Share

Chapter 29

Ibinaba ako ni Gavin sa tapat ng bahay namin. Agad naman akong pumasok sa loob pagkaalis niya. Tanging si manang lang ang tao sa loob ng bahay nang pumasok ako.

"Hyujin! Saan ka galing? Hinahanap ka ng Daddy mo kanina. Akala namin ay mahimbing lang ang tulog mo kaya hindi ka sumasagot, 'yun pala ay wala ka sa kwarto mo," paliwanag ni manang nang salubungin niya ako.

"Umalis po ako kagabi, pumunta ako sa bahay ng kaibigan ko," sagot ko at saka umupo sa sofa. Ipinikit ko saglit ang mga mata ko upang mapahinga. Parang mas napagod pa ako sa byahe dahil sa traffic.

"Ay ganun ba, kumain ka na ba? May inihanda akong pagkain," tanong ni manang na inaantay ang sagot ko.

"Hindi na po. Kumain po kami bago umalis sa bahay ng kaibigan ko. Nandiyan po ba si Daddy?" tanong ko para maiba ang usapan.

"Ang Daddy mo umalis kanina pa. May pupuntahan daw. Babalik din daw mamayang gabi." Tumango-tango

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status