Share

“SOMETHING IN YOUR EYES"

“B-BUNTIS ako?” iyon ang hindi makapaniwala kong tanong nang pakawalan ako ng lalaking nagpakilala sa akin sa pangalang Marius.

Hindi ko alam at hindi ko rin matukoy kung ano ang tumama sa akin. Dahil sa pagkakatitig ko sa mga mata ni Marius ay mayroong kung anong damdaming tila ba nagpabilis ng tibok ng puso ko.

Napakaganda ng mga mata niya. Ang maiitim niyang mga mata. At habang nakatitig ang mga iyon sa akin ay hindi ko maikakaila ang tila ba nakakamagnetong enerhiyang humihigop sa lahat ng lakas ko.

“Yes, and the baby is mine.”

Iyon ang walang gatol niyang sabi.

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Kaya naman hindi ko na rin napigilan ang tono ng pananalita ko. Pati na rin ang mga salitang namutawi sa bibig ko.

“A-Anong sinabi mo? Bakit, sino ka ba sa buhay ko?” iyon ang magkakasunod kong tanong.

Mabilis na gumuhit ang sakit sa mga mata ni Marius dahil sa sinabi kong iyon.

Inisip ko at kailangan kong amining kahit papaano ay nag-alala ako. Nag-worry talaga ako na baka nasaktan ko
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status