako pa rin ang magkontrol sa lobo ko.

"I know. Hindi mo kailangan ipamukha sa akin kung gaano mo ako tinatanggi bilang fated mate mo. You are on your own. Sabihin mo lang sa akin ngayon sa ilalim ng kabilugan ng buwan na ikaw Sortitus gustong e-reject ako bilang fated mate mo. Nakahanda akong tanggapin."

Sandali kaming nagkatitigan ng mata sa mata ni Clavem. Ngunit naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko rin kayang sabihin ang mga salitang gusto niyang sabihin ko. Mayroong bahagi sa loob ko na ayaw ko rin siyang pakawalan. Gusto ko ring manatili siya sa tabi ko. "Fuck!" Napamura ako sa aking sarili na sumalampak sa papag. Nakita ko siyang humiga na sa kabilang papag ngunit nakatalikod sa akin.

"Clavem, I'm sorry." Kinausap ko siya sa pamamagitan ng aking isip.

"Enough, Sortitus." Sagot din nito pabalik sa akin.

Bago sumikat ang araw, unti-unting bumalik sa normal ang katawan ko at naging anyong tao na ulit ako. Nagising ako na walang saplot sa katawan. Wala na rin si Clavem sa kanyang hinihigaan.

"Dinalhan kita ng damit." Napagawi ang mga mata ko sa nakatalikod na katawan ni Clavem at nakatunghay sa sikat ng araw sa labas ng kubo. Nasa anyong tao na rin ito ngayon. Alam kong naramdaman nito na gising na ako. Nagmamadali akong bumangon at sinuot ang damit na medyo masikip pa sa akin. Hindi ko alam kung saang sampayan niya ito nakuha para lang ipasuot sa akin.

"Salamat." Sambit ko habang nakatingin sa kanyang likuran. Hindi siya nag-aksayang lingunin ako. Kahit hindi niya sabihin nababasa ko ang tumatakbo sa kanyang isipan maging ang bigat na kanyang nararamdaman dahil sa ito sa mga sinabi ko kagabi.

"Sortitus, palabasin mo ako!" Narinig ko ang nagwawala na lobo sa loob ko. Ngunit hindi ko ito pinansin. Pinilit ko siyang kontrolin dahil alam kong pag hinayaan ko siya lalapitan na naman nito si Clavem na ngayon ang naglalakad na palayo sa amin.

"Ako si Fenrir, at walang sinuman na kayang magkontrol sa akin, palabasin mo ako!"

"So, Fenrir pala ang pangalan mo." Sagot ko sa aking lobo sa pamamgitan ng isipan ko.

"Makinig ka sa akin, sortitus. Si Clavem ang babae para sa atin at hindi si Heres," paglilinaw nito sa akin.

"Hindi mahirap mahalin ang itinadhana sa atin..... kaya't hindi mahirap ibigin si Clavem. Kailangan mo lang bigyan ng pagkakataon ang sarili mo sa kanya at buksan ang iyong puso para papasukin s'ya." Muling dagdag sa sinabi nito.

"Hindi! Kahit kailan hinding-hindi ko s'ya bibigyan ng lugar sa puso ko, ni-katiting ay wala!" pagtutol ko. "Isa pa, isa siyang kaaway! Nakita ko sa kaniyang tadyang ang simbolo ng lahing may dugong puting lobo!"

"Kumalma ka, Sortitus, hindi mo ako kaaway, magkakampi tayo tandaan mo 'yan," pagpapagaan niya sa akin."

Ikinwento rin ni Fenrir kung paano pahirapan at halos patayin si Clavem ng may ekis na nakalaban ko sa digmaan kaya't na-trigger na lumabas sa akin ang lobo ko.

"Sa palagay mo ngayon, Sortitus, masama bang luna si Clavem?" sarkastikong tanong nito.

Akmang sasagot na ako ng mapansin ko si Heres na papalapit sa akin. Nakasuot pa rin ito ng gown. Nakaramdam ako ng awa sa kanya. Hindi na siguro ito nagkaroon ng time na magbihis dahil sa kakahanap sa akin.

"Nag-honeymoon ka na pala, Sortitus, at sa ibang babae pa talaga."

"Heres, let me explain." Nahihirapan ko saad at niyakap siya ng mahigpit.

Kumalas siya sa aking pagkakayakap. Umikot ang kanyang paningin, alam ko hinahanap niya si Clavem.

Bumaling ang nagliliyab na mga mata ni Heres sa akin. " I hate you, Sortitus. Akala ko ba ako lang ang magiging Luna mo!" Puno ng hinanakit ang mga salita nito sa akin. "Hinanap kita kung saan-saan, alam mo ba iyon? Kahit na ramdam ko na ang pagtaksil mo sa akin. Saan siya, huh? Ipapamukha ko sa kanya kung sino ako sa buhay mo!" Nanlilisik ang mga mata ni Heres at ramdam ko ang gigil sa kanya na patayin si Clavem.

"Heres hindi na kailangan na makita mo pa siya. Ikaw pa rin ang mahal ko at mananatiling sa iyo ako." Muli kong niyakap si Heres.

Kumapit na ang mabangis kong amoy na siya naman agad na naamoy ni Heres kaya't nalaman na niya ang aking matagumpay na pagpalit balat simula ng kumawala si Fenrir sa 'kin.

Nasilayan ko ang malalim na pagsinghap ni Heres, pagkrus ng kanyang mga braso at pagkagat sunod ng pagbasa sa kaniyang labi. Labis ang gulat ko nang agad niyang sinagpang si Clavem ng kaniyang mga kamao ng makita niya ito.

"You fucking slut wolf!" singhal ni Heres.

Ngayon ay parehas na silang nagtatagisan ng galing at lakas sa laban. Pantay ang kanilang puntos - walang lalabis at walang kukulang at dagdag pa ay pareho silang makapangyarihan kaya't nahirapan si Heres na matalo si Clavem.

"Fuck!" napamura ako. "Stop! Godammit!" Sigaw ko sa kanilang dalawa at ginamit ang lakas ko upang paghiwalayin sila. Pumagitna ako at napatigil ng pansamantala ang dalawa sa kanilang tunggalian.

"H-Heres, hindi ko gustong labanan ka p-pero --- " pinutol ko ang pagsasalita ni Clavem.

Nagbuga ako ng malalim na hangin bago muling suminghap. Nanginginig kong nilunok ang laway ko. Diretsong tumingin sa mga mata ni Clavem at buong tapang na hinawakan ang kamay ni Heres sa harapan din mismo ng Fated Mate ko.

"I'm sorry... Clavem."

Naramdaman ko ang pagwawala ng lobo ko sa loob dahil sa ginawa ko. Ngunit hindi ko siya hinayaan na kontrolin ako.

"Sige, sabihin mo sa kanya, Sortitus na ako ang mahal mo." Utos sa akin ni Heres.

Binalingan ko ang babaeng mahal ko. "Heres, siya ang Fated mate ko."

"What!?" Gulat na reaksyon ni Heres mg marinig ang sinabi ko. "Ngunit ako ang mahal mo Sortitus. Nagmamahalan tayo." Giit nito sa akin.

"Alam ko. Ngunit—"

"Ngunit pwede mong sabihin sa kanya na nire-reject mo siya bilang fated mate mo, di ba?" Agaw ni Heres sa sinabi ko.

Binalingan ko si Clavem. Nakita kong ngumiti siya sa akin, ngunit ramdam ko ang sobrang sakit na nararamdaman niya.

"Mahal kita Sortitus, kaya pinapalaya na kita." Narinig kong wika niya sa akin.

"No, Clavem." Hinatak ko ang kamay niya ng akmang aalis na siya.

"Ano ito, Sortitus, Huh?" Galit na hinampas ni Heres ang dibdib ko dahil hindi ako makapagdesisyon kung ano ba talaga ang gusto ko.

"Kailangan mo lang siya e-reject ngayon, kung hindi ako ang aalis." Bigla akong nakaramdam ng takot dahil sa sinabi ni Heres.

Lihim na bumuhos ang luha ni Clavem na tumingin sa akin.

"Just let me go, Alpha."

Mga salitang binitawan niya ngunit hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko kaya na palayain siya.

Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Calista Dale
oh common sortitus.. minahal mo na agad ang fated mate mo ng hindi mo namamalayan.. love at first sight kumbaga tapos fated mate pa.. haba ng hair clavem
goodnovel comment avatar
Jekk Tan
Cno kaya ang pipiliin ni Sortitus ang fated mate nya o c heres???
goodnovel comment avatar
Jekk Tan
Sa tingin mo sortitus cnong mas matimbang sakanilang Dalawa..
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status