Share

"WHO ARE YOU?"

NAGSALUBONG ang mga kilay ni Marius.

“Bakit nasa labas ng bahay ang maleta ko?” iyon ang awtomatikong tanong ng binata.

Hindi niya gustong bigyan ng pansin ang posibilidad na nagsusumiksik sa kanyang isipan. Pero hindi niya maikakaila na deep inside, iyon ang totoong nararamdaman niya.

Mabilis ang tahip ng kanyang dibdib.

Malalaki ang mga hakbang siyang lumapit sa pinto saka pinihit ang knob. Pagkatapos, nang makumpirma na tama ang hinala niya ay agad siyang napamura.

“Sam…”

Mabigat at malalim ang buntong hiningang hinugot at pinakawalan ni Marius. Pagkatapos ay nanlulumong napaupo sa bench na naroon. Noon na rin nahagip ng paningin niya ang isang maliit na papel na nakadikit sa maleta. Kumilos si Marius at kinuha iyon.

“I know what you did…”

Sapat na ang mga salitang iyon para mapatunayan na totoo ang kanyang hinala. Alam na ni Sam ang lahat. Kung paano, iyon ang palaisipan sa kanya ngayon.

Nagtaas-baba ang dibdib ni Marius.

Masakit sa kanya ang lahat ng ito dahil kailangan niyang a
Заблокированная глава
Продолжайте читать эту книгу в приложении

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status