Share

“REMEMBER ME"

“PARTIAL amnesia. Meaning ‘yung mga huling nangyari sa kanya ang naapektuhan at hindi niya maalala. Posibleng bumalik, pero hindi natin masasabi kung kailan. Depende iyon sa pasyente.”

Iyon ang naging simple subalit malinaw na pagpapaliwanag ng doktor kay Andrew kasama siya at ang asawa nitong si Lana.

“Oh, Sam,” ani Lana na umiiyak pang yumakap sa kabiyak na agad rin namang umakbay rito.

Mabigat ang loob na nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Marius. Pagkatapos noon ay tinangka niyang magbuka ng bibig para magsalita. Pero bago pa man niya nagawa iyon ay nauhan na siya ni Andrew.

“Kailan namin siya pwedeng iuwi, dok?” tanong nito saka siya tinapunan ng matalas na tingin.

Alam niya kung para saan ang titig na iyon. Warning look na parang ang gusto lang iparating sa kanya ay huwag siyang magtatangkang gumawa ng paraan para sumawsaw sa issue. Bagay na hindi gustong tanggapin ng kalooban niya. Hindi lang dahil nobya niya ang dalaga kundi dahil sa pagmamahal niya para rito.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Monaliza Naquila R
huli ang pagCCC dzong kaya magdusa ka hmp!!
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status