Share

CHAPTER 35: HER ANGER

PERSIA’S POINT OF VIEW, 

Pumunta ako sa harapan ni Historia upang pigilan siya pero agad akong napaurong nang makita ang mata niya na nababalot ng purong itim.

“H-Historia,” 

“Sino ang nagbigay sa iyo ng permiso na sampalin ako?” Sobrang dilim ng aura ni Historia ngayon, halos hindi ko na siya kilala. 

Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kamay niya na nag-aapoy na, hindi ordinaryong apoy ang lumalabas sa kamay niya. Kulay itim ito imbes na kulay orange. 

A-Anong kapangyarihan ang nasasaksihan ko ngayon?

Hindi ko na siya napigilan pa na lumapit sa pwesto nila Ashley dahil sa takot na bumabalot sa buong pagkatao ko.

Biglang humangin ng malakas sa loob ng classroom, bawat sulok ng classroom ay napalilibutan ng umiikot na hangin na tila bumubuo ito ng isang ipo-ipo.

Natakip ko ang braso ko sa mukha ko dahil sa sobrang hangin at nag-angatan na ang mga bagay dulot ng malaka

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status