Share

Chapter 38 [Starting again]

-Harve's point of view-

"Aray!" Reklamo ko nang diinan nito ang pagdampi ng bulak sa gilid ng aking labi. Sinasadya ata nitong diinan ang pagdampi. "Hinay hinay lang naman, babi. Ang sakit."

Napapangiwi ako sa bawat pagdampi ng bulak sa aking mga sugat sa mukha.

"Sino ba naman kasi ang may sabi sa 'yo na mag ala superman ka doon? Aber?" Galit na saad niya at medyo ginaanan na nito ang paggamot ng aking mga sugat. Siguro naawa din ito sa panay kong pagngiwi. "Akala mo naman kasi ay kayang kaya mo ang apat. Ano ka? Si lastikman na din at kayang kayang ilagan ang mga suntok at tadyak nila? Hay naku. Pasalamat ka at may umawat sa inyo. Ngayon, problema tuloy ang dala ng pagpatol mo sa mga hinayupak na manyak na iyon. Imbes na nag eenjoy tayong magbakasyon. Ayon, sa baranggay ang bagsak natin. Padalos dalos ka kasi ng desisyon, Harve, eh. "

Hindi maipinta ang kanyang mukha habang nanenermon. Hindi ko naman kasi aakalain na may mga kasama ang gagong iyon. Nakapokus na kasi ang mata ko kay
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status