Share

Chapter 19

Chantria

Pinatawag si Iwatani sa office nang nasa kalagitnaan kami ng klase. Hindi naman sinabi kung bakit pero wala na siyang nagawa. Muli niya lang akong sinulyapan bago isinara ang pinto ng room namin.

Napabuntonghininga na lang ako at nagsimulang mag-take down notes. Nagkaroon na kami ng activity kanina para malaman daw namin kung ano na ang nalalaman namin sa subject niya. Ngayon naman ay nagsisimula na siyang magturo.

Matapos ang lesson ay inutusan niya ang vice president, which is ako, na dalhin ang mga notebook namin sa faculty niya para i-check ang activity. To my surprise, Gab volunteered to help me. Noong una ay aapila dapat ako. Pero nang hawak na niya ang halos lahat ng notebook ay wala na akong nagawa. Hindi naman din umangal ang teacher namin.

Wala namang kaso sa ‘kin kung may tumulong pero nagdadalawang isip lang naman ako dahil itong si Gab pa ang nagboluntaryo. Baka mamaya ay paulanan na naman ako ng kung ano-anong maaanghang na salita. This time, ako na lang ang pop
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status