Share

Chapter 25

Chantria

“Ang laki naman pala ng bahay mo para sa sarili mo lang,” komento agad ni Lorreine pagkababang-pagkababa sa tricycle.

Kasunod niyang bumaba si Louella na inilibot din agad ang tingin sa paligid. Mayamaya ay bumaling ang tingin niya kay Iwatani na nasa tabi ko naman. “Sasama ka ring mag-review?”

“Nope. I live here.” Tinuro naman niya ang katabing bahay.

“Oo nga pala. Childhood best friends nga pala kayo.” Napahagikgik pa si Lorreine sa sinabi niya pero hindi na lang namin pinansin. Ang kalog niya talaga kahit kailan. Walang pinipiling lugar. But it’s not like it’s a bad thing.

“Tara na sa loob para maaga tayong makapagsimula at matapos,” pag-aya ko sa kanila.

Nauna akong pumasok at sumunod lang silang dalawa. Nagpaalam naman na sa ‘kin si Iwatani at tawagin ko na lang daw siya kung may kailangan kami. Hindi ko alam kung ano ang kakailanganin namin para tawagin ko pa siya pero hinayaan ko na lang.

“Dope!” bulalas ni Lorreine nang makita ang mini bookshelf ko sa sala. Nagsimula
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status