Share

Chapter 30

Chantria

Hindi ko namalayang nakatulog na rin pala ako. Nagising lang ako nang marinig ko ang boses ng teacher namin. Hindi ko alam kung saang parte ako ng movie nakatulog pero dahil sa sobrang haba ng byahe ay hindi ko na rin natiis.

Gising na si Iwatani nang dumilat ako at sa balikat na niya nakadantay ang ulo ko. Miski iyon ay hindi ko na naramdaman pero hindi ko na lang pinansin.

Inayos ko na ang sarili ko dahil malapit na raw kami. Gustong-gusto ko nang makalabas dahil nagsisimula na rin akong mangalay sa pwesto ko sa sobrang tagal naming nakaupo. Sinubukan ko pang mag-inat dahil sa sakit ng katawan.

“Oh no! Nakalimutan kong dalin ‘yong sunscreen ko,” rinig kong sabi ni Lorreine sa likod namin. “Naalala kong nilabas ko na sa plastic ‘yon eh. Nakalimutan ko yatang ilagay sa bag ko.” May narinig pa akong ingit galing sa kaniya kaya mahina akong natawa.

Kinuha ko ang sunscreen sa bag ko at saka bahagyang tumayo para dumungaw sa kanila. “Here. Use mine. Marami naman ‘yang laman.”

Nag
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status