Share

CHAPTER 5

Marahang iniunat ni Rhea ang kanyang katawan habang nakahiga pa rin at nakapikit ang kanyang mga mata. Nang tuluyang magising ang kanyang diwa ay tuluyan na siyang nagmulat saka iginala ang kanyang paningin sa kabuuan ng silid na kinaroroonan niya.

Ibang-iba iyon sa kanyang silid sa bahay nila sa Manila. Her own room was full air-conditioned. Ang silid na kinaroroonan niya ngayon, though, may air-con din naman ngunit hindi iyon nakabukas. Naalala niyang hindi niya pinagkaabalahang buksan iyon kagabi pagkapasok niya sa kuwarto. Mas pinili niyang maglinis na lang ng kanyang katawan at pagkabihis. Pagkatapos, binuksan niya ang sliding door sa may teresa saka natulog na.

And in fairness, she has fallen asleep easily. Hindi niya alam kung dahil iyon sa pagod mula sa pagmamaneho patungong San Nicholas, o dahil sa sariwang hangin na pumapasok sa silid na inookupa niya.

Marahan na siyang naupo sa kama. Hindi niya pa maiwasang maisip ang kanyang ina. Kagabi, pagkahapunan ay sinamahan siya nito patungo sa silid na iyon. Rebecca was talking to her nicely. Siniguro muna nitong maayos siya roon bago iniwan na para makapagpahinga. Alam niyang nasaktan ang kanyang ina sa inasal niya sa harap ni Fabian kahapon. Hindi man ito magsalita pero ramdam niya iyon.

Sumobra nga ba siya kahapon? Talaga bang nabastos niya ito katulad ng sinabi ni Sergio?

Hindi niya naman intensyong saktan ang kanyang ina. Hindi niya lang talaga matanggap na magkakaroon ito ng bagong asawa sa katauhan ni Fabian. Being a daddy's girl, she just couldn't accept that her mother would fall in love with someone else.

Pero sadyang masama nga ba ang pinakita niya kahapon? Tama nga ba si Sergio na hindi niya pinahahalagahan ang kaligayahan ng kanyang ina?

And thinking about Sergio, hindi nila ito nakasabay sa hapunan kagabi. Ayon sa narinig niyang usapan ng kanyang ina at Fabian ay umalis daw ang binata. Kung saan nagpunta ay hindi na niya inusisa pa.

She heaved out a deep sigh and stood up from the bed. Panibagong araw... panibagong pakikipagharap niya kay Fabian... at Sergio.

Bago pa lumabas ng silid ay naligo na siya. Hindi siya nagsinungaling nang sabihing iilang damit lang ang dala niya sa pagpunta roon. Dahil sa wala ngang balak na magtagal sa naturang lugar ay hindi na siya nagdala pa ng marami.

Pagkababa ni Rhea ay agad siyang dumiretso sa may kusina. Doon ay naabutan niya pa ang kanyang inang abala sa paghahain ng almusal. Katulong nito ang isa sa mga kasambahay ng mga Arganza na si Manang Marilyn. Nakilala niya na rin ito kagabi.

"G-Good morning, Ma," bati niya rito.

Agad na napalingon sa kanya si Rebecca. Sa kabila ng naging pag-uusap nila kahapon ay isang matamis na ngiti pa rin ang iginawad nito sa kanya.

"Good morning, Rhea. How was your sleep? Nakapagpahinga ka ba nang maayos?"

"Y-Yeah."

Hindi niya man gustong aminin pero oo. Ibang-iba sa Kamaynilaan. Sariwa ang hangin sa Rancho Arganza dahil na rin sa nagtatayugang punong-kahoy. Mas huni ng mga ibon ang maririnig sa umaga kaysa ingay ng mga sasakyan. Yes, somehow, nakapagpahinga siya nang maayos kagabi.

Iginala niya ang paningin sa may kusina bago muling nagsalita. "W-Where is... where is... I-I---"

"Si Fabian?" dugtong nito sa nais niyang itanong. "Would it be too much if you would call him uncle?"

Nag-iwas ng kanyang tingin si Rhea. Dahil sa hindi siya nakasagot ay nagpakawala ng isang malalim na buntonghininga si Rebecca. Ipinagpatuloy na nito ang ginagawa kasabay ng muling pagsalita.

"Maaga kung pumunta sa kuwadra ng mga hayop sina Fabian at Sergio. Hindi pa sumisikat ang araw ay nagsisimula na silang magtrabaho. Babalik sila rito maya-maya lang para mag-almusal. Pagkatapos, saka sila magpapatuloy sa ibang gawain."

Rhea was watching her mom's every move. Nagsasalita ito habang hindi tumitigil sa pagkilos. Sa ngayon ay nakalatag na sa mesa ang iba't ibang pagkain na sa hinuha niya ay tumulong pa ito sa pagluto. Naroon ang kanin. May sinangag din. May pritong hotdog, bacon, itlog at tocino. May daig pa nga at sawsawang suka na may sili. May tinapay din sa isang lalagyan na laan yata para sa mga ayaw mag-heavy breakfast. May nakahanda na ring kape sa percolator.

Masaganang almusal na pinagkaabalahan ng kanyang ina. Isa iyon sa mga bagay na ginagawa nito noong nabubuhay pa ang kanyang ama. Her mother, despite being a working mom, was still a hands-on mother and wife. Hindi niya alam kung bakit nalulungkot siyang isiping ginagawa na nito iyon para sa ibang lalaki.

"Maupo ka na, Rhea. Maya-maya lang ay narito na sina Fabian. Let us have our breakfast together."

"Aren't you coming back with me to Manila, Mama?" bigla ay tanong niya rito.

Nahinto si Rebecca sa akmang pagkuha ng tasa. Napalingon ito sa kanya kasabay ng malungkot na pagngiti.

"H-Hindi mo ba talaga matanggap ang relasyon namin ni Fabian?" anito. Marahan itong humakbang palapit sa kanya at itinukod pa ang dalawang kamay sa sandalan ng silyang malapit lamang sa kanya. "Are you mad because I am planning to marry him?"

"Do you really need to marry him?" balik tanong niya.

"Rhea---"

"Do you love him?" tanong niya pa dahilan para mahinto ito sa pagsasalita.

"I won't agree on marrying him if I don't."

"Si Papa? Apat na taon pa lang mula nang mawala si Papa pero nagmahal ka na agad ng iba?"

Rebecca smiled, a kind of smile that didn't even reach her eyes. Naupo ito sa isang silya saka siya hinawakan sa kamay upang igiya rin paupo sa tabi nito. Nang magkatabi na ay saka nagpatuloy pa sa pagsasalita ang kanyang ina.

"Your father will always have a special space in my heart, Rhea. Hindi siya mawawala rito," anito sabay turo sa tapat ng dibdib nito. "Alam iyon ni Fabian. Alam niyang hindi ko magagawang kalimutan ang una kong asawa at nauunawaan niya iyon."

Rhea was at loss for words. Itinuon niya ang kanyang mga mata sa pagkaing inihanda ng mga ito upang iwasan ang mga titig ng kanyang ina. Nang hindi siya umimik ay inabot ni Rebecca ang isa niyang kamay saka iyon hinawakan nang mahigpit.

"Bigyan mo ang sarili mo ng pagkakataong makilala si Fabian. I assure you, mabuti siyang tao, Rhea. Hindi ko siya mamahalin kung hindi."

"Hindi pa natatagalan mula nang magkatagpo kayo ulit," saad niya sabay lingon dito. "Ilang buwan pa lang ang relasyon ninyo pero pumayag ka nang magpakasal?"

Napatuwid ng upo si Rebecca. Sa pagkakataong iyon ay ito naman ang nag-iwas ng tingin sa kanya. Ramdam ni Rhea na may nais itong sabihin pero waring nag-aalangan kung isasatinig ba.

"W-Why?" untag niya rito.

"Hindi naging mahirap para sa akin ang mahalin ulit si Fabian, Rhea."

"Ulit? What do you mean?" naguguluhan niyang tanong.

Rebecca sat up straight. Binitiwan nito ang kanyang kamay saka humarap sa mesa. "Nabanggit ko na sa iyong naging magkaklase kami ni Fabian noong kolehiyo, hindi ba? N-Naging... Naging magkasintahan na kami noon pa man, Rhea. Mas nauna ko siyang naging karelasyon kaysa sa iyong ama."

She gasped inwardly. Hindi niya alam kung ano ang isasagot sa mga sinabi nito. Nang hindi nga siya nakapagsalita ay nagpatuloy pa ito. "Don't get me wrong. Minahal ko ang papa mo, Rhea," wika nito na wari bang nahuhulaan kung ano ang nasa isipan niya.

"I-I don't get it. Bakit si Papa ang---"

"Fabian and I broke up for some petty reasons," maagap nitong sabi. "Umuwi siya rito sa San Nicholas at tumulong na sa pamamahala nitong Rancho Arganza. Ako naman ay nasa Manila at nagsimulang magtrabaho sa kompanya kung saan ko nakilala ang papa mo. To make the story short, I fell in love with your father and married him."

"But not as much as you love Fabian?"

"Kailangan bang ipagkompara?" sansala nito sa tanong niya. "Minahal ko ang papa mo, Rhea. Bunga ka ng relasyon naming dalawa. Pero nang nagkita kami ulit ni Fabian... I don't know, bumalik kami sa dati. I realized that I still want him to be part of my life."

Kumilos si Rebecca upang muling hawakan ang kanyang kamay. Mas humigpit na ang hawak nito sa pagkakataong iyon. "Rhea, please try to know Fabian deeper. Tulad ng sinabi ko, mabuting tao siya at alam kong totoong mahal niya ako. At hindi ibig sabihing pumayag akong magpakasal kay Fabian ay kalilimutan ko na ang papa mo. Philip will always be in my heart, Rhea."

Akmang magbubuka siya ng kanyang bibig upang sana ay magsalita nang maulinigan niya na ang mga papalapit na yabag. Sina Fabian at Sergio, kapwa naglalakad patungo sa kusina at nag-uusap pa tungkol sa rancho ng mga ito. Nang tuluyan ngang bumungad ang mga ito sa kusina ay tuwid siyang napaupo. Ang kanyang ina naman ay disimuladong hinamig ang sarili at tumayo na mula sa kanyang tabi upang lapitan ang kasintahan.

"Handa na ang almusal. Come, saluhan niyo kami ni Rhea," aya ni Rebecca. Pinasigla na nito ang tinig.

Hindi maiwasan ni Rhea ang mapasulyap sa mga bagong dating. Pinagmasdan niya si Fabian na ngayon ay hawak na ni Rebecca sa kamay. Then, her eyes darted to Sergio. Nahuli niya itong titig na titig din sa kanya. Kung ano man ang iniisip nito ay hindi niya mahulaan.

"Good morning, hija. I hope you had a great sleep last night."

"I-I had..." aniya sa mahinang tinig.

Dumulog na sa mesa ang mga ito. Si Fabian ay sa may kabisera ng mesa pumuwesto. Nasa kanan nito si Sergio at sa kaliwa naman ang kanyang ina na siyang katabi niya.

Nagsimula na ang mga itong kumain. Ayon sa kanyang ina, maaga kung magsimula sina Fabian at Sergio sa pagtatrabaho. Uuwi muna ang mga ito para kumain saka magpapatuloy ulit sa pagtatrabaho. She couldn't help but compare her father to Fabian. Ganoon din naman ang kanyang ama. Her father was hardworking and a good provider for their family.

"May balak ka bang gawin ngayon, hija? Have you decided to stay here for a while?" narinig niyang tanong ni Fabian. Naglalagay ito ng pagkain sa pinggan nang magtanong sa kanya.

"She will, Fabian." Ang kanyang ina ang sumagot dito. Saglit pa itong sumulyap sa kanya habang nagsasalin ng kape sa tasa nito mula sa percolator. Maging sa tasa ni Fabian ay ito rin ang naglagay. "Rhea will stay here for now. I am sure she will like it here."

"That is good to hear," nakangiting sabi ni Fabian. Lumingon pa ito sa kanya. "I hope you enjoy your stay here in Rancho Arganza, hija."

Hindi sumagot si Rhea. Hindi niya alam kung bakit maganda pa rin ang pakikitungo ni Fabian sa kanya sa kabila nang malamig niyang pakikitungo kahapon. Pati nga sa mga una nilang pagkikita ng matandang lalaki ay halos hindi niya ito kibuin.

But he was still talking to her nicely. Dahil ba sa nais lang nitong makuha ang loob niya sapagkat anak siya ni Rebecca? O dahil sa totoo ang sinabi ng kanyang ina na mabuting tao ito?

"Gusto mo bang malibot ang Rancho Arganza, hija? You are welcome to explore the place," suhestiyon pa ni Fabian.

"Paniguradong magugustuhan mong makita ang mga kabayo, Rhea. It is your dream to learn how to ride horses, isn't it?"

"Noon pa iyon, mama," aniya. Ni hindi siya nag-abalang maglagay ng pagkain sa kanyang pinggan. Sapat na sa kanya ang kape tuwing umaga kaya naman nagsalin na rin siya sa kanyang tasa.

"Bakit hindi mo pag-aralang mangabayo habang narito ka, hija?" masiglang sabi ni Fabian sabay lingon kay Sergio. "Gio here can teach you how. Mahusay mangabayo itong pamangkin ko."

She instantly raised her head and looked at Sergio. Naawat din ito sa pagsubo ng pagkain dahil sa mga sinabi ni Fabian. Tumitig muna ito sa tiyuhin saka siya tinapunan ng tingin.

"If she wants, why not?" seryosong saad nito.

"That would be great," Rebecca said excitedly. "Gusto mo bang sumama ngayon sa may kuwadra?"

"C-Can I?"

"Maaari kang sumama kay Sergio," mabilis na sagot ni Fabian. "M-May kailangan muna kaming lakarin ng iyong mama para sa... para sa aming kasal."

Rhea was stunned to hear that. Agad siyang napalingon sa kanyang ina na napayuko na lamang. Nag-alis siya ng bara sa kanyang lalamunan saka nagwika. "Sa ibang araw na lang," malamig niyang saad.

"Walang problema sa akin kung sasama ka sa pagbalik ko sa may kuwadra," narinig niyang sabi ni Sergio. "You can come with me, pero bago sa mga kabayo, mga baka muna ang aasikasuhin ko at ng mga tauhan dito sa rancho."

"Never mind," buwelta niya. "I would rather stay here. Baka iligaw mo na naman ako."

"Iligaw? What do you mean?" nagtatakang tanong sa kanya ni Rebecca.

"Nothing, ma," aniya sabay sulyap kay Sergio na balewalang pinagpatuloy ang pagkain.

"Pangalawang araw pa lang pero mukhang pasuko na," saad ni Sergio. Nagkunwari pa itong bumubulong pero naririnig naman nila.

"W-What is going on?" tanong ni Fabian. Waring nalilito ito sa inaasal nila ni Sergio.

Rhea's eyebrow arched upwardly. "Fine! Sasama ako sa kuwadra," pinal niyang saad.

"Great!" nanunuyang sabi naman ni Sergio na mabilisang tinapos ang pagkain. Binitiwan na nito ang mga kubyertos, uminom ng tubig saka tumayo. "Let us go. Maglilinis tayo ng kuwadra."

"M-Maglilinis...? What?!" gilalas niyang sabi.

Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
jimcathreal
NXT please ...
goodnovel comment avatar
Leila Cabodil
Nexxxxt plsss
goodnovel comment avatar
Carloth Polenio Cerillo
next chapter pls
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status