Share

CHAPTER 36: MEDALLION

PERSIA'S POINT OF VIEW,

Kitang-kita ko pa rin ang takot at ang pagkabalisa ng mga kaklase ko dahil sa nangyari.

Kahit labag sa akin na iwan ang mga kaklase ko sa ganitong sitwasyon ay kailangan ko pa rin silang iwanan, kailangan kong sumunod sa uto ng Head Mistress.

Nauna nang lumabas sina Kuya Levi at Kuya Howard na lumabas ng classroom dala-dala sina Historia at Ashley sa laboratory.

Sumunod na rin ako sa mga officer at sa Head Mistress na kasabay maglakad si Sir Lincoln. 

Kasabay kong maglakas si Xylem na tahimik lang at halatang may malalim na iniisip.

Ano kaya ang ibig sabihin ni Sir Lincoln sa ‘tama nga ang hinala namin’? Hinala saan? May kakaiba bang nangyari? Konektado ba iyon sa nangyari kina Historia at Ashley?

Habang patungo kami sa office ay kaniya-kaniyang tingin sa amin ang mga nadaraanan naming estudyante na nasa loob ng classroom nila. Marahil ay alam na nila kung bakit naririto ang mga officer at ang

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status