Share

Chapter 37

Chantria

Habang hinihintay ko si Iwatani na tinawag sa teacher’s office ay mas pinili ko na lang na mag-stay sa sasakyan. Sobrang init ngayon kaya ayokong malayo sa air condition ng kotse. Ngayon ko lang napagtanto kung gaano talaga kainit sa Pilipinas.

Mayroon namang summer sa Canada pero hindi ganito kainit. Sobrang humid pa kaya ang lagkit sa katawan kapag pinawisan.

Habang naglalaro sa phone ko ay napatingin ako sa labas. Agad akong lumabas nang makita si Gab na papunta sa sasakyan niya. Ngunit bago pa man ako makalapit ay may lalaki nang lumabas sa kotse na pinagbuksan ng driver.

Napatigil ako sa paglapit nang muli kong makita ang tatay ni Gab. Ngayong nakita ko siya nang mas malapit ay roon ko lang napagtanto kung gaano ito kalaking lalaki. Malaki ang pangangatawan nito at matangkad. Moreno ang kulay at asul ang mga mata.

Para bang permanenteng nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kaniyang anak. Ngayon ko lang siya nakita nang malapitan kaya hindi ako sigurado. Pero naka
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status