Share

“LENA”

“ANONG hitsura ni Sam, Tita Lourdes?” ang seryosong tanong ni Lena sa tiyahin nang gabing iyon at magkasama silang nanonood ng TV sa sala ng kanilang bahay.

“Maganda siya. Napakaganda. Kamukha niya ang kuya niya,” sagot naman ng Tita Lourdes niya sa kanya.

Isang malalim na buntong hininga ang hinugot at pinakawalan ni Lena dahil sa sinabing iyon ng tiyahin. “Kamukha niya si Andrew Scott?” tanong niya sa tono na tila ba humihingi ng klaripikasyon sa kanyang tiyahin.

“Ganoon na nga. At mabait. Tiyak kong magkakasundo kayo,” sagot pa ni Tita Lourdes na ngiting-ngiti siyang nilingon.

Muli ay banayad na nagpakawala ng buntong hininga si Lena. Sana nga makasundo niya si Sam. Iyon naman talaga ang plano niya. Gusto niyang makasundo ang babaeng iyon para kay Marius. Pero hindi pa man niya ito nakikita ng personal ay totoong nilalamon na ng matinding panibugho ang puso niya.

Mga bata pa lamang sila ni Marius ay totoong may pagtingin na siya para sa lalaki. Pero walang nakakaalam ng tungko
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status