Share

“MJ’S BIRTHDAY”

PRIVATE ang party na iyon kaya hindi ganoon karami ang mga bisita. Hindi rin naman nakarating ang mga magulang namin ni Andrew dahil abala ang mga ito sa pag-aasikaso sa mga negosyo.

Bukod pa roon, well, hindi ko na rin talaga sila inobligang umuwi pa. Baka kasi magkaroon pa ng komprontasyon ang mga ito kay Marius. Si Marius na hindi naman kilala ng mga magulang ko kung tutuusin.

Masama ang loob ni Papa nang ipagtapat ko sa kanila ang tungkol sa pagbubuntis ko. Malapit na malapit ako sa kanya. Syempre, babae ako at para sa kanya ako ang kanyang prinsesa. Kaya iyon nalang ang labis na hinanakit niya nang ipagtapat ko sa kanila ni Mama ang tungkol sa pagbubuntis ko.

Pero sa kalaunan ay natanggap rin naman nila ang lahat.

Sa kalaunan ay sila mismo ang naging sandigan ko maliban kay Calum na kasama ko sa bahay at kay Andrew na kapatid ko.

Syempre present ang mga magulang ko nang manganak ako. At nakita ko sa mga mukha nila ang labis na kasiyahan nang masilayan nila si MJ.

Ayos na an
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Monaliza Naquila R
labyo miss jess hahhahaha wawa naman ang ninong marius oii
goodnovel comment avatar
Monaliza Naquila R
doon ako sa parang hinampas ng malaking maso ang dibdib hahahahhahaha
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status