Share

Chapter 35

Chantria

“Wala kaming mabilan ng malaking styro dito,” ani Erin sa kabilang linya.

“Okay,” sagot ko. “Maghahanap kami rito ni Lorreine kung meron. Kumpleto na ‘tong mga binili namin. Bale, iyan na lang ba kulang niyo?”

“Oo. Iyon na lang. Meron dito kaya lang maliit. Hindi magkakasya ‘yong gagawin natin.”

“Sige. Tawag na lang ulit ako kapag nakahanap na kami.”

Nang ibaba ko ang phone ay agad kaming naghanap ni Lorreine ng styro. Sinubukan kong tawagan si Gab para itanong kung may kailangan pa siya pero hindi siya sumasagot. Baka busy pa siya sa paghahanap at pag-aayos ng mga kailangan namin sa kanila.

“Oh? Sige. Nandito pa naman kami sa mall. We’ll try to look for one.”

Napatingin ako kay Lorreine na may kausap na sa phone. Agad akong lumapit sa kaniya. “May kailangan pa raw ba sina Erin?”

Binalik niya ang phone sa kaniyang bulsa bago ako sinagot. “Si Gab ‘yon, tumawag. Wala na raw pala silang maliliit na turnilyo sa kanila kaya nagpapabili siya.”

Napanguso ako dahil doon. Kanina ko p
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status