Share

Chapter 3

ISABELLA:

HAPLOS ang labi na nangangatal ang katawan kong lumabas ng silid. Oo nga't walang namagitan sa amin ng binatang 'yon at binayaran pa rin ako ng dalawang daang libong piso para sa ilang minuto din naming malalim na halikan. Pero hindi ko pa rin makalma ang sarili ko. Pakiramdam ko nga ay nakalutang ako sa kaulapan habang naglakakad.

Nakatatak na sa isipan ko ang mapusok nitong halik na may bahid ng panggigigil at pag-iingat. Bawat hagod at sipsip ng kanyang mga labi sa mga labi ko ay kay sarap damhin! Binigyan niya ng hustisya ang unang halik ko na talaga namang tatatak sa isipan ko!

Mariin akong napapikit na kusang sumilay ang matamis na ngiti sa aking mga labi. Sinasariwa sa aking isipan ang aming naging halikan nito. Pakiramdam ko tuloy ay nakalapat pa rin ang kanyang mga labi sa akin.

Napahaplos ako sa ibabang labi na nangingiti. Para akong kinikiliti na damang-dama pa rin ang kanyang halik. Halik na hindi ko na malilimutan pa sa buong buhay ko. Dahil siya lang naman. .
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status