Share

“ANG SAKTAN SIYA”

KUNG ang kalahating bahagi ng puso ko ang pakikinggan ko, nang mga sandaling iyon ay gusto kong yakapin ng mahigpit si Marius. Gusto ko siyang halikan. Dahil ang totoo labis akong nananabik para sa kanya.

Hindi ko maipaliwanag kung gaano katindi ang pagpipigil na ginamit ko para lang magawa kong kontrolin ang aking sarili.

Walang duda.

Walang kahit anong gawin ko. Walang pag-aalinlangan na ang pangalan lamang niya ang tanging kilala ng puso ko.

Sa madaling salita, mahal na mahal ko pa rin talaga siya. At ang pagmamahal na nararamdaman ko para sa kanya ay natitiyak kong mananatili sa aking puso, magpakailanman.

“Calum!”

Ilang sandali pa at tinawag ko na ang kaibigan ko. Agad rin naman itong humarap sa akin. At dahil na-briefing ko na ito, hindi na ako nagtaka sa napakagwapo at makatunaw puso nitong ngiti na hindi napalis kahit nasa harapan na namin ito ni Marius.

“Sa tingin ko mas interesado akong makilala ang anak ko,” ang narinig ko mula kay Marius sa halip.

Walang pag-aalinlanga
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status