Share

CHAPTER 2

Tuloy-tuloy na naglakad si Sergio papasok sa kanilang bahay. Mula sa restaurant kung saan niya kinatagpo si Charlie ay dumiretso na siya ng uwi sa rancho na pag-aari ng kanilang pamilya, ang Rancho Arganza. Malawak na lupain iyon na kilalang-kilala sa buong San Nicholas. Ang kanyang abuelo, ang ama ng kanyang papa, ang nagsimula niyon. Napalago iyon ng kanyang lolo dahil na rin sa husay nito sa pamamahala.

Mayroon silang iba't ibang alaga sa Rancho Arganza. Sa pagdaan ng mga taon, mas nadagdagan pa ang mga hayop na inaalagaan nila sa kanilang lupain. Ang ilan doon ay naibebenta pa nila, hindi lang sa San Nicholas kundi maging sa ibang karating bayan. Maliban sa paghahayupan, iba't ibang pananim din ang pinagkakakitaan ng kanyang pamilya. Lahat ng iyon ay magkatulong nilang inaasikaso ng kanyang Uncle Fabian... at Uncle Richard.

"Welcome back, hijo..."

Agad na natigilan si Sergio sa paglalakad nang marinig niya ang tinig na iyon--- ang kanyang Uncle Fabian. May malawak itong ngiti sa mga labi habang nakamasid sa kanya. Sa halip na dumiretso sa kanyang silid ay pumihit si Sergio patungo sa kinaroroonan ng kanyang tiyuhin. Kalalabas lamang nito mula sa kanilang library at natigilan nga nang makita siya.

"Hi, Uncle. How are you?"

"Have you eaten your lunch? Magpapahain ba ako para sa iyo?"

"No need, Uncle. Nakipagkita ako kay Charlie bago tumuloy dito. Kumain kami sa Elyong's," tukoy niya sa restaurant na kinainan kanina. Nang mabanggit niya ang establisimiyento ay hindi pa maiwasang sumagi sa kanyang isipan ang babaeng nakadaupang-palad niya roon.

Agad niyang iwinaksi sa kanyang isipan ang tungkol sa bagay na iyon nang makita niyang naglakad patungo sa sala ang kanyang tiyuhin. Sinundan niya ito at matamang pinagmasdan habang marahang nauupo sa mahabang sofa.

Fabian is now on his fifty. Sa kabila ng bakas na ang katandaan sa hitsura nito, masasabi pa rin ni Sergio na makisig pa rin kung titingnan ang kanyang tiyuhin.

"How's Davao?" usisa nito nang makalapit na rin siya.

Nagkibit-balikat siya. "Great, Uncle. I had a great time staying there. Naroon din ang ilan sa mga kaibigan ko," imporma niya pa rito.

"How are they? Si Ethan? Kumusta siya at ang iba mo pang kaibigan?"

"They're doing good," aniya sabay hakbang patungo sa pang-isahang sofa. Naupo siya roon bago nagpatuloy sa pagsasalita. "May kasintahan na si Ethan, just like Renz. Nakilala ko na rin ang mga nobya nila. And Lorenzo is getting married. Buntis na ang nobya niya."

Kaswal lang ang pagkakakuwento niya. Though, he was happy for his friends, Sergio couldn't help but to cringe. Hindi niya sukat akalain na makatatagpo ang mga kaibigan niya ng mga babaeng mamahalin ng mga ito. Just like Romano. Nasa ibang bansa ito para tuluyang magpagaling pero nabanggit sa kanila ni Hendrick ang ginawang biglaang pagpapakasal ng kaibigan nila. Hindi pa nila ito makausap nang maayos upang usisain sapagkat nagpapagaling pa ito sa ngayon.

"Glad to hear that. Akala ko lahat kayo'y walang balak na magsipag-asawa. Sasayangin niyo lamang ang inyong mga lahi," nangingiting saad ni Fabian. "How about you? Kailan ka tutulad sa mga kaibigan mo? Kailan ka magpapakilala ng mapapangasawa sa amin?"

"You are talking as if looking for a fiancee is like picking a flower from Auntie Rebecca's garden," natatawa niyang sabi bago biglang nagseryoso nang maalala ang kasintahan nito. "Where is Auntie Rebecca, by the way?"

"Sumama kay Marilyn sa kuwadra para magdala ng tanghalian ng mga tauhan ng rancho. Maya-maya lang ay narito na ang mga iyon."

Ang Marilyn na tinutukoy nito ay isa sa kanilang mga kasambahay. Matagal na ito sa kanila at sadyang pinagkakatiwalaan na nila sa maraming bagay. Samantalang ang Rebecca na pinag-uusapan nila ay ang nobya ng kanyang Uncle Fabian.

Fabian has been single ever since. Ang buong akala niya ay tatandang binata na talaga ito. Nagkaroon din naman ito ng mga karelasyon noong bata-bata pa pero kailanman ay hindi ito nakapag-asawa.

Hanggang sa ilang buwan na ang nakararaan nang ipakilala nito sa kanya si Rebecca bilang kasintahan nito. Halos kaedad lamang ito ng kanyang tiyuhin, biyuda at may isang anak na hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi niya pa nakikilala.

Ilang buwan nang nanunuluyan sa rancho nila si Rebecca. Sa loob ng ilang buwan na iyon ay nagawa na nitong palaguin ang mga halamang nasa kanilang hardin. Nagbabalak na ring magpakasal ang mga ito at labis na ikinatuwa ni Sergio ang planong iyon. For him, his Uncle Fabian deserves to be happy.

Isa lang ang nakikita nilang problema sa ngayon--- ang anak ni Rebecca. Ayon sa ginang, nahirapan itong ipaliwanag sa anak ang plano nito at ng tiyuhin niya. Nang minsang nakausap nito sa telepono ang sariling anak ay nagpahayag na raw ito ng hindi pagsang-ayon.

And Sergio couldn't help but think about it. Sinong anak ba ang ayaw na makitang masaya ang sariling ina? Nakikita niya naman kasing masaya si Rebecca sa tuwing kasama nito ang kanyang Uncle Fabian. Bakit hindi iyon ang isipin ng anak nito?

"I'm serious, Gio. Hindi mo pa ba naiisip ang lumagay sa tahimik gaya ng kaibigan mo?" narinig niya pang sabi ni Fabian dahilan para mabalik dito ang kanyang atensyon.

Sergio chuckled. "Paano ako lalagay sa tahimik, Uncle? I don't even have a girlfriend."

"Alam kong hindi ka nawawalan ng babae, Gio."

"That's different from having a serious relationship, Uncle," sansala niya rito.

"At kailan ka magseseryoso?" buwelta nito. "Hindi mo man lang ba isinasaalang-alang ang tungkol sa provision ng lolo mo? Gio, malapit nang matapos ang takdang panahong ibinigay niya para makapag-asawa ka?"

Dahil sa mga sinabi nito ay agad na naging seryoso ang ekspresyon sa mukha ni Sergio. Ang tinutukoy ng kanyang tiyuhin ay ang provision na kasama sa last will and testament ng kanyang Lolo Abel, ama ng kanyang Papa Felix.

Magdadalawang-taon na mula nang mamatay ang kanyang lolo. Inatake ito sa puso na naging sanhi ng pagkawala nito. Days after he died, his lawyer read his last will and testament. Maayos na sana ang lahat kung hindi lang dahil sa provision na kasama sa last will na iniwan nito--- kailangan niyang makapag-asawa bago mag-ikalawang taong anibersaryo ng pagkamatay nito. If it didn't happen, mawawala ang lahat ng manang naiwan sa kanya.

Kay Sergio naiwan ang pinakamalaking porsiyento ng ari-arian ng kanyang Lolo Abel. Mas nauna kasing nawala ang kanyang ama kaysa rito dahilan para siya ang maging tagapagmana ng lahat ng mayroon ang matandang Arganza. May naiwan din naman sa kanyang Uncle Fabian at Uncle Richard ngunit wala iyon kumpara sa lahat ng nakuha niya.

And it was because of one reason. Ang kanyang ama lamang ang legal na Arganza. Sina Fabian at Richard ay kapwa ampon lamang ng lolo't lola niya. Kapwa lumaki ang mga ito sa rancho at Arganza rin naman ang gamit na apelyido pero mas malaki pa rin ang nakuha niya kaysa sa mga ito.

Iyon ay kung masusunod ang provision ng kanyang Lolo Abel. Maiiwan sa kanya ang pinakamalaking bahagi ng Rancho Arganza, ang ancestral house, ilang sasakyan at pinakamalaking porsyento ng pera sa bangko. Maging ang ilang properties din nito sa Manila ay maililipat sa pangalan niya. It would be an easy life for him if that ever happens. Pero may kondisyon--- kailangan ay may asawa na siya bago pa man sumapit ang ikalawang anibersaryo ng pagkamatay ng abuelo niya. Kung hindi, paghahatian nina Fabian at Richard ang lahat ng naiwan sa kanya.

Napabuntonghininga si Fabian. "You should start looking for a fiancee now, Gio. Magdadalawang taon na mula nang nawala ang papa. Isa lang ang ibig sabihin niyon, alam mo iyan."

"And wouldn't you be glad, Uncle? Isa ka sa makikinabang sa lahat ng mana ko kung nagkataon."

Pagak na natawa si Fabian. "Alam mong hindi ako naghahabol ng karangyaan, Gio. Sapat na sa akin ang iniwan ng papa. But Richard? Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa Rancho Arganza kung sakaling mapunta sa kanya ang pinakamalaking bahagi nito. So I want you to get married before Papa's second death anniversary. Kumpara kay Richard, mas gusto kong ikaw pa rin ang mamahala ng rancho na ito."

Sergio's face hardened. Kuha niya kung ano ang ibig nitong sabihin. Simula pa man noon ay hindi siya malapit kay Richard. They were civil, yes. Pero ang relasyong mayroon siya kay Richard ay malayo sa kung ano ang relasyon niya kay Fabian. Nakikita niya ring sinsero ang Uncle Fabian niya sa mga sinabi nito. Richard was ambitious. Alam niyang masisira ang rancho oras na ito na ang mamahala.

Pero ano ang gagawin niya? Hindi niya naman gustong magpakasal para lang makuha ang mana niya. And to top it all, sino ang pakakasalan niya? He's not in love with anyone. Oo't tama ang tiyuhin niya. Hindi siya nawawalan ng babae. He can bed a woman if ever he wants to. Fling... ganoon lang. Pero ang pakasalan sino man sa mga babaeng nakakarelasyon niya? Wala siyang makitang karapat-dapat pagbigyan ng pangalan niya.

*****

HALOS palinga-linga si Rhea sa magkabilang gilid ng daan. Pilit niyang hinahanap ang public market na sinabi ng lalaking nakasagutan niya sa may parking lot kanina. Gusto niya pang mabagot sa sobrang layo ng ibiniyahe niya ulit. Mula sa restaurant ay halos ilang saglit pa siyang nagmaneho sa daan.

Ayon sa lalaki, kailangan niyang lumiko pakaliwa para matunton ang daan papuntang Rancho Arganza. Sa haba ng iminaneho ni Rhea, ilang paliko pakaliwa na rin ang nadaanan niya. Pero patuloy lang siya sa pagmaneho dahil hinahanap niya ang public market na sinabi ng nakausap niya. Ayon kasi dito, public market ang pinakakanto ng kalsadang kailangan niyang paglikuan.

And after how many minutes of driving, Rhea saw a public market. Waring iyon yata ang pinakasentro ng bayang iyon. Sa harap ng palengke ay isang malaking gusali pang-komersiyal.

"Finally, I am here," sambit niya. Kinabig na niya ang manibela para lumiko. Nang makarating siya sa tapat ng palengke ay sadyang inihinto pa ni Rhea ang kanyang kotse para magtanong sa ilang tinderang nakapuwesto lamang sa gilid ng kalsada..

"Magandang araw, manang," aniya. Binuksan na lamang niya ang bintana ng kanyang sasakyan at nagtanong sa matandang babaeng naroon. Sadyang nilakasan niya pa ang kanyang tinig para makuha ang atensyon nito.

Dali-daling lumapit sa kanya ang matandang babae sa pag-aakalang bibili siya. Iba't ibang prutas ang paninda nito. "Ano iyon, ineng? Prutas ba?"

Alanganin siyang ngumiti. "M-Maaari ho bang magtanong? Dito na ba ang daan patungong Rancho Arganza?" tanong niya na itinuro pa ang kalsadang paliko.

"Rancho Arganza?" balik-tanong nito. "Naku, hindi, ineng. Hindi papunta sa Rancho Arganza ang daang iyan."

"W-What do you mean? Hindi ito patungo sa Rancho Arganza?"

"Hindi," tugon nito sabay turo sa kalsadang pinanggalingan niya. "Papunta roon ang rancho na hinahanap mo. Mga ilang minutong biyahe rin, ineng. Kung iyon ang hanap mo, ang pinakakilalang establisimiyentong maaari mong gawing landmark ay ang restaurant na Elyong's. Kapag nakita mo na ang restaurant na iyon ay magtanong ka lang roon. Hindi ka mahihirapang maghanap dahil kilalang-kilala ang Rancho Arganza rito sa San Nicholas."

"E-Elyong's?" saad niya. May umaahon nang hinala sa kanyang isipan. "Are you sure, Manang?"

"Naku, ineng, dito na ako tumanda sa San Nicholas. Alam ko ang mga lugar dito," anito, itinuro pa ang kalsadang akma niyang lilikuan. "Ang daang ito ay patungo na sa kabilang bayan. Malalayo ka pa sa Rancho Arganza."

Her face hardened. Ang Elyong's na binanggit ng matandang babae ay ang restaurant na kinainan niya kanina... ang restaurant kung saan niya nakasagutan ang lalaking nagturo sa kanya sa daang iyon. Kung totoo man ang mga binanggit ng matandang babae, iisa lang ang ibig sabihin niyon--- pinag-trip-an siya ng lalaking iyon at ibang daan ang itinuro sa kanya!

"That son of a bitch!" she hissed angrily.

"Ano iyon, ineng?" tanong ng matanda na bahagya pa siyang niyuko.

"N-Nothing, manang..."

"Bibili ka ba ng prutas? Marami kang mapagpipilian."

She smiled at her. "S-Sige ho, pabili na lang," saad niya. Sinulyapan niya ang mga paninda nito. "Sampung mansanas ho at isang kilong saging na rin."

Waring natuwang mabilis na lumapit ang matanda sa mga tinda nito. Agad nitong isinupot ang mga pinamili niya saka iyon ibinigay sa kanya. Nag-abot ng limang daan si Rhea at nang akmang kukuha ang tindera ng panukli sa kanya ay mabilis siyang nagwika.

"Keep the change, manang. I need to go."

"Naku, salamat, ineng," nagagalak nitong sabi. "Mag-ingat ka patungo sa Rancho Arganza. Kahit si Sergio Arganza ang ipagtanong-tanong mo, ituturo ng mga tao sa iyo ang daan papunta sa lugar na hinahanap mo."

"S-Sergio Arganza?"

"Siya na ang namamahala ng Rancho Arganza. Kilalang-kilala rin siya ng mga tao rito."

Her eyebrow arched. Ganoon ba kakilala ang pamilya Arganza sa lugar na iyon?

Nagpasalamat na siya sa matandang babae saka nagmaneho na paalis. Kanina pa sana siya nakarating sa lugar na sadya niya kung hindi lang dahil sa lalaking nakasagutan niya kanina. How dare him! Talagang sinadya pang ituro siya sa malayo.

"Huwag lang sanang mag-krus ulit ang landas natin na lalaki ka," nangangalaiting saad ni Rhea. Mas binilisan niya na ang kanyang pagmamaneho pabalik sa kalsadang pinanggalingan niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status