Share

Chapter 31

Chantria

“Tapos na agad?” tanong ko nang magsimulang magbabaan ang mga kasama namin sa ride.

Mahinang natawa si Gab sa gilid ko. “Yeah, sorry. You didn’t get to enjoy the ride because of me.”

Mabilis akong umiling. “Hindi ah! Hindi mo kaya kasalanan. Ako nga itong madaldal eh.”

Nauna siyang bumaba ng bangka habang nakasunod naman ako sa kaniya. He held out his hand for me. Agad ko iyong tinanggap at saka bumaba. He smiled and I did the same bago kami lumabas ng ride.

Agad na hinanap ng mga mata ko sina Iwatani pero wala akong nakita. Mukhang nahuli sila sa ride dahil napuno iyon agad. Kaya naman napagdesisyunan kong bumili muna ng ice cream sa isang stand habang naghihintay. Medyo matagal kasi ang naging ride namin.

"Do you want one?" tanong ko.

"Sure." May dinukot siya sa bulsa bago inabot sa 'kin. "Here. Bayad ko."

Mabilis akong umiling. "Huwag na. Libre ko na 'to."

Inabot ko sa kaniya ang strawberry flavor na ice cream samantalang vanilla naman ang akin. Hindi ko inaasahang mahilig
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status