Share

“MORNING WALK”

Plano ko talagang magising ng maaga nang araw na iyon. Kaya lang hindi rin kasi kami maagang nakatulog bi Marius last night so hindi iyon nangyari.

Paggising ko agad kong hinanap si Marius sa tabi ko. Nakatulog kasi ako na mahigpit siyang nakayakap sa akin. Kaya lang ngayon, wala na siya sa tabi ko. At kahit hindi ko aminin, nangulila na ako agad sa yakap niya.

Patamad akong bumangon. Hindi na ako nag-abalang mag-take ng shower dahil nga naligo naman ako bago matulog kagabi.

Nang maalala ko ang lahat ng pinaggagawa namin ni Marius bago kami nahiga ay agad akong pinamulahan.

Sa banyo ako nagtuloy para maghilamos at mag-ayos. Kahit ang totoo nang mga sandaling iyon ay medyo mabigat ang katawan ko. Siguro dahil sa pagbubuntis ko na rin.

Sa naisip ay nakangiti kong hinaplos ang impis ko pa rin tiyan. Wala pang limang buwan kaya maliit pa rin. Ang natatandaan ko kasi ang sabi sa akin ng doktor na tumingin sa akin noong bago ako maaksidente ay…

Taka kong tinitigan ang sarili kong repleksyon
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status