Share

“THE REAL ENEMY”

“HELLO, good morning!”

Masiglang tinig ng isang babae ang narinig ko. Nasa sala ako noon. Nagbabasa ako ng libro. Malapit sa malaking bintana na naka-pwesto ang rocking chair kung saan ako nakaupo.

“Lena,” iyon lang ang isinatinig ko.

Mabilis kong naramdaman ang pamilyar na disgusto. At dahil nga hindi ko gustong ipahalata iyon kay Lena, minabuti kong ibalik ang pansin sa akin binabasa.

“Si Nana Lourdes ba ang sadya mo?” pormal kong tanong sa kanya.

Hindi ko man nilingon pero naramdaman ko ang pagpasok ni Lena sa kabayahan. Bukod pa roon ay gumawa rin ng ingay ang suot nitong tsinelas sa narra planks na sahig.

“Ikaw ang talagang sadya ko dito, Sam,” ang isinagot niya kaya ako mabilis na napalingon rito.

“Ako?” taka habang nagsasalubong ang mga kilay kong tanong.

Tumango-tango si Lena na nang mga sandaling iyon ay nakaupo na sa silyang hinila nito palapit sa kinaroroonan ko. Habang nakatitig ako sa kanya ay nakita ko ang malaking pagkakahawig niya kay Nana Lourdes. Mabait naman
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status