Share

CHAPTER V - "Nightmare"

"Leigh stop! Hindi ka pwedeng pumasok sa loob, masyado nang malakas ang apoy" pigil sakin ni Vico

"No! hindi natin pwedeng hayaan nalang sila sa loob, kelangan natin iligtas si Zhelle at Kevin" 

Hindi ko alam kung paano pero nakawala ako sa pagkakayakap sakin ni Vico at hindi ko sinayang ang pagkakataon na yun para makatakbo at makapasok sa bahay na nilalamon na ng apoy. Narinig ko pang mga boses nila na tinatawag ang pangalan ko pero nagtagumpay akong makapasok na ko sa loob.

"Kev! Tulong! tulungan niyo kami! Keviiiiiiin! Tulooongggg!" natagpuan ko si Zhelle na pilit binubuksan ang pintuan ng kwarto napansin kong nahihirapan na rin siyang huminga dahil sa nalalanghap na usok.

"Zhelle! Lumabas ka na iligtas mo na sarili mo!" dahil sa kapal ng usok ay nahihirapan na rin akong huminga.

"Nasa loob nang kwarto si Kev, hindi ko siya pwede iwan dito"

"Ako na bahala sa kanya, lumabas ka na!" pero parang wala siyang narinig at pilit paring sinusubukang buksan ang pintuan at sinisigaw ang pangalan ni Kevin.

Naghanap ako nang bagay na pwedeng makatulong sa pagbukas nang pinto, nakakita ako ng isang tubo, pinalayo ko si Zhelle sa may pintuan ng kwarto at sinubukan iyon buksan.

Binuhos ko ang buong lakas ko para masira ang pintuan, napansin kong nanghihina na si Zhelle at nahihirapan nang huminga, kaya binilisan ko ang ginagawa ko. Nang mapag-tagumpayan kong buksan ang pinto nang kwarto, nanlaki ang mga mata ko sa tumambad sa amin, nilalamon na ng apoy ang buong kwarto. Napasigaw si Zhelle nang malakas dahil sa nakita niya.

"Nooooo!!! Kevinnnnnnn!!!!!!" pati ako napaluhod at napatulala sa nakita ko.

Yung Closet na pinagkulungan sa kanya binabalot na ng apoy. Hindi ko namalayan pumasok na pala si Zhelle sa loob.

"Zhelle No!" pero huli na, nabagsakan siya ng kahoy sa ulo at nawalan nang malay.

Sinubukan ko din pumasok sa loob at tinulungan siya, inalis ko ang kahoy na nakadagan sa kanya, pero nanghihina na rin ako at halos maubusan na nang hininga. 

Hanggang sa bumasak na rin ako, at tuluyang nawalan ng malay. Nang muli kong imulat ang aking mga mata ay nasa loob ng ospital.

Napabalikwas ako nang bangon dahil sa masamang panaginip ko. Naramdaman kong basa nang mga luha ang mga mata ko. 

Napatingin ako kay Zhelle at Annie sa katabi kong mahimbing na natutulog. Babangon sana ako para kumuha nang tubig ngunit napatigil ako nang marinig kong umiiyak siya. Nananaginip rin pala siya. Lumapit ako sa kanya at hinaplos siya sa ulo.

Habang pinagmamasdan ko siya, namalayan ko na lang na tumutulo na ang mga luha ko, hindi ko maiwasang maalala lahat ng nangyari sa kanya.

Nagising ako na nasa isang kwarto na ako sa ospital, bumuhos ang lahat nang emosyon ko nang muli kong naalala ang mga nangyari. 

Binisita nila ako sa ospital at binalita nila saking isang buong araw na ako dun at ganun din si Zhelle pero hindi pa siya nagigising. Mabuti nalang daw may nagrescue samin sa loob kung hindi kasama narin kami natupok nang apoy. Nadischarged din ako sa ospital that day dahil wala naman akong serious injury. 

Pinuntahan namin ang kwarto ni Zhelle sa ospital at nung magising siya, labis kaming natakot sa nangyari dahil nagwawala siya at hinahanap niya ang boyfriend niya. Sobra akong naawa sa kalagayan niya. Kumalma lang siya nung turukan siya nang Doctor ng pampakalma at pampatulog, binantayan naming siya at di iniwan. 

Kinabukasan lahat kami ay natuwa nang magising na siya. Pero isang pangyayari ang gumulantang sa amin, kilala niya kami, pati pamilya niya lahat naalala niya maliban sa isa, si Kevin wala siyang naaalala tungkol kay Kevin, not even once. 

Pinaliwanag samin ng doctor na nagkaroon siya nang "Traumatic Head Injury" at sa case niya meron siyang "Selective Amnesia" kung saan isang parte nang alaala ng isang tao ang nabubura, may nakakalimot kung saan sila nakatira, nakakalimot sa special talents, at ang nararanasan ni Zhelle ang malimutan ang relasyon sa isang tao at ang trahedyang kinasangkutan nito.

Dahil sa nasaksihan naming lahat kung paano siya nagreact nang una siya magising nang hanapin niya si Kevin. Natakot kaming lahat, ayaw naming mangyari ulit yun kaya mula noon kelan man hindi na namin sa kanya ipinaalam ang tungkol sa kanya.

Nawala ang pag-aalala ko sa nangyari nang may marinig akong mga boses na pawang nagtatalo.

Lumabas ako ng kwarto para malaman kung sino iyon, base sa aking narinig ay parang nanggagaling iyon sa baba nang hagdan.

"Tingnan mo ang ginawa mo! Alam mo namang walang naaalala si Zhelle sa mga nangyari, napag-usapan na natin na hindi na 'yun uungkatin pa, kinalimutan na natin lahat diba?" dinig kong boses ni Vico na parang may kausap at ginagalitan. 

Sinundan ko kung saan nanggagaling ang boses at tama nga ako nasa sala silang mga lalaki kasama si Jerry.

"Maaalala talaga niya kung hindi tayo mag-iingat sa mga sinasabi natin, ginagawa natin 'to hindi para itago sa kanya ang nangyari, pinoprotektahan lang natin siya" paliwanag ni Vico

"Alam ko! Pero hindi mo ko masisisi Vico, dahil sa nangyayari sa'tin ngayon hindi ko na alam kung ano pa ang dapat gawin, at lalong hindi ko na alam kung anong dapat sabihin" sagot ni Jerry

Natigil sila sa pag-uusap nang mapansin nilang papalapit ako sa kanila. 

"Naririnig kayo sa taas, kaya pwede bang hinaan niyo ang mga boses niyo baka marinig kayo ni Zhelle"

Tumingin lang silang lahat sa akin at nagpatuloy pa rin sila sa pag-uusap.

"Naiintindihan ko naman yung nararamdaman mo Jerry, pero sana wag na natin isali si Zhelle dito, alam kung ayaw mo rin bumalik ang alaala niya tungkol sa nangyari, dahil maayos na ang kalagayan niya ngayon" mahina at kalmado na sa pagsasalita si Vico

"Pero may nakakaalam na nang ginawa natin, at posibleng binabalikan niya tayo para maghiganti, hindi nga natin alam kung sinong nasa likod nito," muling sagot ni Jerry

"Kung naghihiganti siya sa atin, hindi kaya si Kevin ang gumagawa nito? Paano kung- paano kung buhay pa siya?" tanong ni Louie

"Imposible! Matagal na siyang patay, lahat natin nakita ang katawan niyang wala nang buhay" muling sagot ni Vico 

"Pero kung totoo man sino? Sinong gumagawa nang lahat nang ito?" singit na tanong ni Yosep

"Hindi ko alam, pero gagawin natin ang lahat para malaman natin kung sino"

"Pero paano?" habol na tanong ni Sam

Walang nang nakasagot sa tanong ni Sam nang pare-parehas kaming magulat nang may kumalabog sa may kitchen.

Sabay-sabay kaming napalingon doon.

Dahan-dahan kaming lumapit sa kitchen para tingnan kung ano o sino ang nagsanhi nang ingay.

Ilang saglit pa ay lumabas doon ang isang bulto nang tao.

"Annie?" sabay-sabay na banggit naming sa pangalan niya

"S-sorry guys, nagulat ko ata kayo, k-kumuha lang ako ng tubig" sagot niya

"Ah okay, ahm Si Zhelle?" tanong ni Jerry

"Nasa taas nagpapahinga na, magpahinga na rin kayo malalim na ang gabi. Sige akyat na ko" tumango lang kaming lahat sa kanya.

Muling umakyat siya sa kwarto dala ang baso na may tubig. Lahat kami napabuntong hininga sa nangyari si Annie lang pala.





Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status