Share

CHAPTER VI - "Second Spin"

Vico's Point of View

Isang linggo na ang nakakaraan at wala parin kaming balita tungkol kay Abby, at wala pa ulit kaming natatanggap na banta mula sa nagsend sa amin ng videos. 

Hindi namin alam kung sino ang kaaway kaya dobleng pag-iingat ang ginagawa namin.

Ilang gabi kong pinag-iisipan kung sinong pwedeng gumawa noon pero wala akong maisip, imposible namang si Kevin gaya nang iniisip nila dahil nandun kaming lahat nang ilibing siya.

Habang nakatitig ako sa kawalan ay tinungga ko ang alak na laman nang basong hawak ko.

"Tol! May problema ba? Parang ang lalim nang iniisip mo?" tanong ni Sam sa akin

Nandito kaming apat na lalaki sa mini bar ng bahay. Umiinom kami kasama namin ang mga babae at nasa sala sila nang bahay.

Simula nung mawala si Abby, palagi na kami dito sa bahay nagkikita-kita, mas ligtas kami pag magkakasama.

"Wala, iniisip ko lang si Abby" sagot ko

"Ahm guys kelangan ko nang umalis, may importante lang akong kelangan gawin" dinig kong paalam ni Annie

Lumapit kaming lahat sa kanila. 

"Annie! gaano ba kaimportante yan at kelangan mo nang umalis?" tanong ko sa kanya

Hindi siya sumagot bagkus ay si Yosep ang nagsalita.

"Kung kailangan mo na talaga umalis, sasamahan na kita, Ako na maghahatid sayo, wala kang sasakyan diba?"

"H-hindi na, s-salamat nalang Yosep, wag niyo ko alalahanin, kaya ko naman sarili ko"

Bigla kong naalala ang pagkawala ni Abby, wala siyang kasama nung mawala siya

"Hindi ka pwedeng umalis na magisa, hindi ba pwedeng mamaya na" pigil ko sa kanya

"Hindi pwede, I really need to go" sagot niya sa akin at akmang aalis na ay muli ko siyang inalok

"Magpahatid ka nalang kay Yosep."

"Ou nga Annie, wala naman masama kung magpahatid ka, Tsaka kelangan natin maka-siguro baka kung ano pa mangyari sayo, kelangan natin mag-ingat." paliwanag ni Louie

"No! wag na, walang mangyayaring masama sakin, promise mag-iingat ako" kontra pa niya

Hindi na ako umimik dahil, naiinis na ako sa kakulitan niya.

Lumakad na si Yosep at naunang pumunta sa may pintuan

"Yosep, wag na." pagpupumilit pa ni Annie

"Sige na tara na, wag ka na magpumilit" wala na nagawa si Annie at sumunod na kay Yosep.

Ilang minuto pagkatapos umalis ni Yosep at Annie, napansin kong hindi mapakali si Leigh at naglalakad pabalik-balik.

Mukhang napansin din iyon ni Jerry

"Ano ba Leigh, nahihilo na ko sayo, kanina ka pa paikot-ikot diyan?" 

"May masama kasi akong kutob ay, di ko alam pero nag-aalala ako para dun sa dalawa" sa wakas ay nasabi niya kung anong bumabagabag sa kanya

"Tawagan mo kaya nang hindi ka nag-aalala diyan" ginawa naman niya ang sinabi ni Jerry, at nang hindi niya ito ma-contact ay kinuha ko rin ang phone ko at sinubukang tawagan ang dalawa.

"Hello, tol asan ka na?" napalingon ako sa boses ni Sam kausap niya na si Yosep. Nilaksan niya ang volume ng phone niya para marinig naming lahat.

"I'm still driving pero pauwi na ko sa bahay, tinawagan kasi ako ni Daddy nagpapasama lang sakin, bakit ba?"

"Wala sinisigurado lang naming na safe kayo, si Annie naihatid moba?" tanong ni Sam

"Ah not literally na naihatid o siya sa condo niya, kasi nagbaba na siya sa may kanto, may dadaanan lang daw siya"

Nang marinig ko yun ay, napasigaw ako sa kanya

"What? Iniwan mo siya kung saan lang?"

"Wooh! Tol, wag ka namang magalit, eh sinubukan ko naman na pilitin siya ihatid at intayin ko na, kaso nagpilit siya, sabi niya may malapit naman daw na police station dun, hihingi nalang daw siya nang tulong kung may mangyari man, nung una hindi pa ako pumayag kasi nag-aalala parin naman ako sa kanya kaso tinawagan nga ako ni Daddy."

Nang marinig ko yun ay parang nahawa ako sa kabang nararamdaman ni Leigh.

"Kelangan natin sila sundan, kelangan makasiguro tayong safe sila" nag-agree sila sa sinabi ko at umalis na kami sa bahay. 

Napagdesisyunan namin na maghati kami para parehas naming mapuntahan silang dalawa. Si Zhelle at Jerry ang maghahanap kay Annie at kami naman ni Sam at Louie ang magkakasama at susunod kay Yosep. Wala pa man kaming narereceived na banta, pero kelangan namin makasiguro at maprotektahan ang bawat isa.

Pumunta kami sa bahay ni Yosep tinanong namin sa mga kasambahay nila kung nakauwi na siya, at ayun sa nakausap naming security guard nang bahay nila ay nakaalis na ulit si Yosep kasama ang daddy niya, mabuti nalang at kilala kami nang tauhan sa bahay nila at sinabi sa amin kung saan sila pupunta.

Papaalis na kami sa bahay nina Yosep nang makatanggap kami ng tawag mula kay Leigh

Si Louie ang kumausap sa kanya para ibalita ang paghahanap nila kay Annie.

"Louie, kasama niyo na ba si Yosep? Hindi pa namin nakikita si Annie wala rin siya dito sa Condo niya." panimula niya sa kabilang linya

"Di namin siya naabutan, umalis din daw nang bahay pagkadating, sabi nang guard may pinuntahan daw kasama yung Daddy niya, sinabi niya naman kung saan kaya susundan namin sila" sagot sa kanya ni Louie

"Sige balitaan mo ako pag na-kontak niyo siya."

Matapos yun ay umalis na kami sa bahay na iyon at nagpunta sa lugar na sinabi ng guard.

Habang nasa byahe at nagmamaneho ako ay nagsalita si Sam

"Oh Sh*t! Guys Check your phone"

Kinuha ko ang phone sa bulsa ko at tiningnan kung anong sinasabi niya.

Muntikan ko nang maibangga ang kotse nang malaman kung ano iyon, mabuti nalang naihinto ang sasakyan.

"F*ck! Ano ba Vico, papatayin mo ba kami?" galit na turan ni Louie

Hindi ko siya pinansin at muling pinanuod ang video na nataggap ko. Si Yosep nasa panganib ang buhay niya.

"Kelangan natin abutan sila Yosep, baka maunahan niya tayo!" sabi ko sa kanila

Muli kong pinaandar ang kotse at nagmadali magmaneho.

Ilang minuto na aking pagdadrive ay napatigil ako nang makita ko ang isang kotseng nakaparada sa gilid nang kalsada. Nanlaki ang mata ko nang makilala ko kung kanino iyon

"Tol! Kotse yun ni Yosep ah" pagkasabi nun ni Louie ay inihinto ko ang sasakyan at nagmadaling bumaba.

Lumapit kami sa kotse at may narinig kaming parang ungol nang isang tao na nanggangaling sa loob nang sasakyan.

Binuksan iyon ni Sam at nagulat kami sa aming nakita.

Ang Daddy ni Yosep nakagapos at may busal sa bibig.

"T-tito? Hala ano pong nangyari sa inyo?" inalis namin siya sa pagkakatali at ang nasa bibig niya.

"Si Yosep! May kumuha sa kanya, k-kelangan kong hanapin ang anak ko" tuliro na siya at balisa sa nangyari.

Sa nasabi niya ay mukhang huli na kami, siguradong ang gumawa nito ay ang kumuha din kay Abby.

Pinakalma namin ang Daddy ni Yosep at tumawag nang mga pulis.

Idinial ko rin ang number ni Leigh pero hindi siya sumagot, pati si Jerry ay wala din, at nang si Zhelle ang tinawagan ko ay agad naman niya iyong sinagot.

"Hello Vico! Natanggap niyo rin ba ulit yung video? Nakita niyo na ba si Yosep?" tanong niya

"Zhelle! m-may masama kasing balita" sagot ko sa kanya

"What? N-no! Hindi pwede, wag mong sabihin-" pinutol ko ang sasabihin niya

"Huli na tayo Zhelle, nakuha na niya rin si Yosep" narinig ko ang pagiyak niya sa kabilang linya

"H-hindi! hindi totoo yan" humahagol na niyang sagot sa akin

"I-m sorry, pero wala na kaming nagawa, naabutan nalang namin ang kotse niya wala na siya don, iniwan lang ang Daddy niya na nakagapos sa loob nang kotse" narinig ko ang mga boses niyang umiiyak

"Vico, Louie, tingnan niyo ito!" napalingon ako nang tawagin ako ni Sam

Hawak niya ang isang bote, kinuha niya ang nakasuksok na papel at nakita ko ang larawan ni Yosep.

"Vico, ano yun?" tanong sakin ni Zhelle sa kabilang linya

"Yung boteng kagaya ng nakita natin nung mawala si Abby, meron ulit siya iniwan dito" sagot ko sa kanya.

"Sige na, tumawag na kami nang mga pulis, papunta na sila dito, ikaw na rin magbalita sa kanila" sumang-ayon siya sa akin at inend ko na ang tawag.

Habang hawak ni Sam ang picture ni Yosep ay nakita kong biglang nagiba ang mukha niya.

"Bakit?" tanong ko lumapit ako sa kanya para tingnan ang picture.

Nakita ko na may nakasulat sa likod noon, kagaya ng kay Abby.

"Nakalimutan niyo na ba? Ako Hindi Pa" basa ko sa nakasulat doon.

Nagkatinginan kaming tatlo at pawang parehas kami nang naiisip.

May alam nga siya sa nangyari. Pero sino? Sinong gumagawa nito?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status