Share

Chapter 29

Chantria

“Mga dadalhin ko lang ‘to bukas sa trip,” sagot ko sa tanong ni Lorreine. “Kayo? Bumibili rin ba kayo para bukas?”

“Syempre! Ang dami nga naming nabiling chichirya kasi panigurado maraming manghihingi sa byahe. Mga timawa kasi mga kaklase natin.”

Natawa kami dahil sa sinabi niya. Hindi ko pa gaanong kakilala ang mga kaklase namin kaya hindi ko alam kung nagsasabi siya ng totoo. Malalaman ko naman iyon bukas mismo sa trip. Pero dahil halos kakilala at ka-close ni Lorreine ang lahat ng mga kaklase namin ay mukhang hindi malabong totoo nga ang sinasabi niya.

Sabay-sabay kaming napatingin kay Iwatani na hinihingal na lumapit sa ‘min. Nang mapansin niyang hindi ako nag-iisa ay bahagya siyang napaatras at may kung anong tinago sa likod niya. Hindi ko na naitanong kung ano ‘yon dahil inulan na siya ng mga tanong ni Lorreine.

“’Tapos na ba kayong mamili? Bakit hindi na lang kayo sumama sa ‘min ni Louella? Balak naming mag-lunch ‘tapos mag-aarcade kami. Kung hindi lang naman kayo busy
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status