Chantria"What did you two talk about?" tanong ni Iwatani habang papuntang parking space."Nothing, really."Muli ko na namang naalala ang nangyari kanina dahil sa naging tanong niya. Muli na namang napuno ng mga katanungan ang isip ko.Nang makaupo siya sa driver's seat ay hinarap ko siya. "Say, someone tells you that he doesn't want to be your friend anymore. What are you going to do?"Kumunot ang noo niya sa tanong ko. "What are you saying?""Example lang naman. Anong gagawin mo kung may magsabi sa 'yo niyan?"Saglit siyang napaisip bago sumagot, "Nothing."This time, ako naman ang napakunot ang noo. "Nothing?""Yeah. Wala. It's not my loss if they don't want me to be their friend."Napabuntonghininga ako. Oo nga naman. This is Iwatani I’m talking about. Kahit wala ako rito ay mabubuhay siyang mag-isa. Kahit wala siyang kaibigan ay kaya niya ang sarili niya, unlike me.Kaya siguro ganito na lang din ang nararamdaman ko nang dahil sa sinabi ni Gab. Madalang akong makipagkaibigan sa
Chantria“Wala kaming mabilan ng malaking styro dito,” ani Erin sa kabilang linya.“Okay,” sagot ko. “Maghahanap kami rito ni Lorreine kung meron. Kumpleto na ‘tong mga binili namin. Bale, iyan na lang ba kulang niyo?”“Oo. Iyon na lang. Meron dito kaya lang maliit. Hindi magkakasya ‘yong gagawin natin.”“Sige. Tawag na lang ulit ako kapag nakahanap na kami.”Nang ibaba ko ang phone ay agad kaming naghanap ni Lorreine ng styro. Sinubukan kong tawagan si Gab para itanong kung may kailangan pa siya pero hindi siya sumasagot. Baka busy pa siya sa paghahanap at pag-aayos ng mga kailangan namin sa kanila.“Oh? Sige. Nandito pa naman kami sa mall. We’ll try to look for one.”Napatingin ako kay Lorreine na may kausap na sa phone. Agad akong lumapit sa kaniya. “May kailangan pa raw ba sina Erin?”Binalik niya ang phone sa kaniyang bulsa bago ako sinagot. “Si Gab ‘yon, tumawag. Wala na raw pala silang maliliit na turnilyo sa kanila kaya nagpapabili siya.”Napanguso ako dahil doon. Kanina ko p
ChantriaNang makarating ako sa bahay ay nagbihis na muna ako. Nangako ako kay Aling Tryna sa kanila mag-di-dinner kaya binilisan ko ang kilos. Though, lagi naman talaga ako sa kanila kumakain kaya hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang mangako.Naabutan ko sa labas si Iwatani na nakatalikod sa gawi ko. Hindi ko agad nakita kung ano ang ginagawa niya kaya tinawag ko ang pangalan niya. Pagkalingon sa ‘kin ay may tinapon siyang kung ano sa sahig bago inapakan.Napakagat ako sa ibabang labi ko. “Naninigarilyo ka?”Napakamot siya saglit sa ulo niya. “Minsan. Kapag pagod lang naman.”“Alam mong hindi maganda sa kalusugan ‘yan, ‘di ba?”Tumango siya. “Yeah.”Sa hindi malamang dahilan ay biglang kumulo ang dugo ko. Bakit parang wala lang sa kaniya ang sinasabi ko?“Alam mo naman pala. Bakit ginagawa mo pa rin?”Napaawang ang bibig niya sa biglaang pagtaas ng boses ko. “Ahm… sorry. Kung nag-aalala ka sa second-hand smoke, hindi na ako maninigarilyo sa harap mo.”Napasinghal ako. “Hindi iy
ChantriaHabang hinihintay ko si Iwatani na tinawag sa teacher’s office ay mas pinili ko na lang na mag-stay sa sasakyan. Sobrang init ngayon kaya ayokong malayo sa air condition ng kotse. Ngayon ko lang napagtanto kung gaano talaga kainit sa Pilipinas.Mayroon namang summer sa Canada pero hindi ganito kainit. Sobrang humid pa kaya ang lagkit sa katawan kapag pinawisan. Habang naglalaro sa phone ko ay napatingin ako sa labas. Agad akong lumabas nang makita si Gab na papunta sa sasakyan niya. Ngunit bago pa man ako makalapit ay may lalaki nang lumabas sa kotse na pinagbuksan ng driver.Napatigil ako sa paglapit nang muli kong makita ang tatay ni Gab. Ngayong nakita ko siya nang mas malapit ay roon ko lang napagtanto kung gaano ito kalaking lalaki. Malaki ang pangangatawan nito at matangkad. Moreno ang kulay at asul ang mga mata.Para bang permanenteng nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kaniyang anak. Ngayon ko lang siya nakita nang malapitan kaya hindi ako sigurado. Pero naka
ChantriaPinanood ko ang sarili ko habang nagbubuhat ng weights. Nakikita ko na ang improvement sa katawan ko matapos ang ilang buwang pagbubuhat. At hindi lang ‘yon, miski sa shooting ay nagiging mas mahusay na ako kumpara noon.Nakuhanan ko pa ng video ang sarili ko noon at sinubukang ikumpara ngayon. Doon ko lang napansin kung gaano kalaking pagbabago ang nangyari sa katawan ko. Noong una ay hindi talaga kapansin-pansin. Kung hindi nga dahil sa video ay baka mawalan ako ng pag-asa dahil pakiramdam ko ay walang nagbago.Nang matapos ako sa set ko ngayong araw ay nagpaalam ako kay Iwatani na gagamit lang ng comfort room saglit. Kausap pa niya ang ilan sa mga kaibigan niya rito kaya hindi ko na siya masyadong inistorbo.Nang matapos ako sa pag-aayos ng sarili ay saka ako lumabas. Ngunit nagkahulog naman ang mga gamit ko nang may nakabanggaan ako. Mabilis kong pinulot ang bag ko at mga nagkalat na suklay. Miski ang phone ko ay hindi nakaligtas.Ngunit ang mas ikinabigla ko ay nang umal
ChantriaBumuntonghininga ako habang nakatitig sa kawalan. Hindi mawala sa isip ko ‘yong lalaking sumugod kay Gab.I’m worried for Gab. Baka kasi bumalik iyon at kung ano na naman ang gawin sa kaniya. Paano kung wala nang ibang dumating para tulungan siya? Paano kung hindi na lang isang lalaki ang c-um-orner sa kaniya at isang dosena na? How can he defend himself then?Napatingin ako sa kinakain ko nang lagyan iyon ni Iwatani ng isang parte ng manok. “Eat,” ani niya. “Kanina ka pa nakatulala. Matatapos na ang break time natin.”“Sorry.”“Bakit ka naman nag-so-sorry?”“Magkasama tayo pero nakatulala ako rito mag-isa. Pasensiya na. I was being rude.”“I don’t care about that. Kahit hindi mo ako kausapin, ayos lang sa ‘kin. Ang akin lang, kumain ka dahil buong hapon pa ang klase natin ngayong araw.”Napangiti ako at nagsimulang kumain. Hindi ko maiwasang titigan siya habang kumakain. Masyado na ba akong mababaw kung sa ganitong pagkakataon lang ay napapangiti ako? I just like watching hi
ChantriaPara na namang binudburan ng asin si Lorreine nang makarating kami sa mall. Siya lang itong sobrang excited sa pag-shopping namin ngayong araw.Well, excited rin naman ako pero hindi ganito ka-excited. Para na kasi siyang batang dinala sa amusement park kung makatalon sa gitna. May ilan pang napapatingin sa kaniya at natatawa kaya hindi ko rin maiwasang hindi mahiya sa kanila. Para kaming may dalang pre-school student sa mall.“Anong una nating bibilhin?” tanong ni Louella.“Ey!” apila ni Lorreine. “Hindi dapat pinaplano ‘yang mga ganiyan. Kung anong unang shop ang madaanan natin ay roon tayo pupunta.”Napabuntonghininga ako. “Mukhang makakailang ikot tayo sa mall ngayong araw.” Napatingin ako kay Iwatani na tahimik lang na nakasunod sa ‘min. “Okay lang ba sa ‘yo?”Tumango siya. “Ayos lang ako rito. Mag-enjoy lang kayo.”“Dapat mag-enjoy ka rin!” bulalas ni Lorreine sabay kapit sa braso nito. “Ikaw ang unang-una nating bibilhin ng mga damit at kailangang dalhin sa camp. You n
Chantria“Hi!”Napatingin ako sa likod ko nang may tumawag sa ‘min. Nakita ko naman si Aaron, kaibigan ni Gab, na nahihiyang lumapit sa ‘kin. Napatingin din siya kina Lorreine, Louella at Iwatani bago binati ang mga ito.“Hi, Aaron!” bati ko. Medyo nakakausap ko na rin naman siya dahil nagiging magkagrupo kami minsan sa mga activity namin. Pero masyado kasi siyang mahiyain kaya hindi talaga kami makapag-usap nang maayos. Kaya nakakagulat ding nilapitan niya kami.“Ahm… gusto ko sanang humingi ng favor sa inyo.”“Ano ‘yon? Basta kaya namin, why not?” sagot ko.Napapakamot siya sa batok habang nagsasalita. “Malapit na kasi birthday ni Gab at naisip naming i-surprise siya.” Napatango ako at napangiti. “Actually, si Makino ang nakaisip nito at ako ang pinakausap sa inyo.”Hindi ko alam kung matatawa ba ako kay Makino o ano. Pero kung para naman pala kay Gab, tiyak akong pati si Lorreine ay papayag kahit pa ideya ito ni Makino.“Anong maitutulong namin?” tanong ni Lorreine na may kaunting