Share

Chapter Nine

Weekends have come to an end.

Gustuhin ko mang matulog nang matulog, hindi pwede dahil kailangan ko nang pumasok sa university.

Kaya matamlay akong naglalakad ngayon papuntang campus. Kung pwede lang lumiban nang kahit isang araw, kaso mapapagalitan ako ni tito at masesermonan ni tita at baka ito ang magiging dahilan para palayasin nila ako sa kanilang puder.

Napabuntong hininga nalang ako.

Pagkapasok ko sa gate, my body move on its own and hide behind the wall when I saw Khael walking. Di ko alam bakit pero nahihiya ako sa kanya.

Naalala ko na naman ang nangyari at pinamulahan ng mukha. Bakit ba kasi kada mahihimatay ako siya yung makakasagip sakin?

Ilang beses siyang nagpalinga-linga na parang may hinahanap. Ako ba ang hinahanap nya? Di naman siguro.

Naglakad ako papalapit, ginawa ko pang pantapik ang bag ko.

"Yumi!" Bahagya akong napatalon nang tawagin niya ang pangalan ko.

Napapikit nalang ako sabay nakangiting bumaling sakanya. I know my smile is so fake but I don't care anymore.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status