Share

"ISANG UMAGA NG PAGMAMAHALAN”

Paggising ko kinabukasan, naramdaman kong nakayakap pa rin si Marius sa akin. Malapit ang mukha niya sa akin. Mahimbing pa rin siyang natutulog. Parang isang baby. Napangiti ako saka ko itinaas ang isa kong kamay ay pinadaanan ang matangos at perpekto niyang ilong. Napakasarap niyang pagmasdan. Napakagwapo niya at gaya ng nauna ko ng sinabi, maswerte ako at ako ang babaeng pinili niya. Ilang sandali pa at hindi na ako nakatiis. Kumilos ako at hinalikan ko siya sa pisngi. Nagdulot ng kiliti sa mga labi ko ang papatubo niyang bigote. Pagkatapos ay ang kanyang mga labi. Ginawa ko iyong dahan-dahan. Para hindi siya magising. Pero nabigo ako.

"Good morning, Handsome," sabi ko habang nakangiti.

"Good morning, Beautiful," sagot niya habang hinahaplos ang aking mukha. "Napakaganda ng umaga kapag ikaw ang kasama ko."

Ngumiti ako habang pinamumulahan ng mga pisngi. Sa simpleng mga salitang iyon ay totoong naramdaman ko ang wagas na pagmamahal sa akin ni Marius. At hindi lang iyon, nabasa ko rin
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status