Share

“LONGING TO BE WITH HIM”

“MAY balita ba kay Marius, Kuya?” tanong ko kay Andrew nang hindi ako makatiis.

Ang totoo, hindi naman talaga nawala sa isip ko si Marius. At sinungaling ako kung hindi ko aaminin na mahal na mahal ko pa rin siya hanggang ngayon. Lalo na nang lumabas si MJ na kamukhang kamukha nito.

“Tell me, mahal mo pa rin siya, hindi ba?” tanong sa akin ni Andrew habang nakatitig ito ng tuwid sa aking mga mata.

Mabilis akong umiwas ng tingin kay Andrew makalipas ang ilang sandali. Pagkatapos ay dinampot ko ang tasa ko ng kape saka ako humigop doon.

“Hindi naman nawawala ang pagmamahal, hindi ba, Kuya?” iyon ang sa halip ay isinagot ko.

Mabait ang ngiting pumunit sa mga labi ni Andrew.

“Ganyan rin ang sinabi sa akin ni Lana. Nung huli silang nagkausap ni Marius gaya ng dati ikaw ang hinahanap nito. Ang totoo, hindi ko mapigilang manghinayang sa kinahinatnan ng kwento ninyong dalawa,” sabi ni Andrew.

Nabakas ko sa tono ng pananalita ng kapatid ko na totoo sa loob niya ang kanyang mga sinabi. Bagay na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status