Share

CHAPTER 7

"Let us stop this," saad ni Sergio sabay ng marahas na pagtayo. Ang ginawa niya ay naging dahilan para tingalain siya ni Rhea. Bakas sa mukha nito ang pagkalito dahil sa ikinilos niya.

"W-What?" tanong nito sabay bitiw sa baka. "M-May mali ba sa ginawa ko?"

Damn! Hindi mapigilan ni Sergio ang mapamura ulit sa kanyang isipan. Rhea didn't have any idea what was happening on him. Kahit siya mismo ay hindi rin maunawaan kung bakit ganoon na lang ang naging epekto sa kanya ng pagmasid lang sa ginagawa ng dalaga. He was turned on, he wouldn't deny it.

"Umuwi na tayo," aniya sa seryosong tinig. Pilit niya pang hinamig ang kanyang sarili bago tumalikod na sa dalaga.

"Umuwi?" naguguluhang tanong ni Rhea. Tumayo na rin ito at mabilis na sumunod sa kanya. Nasa may bukana na sila ng kulungan nang maabutan siya nito. "Wait, Sergio. What is wrong with you? Hindi ba---"

"Iuuwi na kita," saad niya sabay harap sa dalaga.

"Why? Did I do something wrong? Nagawa ko naman, hindi ba?" Sumulyap pa ito sa baka nang sabihin iyon, itinuro pa ang lalagyan na kahit papaano ay may laman nang gatas. "Sergio, what is---"

"Ipagagawa ko na lang iyan sa tauhan namin," putol niya sa ano mang sasabihin nito.

Tinaasan siya ng kilay ni Rhea. Kung kanina ay pagkalito ang nababanaag niya sa mukha nito, na marahil ay dahil sa biglaan niyang pagpahinto rito, ngayon naman ay pagkairita na ang naroon. Bumalik ang masungit na ekspresyon sa mukha ng dalaga.

"Pinilit mo akong sumama rito tapos ngayon ay bigla kang mag-aayang umuwi? Pinaglololoko mo ba ako, Sergio Arganza?"

"I just want you to stop what you are doing," buwelta niya rito.

"May I just remind you, ikaw ang nagpresintang turuan akong gatasan ang bakang iyan," naiirita nitong sabi sabay turo ulit sa kanilang alagang hayop.

He heaved out a deep sigh. Yes, siya ang nag-udyok dito para tumulong sa gawaing iyon. Maliban sa totoong nais niya itong ilayo kina Rebecca at Fabian dahil alam niyang pipigilan nitong umalis ang ina, nais niya rin sanang ipasyal ang dalaga sa kanilang rancho. Kahit papaano ay gusto niya rin namang maging kasiya-siya ang pananatili nito sa kanilang lugar.

Pero sadyang hindi niya talaga maunawaan kung bakit bigla na lang ay nag-iba ang nadarama niya kanina habang nakamasid sa dalaga. Holding her hands even sent unexplainable feeling to him. Ang intensyon niya ay turuan lamang talaga ito ng tamang gagawin. Pero nang mahawakan na niya ang mga kamay ng dalaga, sadyang tumugon na ang kanyang katawan.

Damn it! He's not a sex-starved man. Tulad nga ng sinabi ng kanyang Uncle Fabian, hindi siya nawawalan ng babae. He can bed a woman every time he needs one. Kung fling lang ang pag-uusapan, marami siyang kakilalang babae at ang mga iyon mismo ang nagpapakita ng motibo sa kanya.

Pero bakit ngayon ay umaakto siya nang ganito? Bakit madikit lang siya kay Rhea ay tumutugon na ang kanyang pagkalalaki?

"Sir Gio!"

Agad nang naawat ang akmang pagsagot niya kay Rhea nang marinig niya ang pagtawag ng isa sa kanilang mga tauhan, si Mang Binoy. Matagal na ito sa kanila at halos tumanda na lang sa pamamasukan sa Rancho Arganza. Katunayan, ang ibang kamag-anak ni Mang Binoy ay nagtatrabaho na rin sa kanila. Nasa may maisan ang mga ito at tumutulong sa pag-aani.

"Sir Gio," anito nang makalapit na. "Narito ho sina Doc Charlie."

Natuon ang paningin ni Sergio sa dalawang taong kasunod ni Mang Binoy sa paglalakad--- si Charlie, ang beterinaryo nila... at si Armira, pinsan ni Charlie. Dahil sa kaibigan niya ang binata ay naging malapit na rin sa kanya ang dalaga. Actually, Armira was one of his flings. Ito ang unang nagpakita ng motibo at sa tuwing nagpupunta sa kanilang rancho si Charlie ay madalas itong sumama upang makita siya.

"Magandang araw, Gio," saad ni Charlie. Nagsalita ito pero ang mga mata ay nakatuon kay Rhea. Alam niyang namumukhaan nito ang dalaga at hindi pa nga maitago sa mukha ni Charlie ang pagtataka. Malamang ay iniisip nito kung bakit kasama niya ngayon si Rhea.

"Magandang araw," tipid niyang saad. Maging si Armira ay binati niya.

"Hi, Gio," Armira said seductively. She walked towards him and planted a kiss on his cheek. Sinadya pa ng dalaga na madaiti ang mga labi nito sa sulok ng kanyang bibig.

Sergio heard a soft gasp from his side. Alam niyang nagmula iyon kay Rhea. Nag-alis siya ng bara sa kanyang lalamunan bago hinawakan ang magkabilang braso ni Armira saka bahagyang inilayo sa kanya.

"It has been a while since I last saw you. Where have you been?" usisa ni Armira. Sa halip na dumistansiya ito sa kanya ay ikinawit pa ng dalaga ang isang kamay nito sa kanyang braso.

"Galing ako ng Davao. Kababalik ko lang kahapon," tugon niya sabay sulyap kay Rhea. "By the way, this is Rhea. Anak siya ni Auntie Rebecca."

"Oh?" Charlie exclaimed. "So, you are Miss Rebecca's daughter?"

"I-I am..." saad ni Rhea sa mahinang tinig. Hindi nakaligtas sa kanya ang maya't mayang pagsulyap nito sa kanya at Armira.

"Nakita mo na si Charlie kahapon. Siya iyong kasama ko sa restaurant. Nagtatrabaho siya bilang beterinaryo rito sa aming rancho," saad niya kay Rhea. "And this is Armira, his cousin."

Rhea's eyebrow arched upwardly. Wari bang naghihintay pa ito ng iba niyang pakilala kay Armira. Was she expecting for him to introduce Armira as his girlfriend?

Nang hindi na siya nagsalita ay ngumiti na si Rhea. Mas para kay Charlie ang ngiting pinakawalan nito.

"Nice meeting you," wika ng dalaga, bahagya ring sinulyapan si Armira. "I am gonna go. Babalik na ako sa bahay ninyo." Ang huling pangungusap nito ay laan na para sa kanya.

At dahil sa mga sinabi ni Rhea ay agad na napatayo nang tuwid si Sergio. Disimulado niya ring inalis ang kamay ni Armira na nakakawit sa braso niya. "Ihahatid kita sa bahay," saad niya.

"No need. Alam ko ang daan."

"May kalayuan ang bahay mula rito sa kuwadra, Rhea. Ihahatid kita," giit niya pa rito.

"Rhea---"

"Let her be, Gio," singit ni Armira sa pagsasalita niya. "May importante kayong pag-uusapan ni Charlie, hindi ba? Besides, it has been a couple of weeks since we saw each other. Don't you like to be with me?"

"Yeah, right," Rhea said mockingly. "Kaya kong maglakad, Sergio. I'll go ahead."

"Rhea!" tawag niya sa dalaga nang tumalikod na ito at nagmamadaling naglakad paalis. He was about to walk after her, pero agad nang hinatak ni Armira ang braso niya.

"Come on, Gio. Hayaan na natin siya. Go, talk with Charlie now," udyok sa kanya ni Armira sabay kausap na rin sa pinsan nito.

Sinundan niya na lamang ng tanaw ang papalayong si Rhea na hindi na lumingon pa sa kanila. Hindi niya maiwasang mag-alala para rito. Napakalayo ng kuwadra mula sa kanilang bahay. It was intended since, hindi rin naman maganda ang amoy ng mga hayop sa tuwing hindi agad nalilinisan. Rason nga iyon upang isipin niya si Rhea. Hindi birong lakarin din ang gagawin nito pabalik sa kanilang bahay.

*****

DALAWANG ARAW ang matuling lumipas. Habang nasa Rancho Arganza ay sinubukan ni Rhea na kausapin ang kanyang ina. Katunayan ay nakausap niya ito nang sarilinan kahapon. Iginiit niyang sumama na sa kanya pabalik ng Manila at huwag ituloy ang balak na pagpapakasal kay Fabian. Ngunit sa muli ay iisa lang ang isinagot ni Rebecca--- nais nitong maglaan siya ng panahon upang makasama at makilala pa nang lubusan si Fabian. Kung sakaling mangyari iyon ay baka raw makapalagayan niya ng loob ang kasintahan nito.

And she couldn't help but to be irritated. Wala siyang panahon para magtagal pa sa San Nicholas. May trabaho siyang kailangang balikan sa Manila. May bagong proyekto siyang kailangang hawakan ngunit hindi niya masimulan sapagkat hindi niya gustong umalis ng San Nicholas nang hindi kasama ang kanyang ina.

She heaved out a deep sigh and got her phone from the bed. Tinawagan niya ang numero ng kaibigan niyang si Jeselle. Habang naghihintay sa pagsagot nito ay lumabas siya ng kanyang silid at tuloy-tuloy na bumaba ng hagdan.

Tahimik ang buong bahay ng mga Arganza. Maliban sa mga kasambahay na abala sa mga gawain ay wala na siyang kasama. Kagabi pa lang ay nagpaabiso na ang kanyang ina na aalis ulit ito kasama si Fabian. May kailangan pa raw asikasuhin ang mga ito para sa planong pagpapakasal.

Si Sergio naman, malamang ay abala na sa mga gawain sa rancho dahilan para hindi na niya ito makita pa sa bahay. Mula nang isama siya nito sa kuwadra noong isang araw ay halos hindi niya ito pansinin. Naiirita siya sa binata. Nakaiinis isipin na pinilit siya nitong sumama sa kuwadra at inudyukang gatasan ang alagang baka ng mga ito, tapos bigla ay patitigilin lang din pala siya. Ni hindi man lang nga nilinaw kung may mali ba sa ginawa niya o hindi.

Gusto na lang isipin ni Rhea na kaya siya pinahinto na ni Sergio nang araw na iyon sapagkat darating sina Charlie at Armira. Si Charlie ay naunawaan niya kung ano ang ipinunta sa Rancho Arganza. Si Armira ang hindi niya alam kung ano ang sadya kay Sergio. Base sa nakita niyang paghalik at paghawak-hawak nito sa binata, nahihinuha niyang may namamagitan sa dalawa.

Kasintahan ba ni Sergio si Armira? Kaya ba pinatigil nito ang ginagawa niya nang araw na iyon dahil sa alam nitong darating ang dalaga? At pagkaalis niya, ano na ang ginawa ng dalawa?

Agad niyang iwinaksi sa kanyang isipan si Sergio. Ano ba naman ang pakialam niya kung may namamagitan man nga rito at kay Armira? At bakit ba iniisip niya kung ano ang ginagawa ng mga ito sa tuwing magkasama?

"Hello, Jeselle," bungad niya sa kanyang kaibigan nang sagutin na nito ang tawag.

"Rhea..." eksaherada nitong pagbanggit sa kanyang pangalan. "Finally, tumawag ka."

Nagpatuloy si Rhea sa kanyang paglalakad habang nasa tapat ng kanyang tainga ang cell phone. Naglakad siya patungo sa garahe ng mga Arganza kung saan naroon ang kanyang sasakyan.

"Tumawag lang ako para sabihing hindi pa ako makababalik ng Manila. I am still staying here in San Nicholas."

"Why? Akala ko ba ay hindi ka magtatagal diyan?"

"Hindi ko ba nakukumbinsi si Mama na sumama sa akin pauwi. Hindi niya pa rin iniuurong ang pasya niyang pakasalan ang nobyo niya."

"Rhea," anito sa mababa nang tinig. "Hindi mo ba naisip na hayaan na lang ang iyong ina? Nasa tamang edad na si Tita Rebecca. Let her decide for her own happiness."

"Iyon na nga, hindi ba?" buwelta niya rito. "Nasa tamang edad na siya para isiping hindi na niya kailangan pang magpakasal ulit."

"Oh come on, Rhea. Wala sa edad ang umibig," katwiran pa nito. She almost rolled her eyes upwardly because of what Jeselle said. "Hintayin mo lang na ma-inlove ka, mauunawaan mo rin ang nadarama ng mama mo."

"You don't---"

Ano mang sasabihin niya ay agad nang naawat nang makarinig siya ng malakas na kalabog. Nagmula ang ingay sa tagilirang bahagi ng bahay ng mga Arganza. Kung hindi siya nagkakamali ay may daan doon patungo sa stockroom ng mga ito.

"Jeselle, can I just call you again later?"

"May problema ba?" nag-aalala nitong tanong.

"Nothing," sagot niya. "I will just check on something."

"Okay... Okay. Just make up your mind, Rhea. Kailangan mo nang bumalik dito. Sisimulan na natin ang bagong proyektong ibinigay ni Boss."

"I know. Kakausapin ko lang ulit si Mama."

"Tawagan mo ako mamaya. Jason has been looking for you too. Hindi mo raw sinasagot ang mga mensahe niya," wika pa ni Jeselle.

"I will just call him," aniya. Ang Jason na pinag-uusapan nila ay kasamahan din nila sa trabaho na ilang buwan nang nanliligaw sa kanya. Actually, nababasa niya ang mga mensahe ng binata. Sadyang hindi niya lang sinasagot pa ang mga iyon.

Tuluyan na siyang nagpaalam kay Jeselle. Marahan na siyang humakbang patungo sa tagilirang bahagi ng bahay ng mga Arganza kung saan siya nakarinig ng ingay. Gusto niyang malaman kung ano ang sanhi ng ingay sapagkat hindi niya maiwasang mangamba. Baka kasi kung may napaano nang kasambahay ang mga ito.

Dire-diretso siyang naglakad hanggang sa makarating siya sa may bukana ng stockroom. Bukas ang pinto niyon at agad na umahon ang kuryosidad niya nang makarinig pa ng mabining ingay.

"G-Gio..." said a soft voice. Babae! Boses ng babae?

She walked even closer. Curiosity almost killed her. Nang nasa may hamba na siya ng pintuan ay agad na natuon ang kanyang mga mata sa isang sulok ng silid. May malaking mesa roon kung saan pinagpapatungan ng ilang kahon na kung ano man ang mga laman ay hindi na niya alam. May dalawang kahon pang nasa sahig na. Iyon marahil ang narinig niyang kumalabog kanina.

Pero ang atensyon ni Rhea ay wala na sa mga kahong nagkalat. Mas natuon na ang kanyang mga mata sa dalawang taong naroon--- si Sergio at si Armira!

Armira was sitting on the table while Sergio was in front of her, in between her legs. Nakapulupot pa ang mga kamay ng dalaga sa batok ni Sergio habang ang mga ito ay... naghahalikan!

"Oh my God!" bulalas niya na ikinalingon ng dalawa.

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Christine Johna Myzing
hahaha lagot Ka Sergio...
goodnovel comment avatar
analyn Aguilar
lagot Sergio minus 1 kana kay Rhea badshot kaagad....kung ako yun ayaw kona sa knya may bahid na ng laway yung labi nun.........
goodnovel comment avatar
ဂျိုအာနာ မာရီလင်ဂွ
𝐒𝐚𝐧𝐚 𝐥𝐠𝐢𝐠 𝐦𝐲 𝐮𝐩𝐝𝐚𝐭𝐞𝐬
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status