Share

Savage Billionaire Series 5:Sergio Arganza
Savage Billionaire Series 5:Sergio Arganza
Author: Yvette Stephanie

CHAPTER 1

Palinga-linga si Rhea sa magkabilang gilid ng daan sa pag-asam na makahahanap siya ng palatandaang malapit na siya sa lugar na nais niyang puntahan. Mag-aalas onse na ng tanghali ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay laman pa rin siya ng kalsada. Ni hindi niya man lang alam kung malapit na ba siya sa patutunguhan o malayo pa.

Patungo siya sa bayan ng San Nicholas. Mula sa Kamaynilaan kung saan sila nakatira ay bumiyahe siya patungo sa lugar na iyon. At ang pagsadya niya sa naturang bayan ay dahil sa iisang rason--- ang sundan ang kanyang inang si Rebecca na halos tatlong buwan na niyang hindi nakikita.

Biyuda na ang kanyang ina. Her father died because of heart failure four years ago. She found it so hard to move on especially that she had been so close to her father ever since. Maging ang kanyang ina ay ganoon din. Alam niya kung gaano nito kamahal ang kanyang ama at nasaksihan niya kung paano ito nasaktan nang mawala ang kanilang padre de pamilya.

Hanggang sa napansin niyang ang pagdadalamhati ng kanyang ina ay unti-unting nawala at bumalik sa normal ang takbo ng buhay nito. She was glad for that, of course. Kung siya ang tatanungin, wala siyang ibang nais kundi ang makitang masaya ito. Ang hindi niya lang sukat akalain ay ang kaalamang ang kasiyahang iyon ay natagpuan nito sa ibang lalaki, sa nagngangalang Fabian Arganza.

Ilang buwan na ang nakararaan nang banggitin ni Rebecca sa kanya ang tungkol kay Fabian. Ayon sa kanyang ina ay naging kaklase nito sa dating unibersidad na pinasukan sa Maynila noon ang lalaki. Makalipas ng napakaraming taon ay muling nagkrus ang landas ng mga ito sa isang event na minsang dinaluhan ng kanyang ina. They got along with each other again and after a few months, Rebecca told her about her relationship with Fabian.

Una pa lang ay nagpakita na ng disgusto si Rhea. Hangga't maaari ay hindi na niya gustong magkaroon pa ng ibang kakasamahin ang kanyang ina. Idagdag pa na sa loob ng ilang buwan, apat na beses niya pa lamang nakaharap si Fabian. He looked decent but looks could be deceiving. Ano ang malay niya at baka iba ang motibo ni Fabian sa pakikipagrelasyon sa kanyang ina?

At iyon nga ang dahilan kung bakit kahit marami siyang kailangang gawin sa trabaho ay nagpasya siyang magtungo sa San Nicholas. Tatlong buwan na mula nang magpunta ang kanyang ina sa lugar na iyon at nang huli silang magkausap sa telepono ay nagpahiwatig ito na nais daw 'di umano ni Fabian na gawing legal ang pagsasama ng mga ito, bagay na labis niyang tinutulan. Hindi niya gustong magpakasal ito sa iba. Hindi niya gustong magkaroon ng pangalawang ama sa katauhan ng lalaking halos hindi niya pa nakikilala nang lubusan.

And so she decided to go to San Nicholas. Nais niyang pilitin ang kanyang ina na sumama sa kanya pabalik sa Manila at itigil ang kahibangan nito kay Fabian.

Rhea let out a deep sigh. Marahan na lamang ang kanyang pagmamaneho sa pag-asam na makakita ng makakainan. Tanghali na at nadarama niya na ang pagkalam ng kanyang sikmura. Kapag natapos kumain ay baka saka na lang niya ipagpapatuloy ang paghahanap ng Rancho Arganza.

Rancho Arganza...

Maliban sa lugar na San Nicholas ay tanging ang pangalan ng rancho na pag-aari ng pamilya ni Fabian ang nabanggit ng kanyang ina. Wala nang ibang sinabi pa sa kanya si Rebecca. Rhea tried searching for the ranch and according to the internet, it's well known in San Nicholas. Mukhang hindi naman siya mahihirapang hanapin ang naturang lugar.

Agad niyang kinabig ang manibela ng kanyang sasakyan patabi ng kalsada nang makakita na siya ng makakainan. It was a restaurant where travelers stop to eat. Bahagya pa siyang nahirapang makahanap ng puwesto sa may parking lot sapagkat halos puno ng mga sasakyan doon. Marahil ay marami ang kumakain sa naturang establisimiyento.

Hanggang sa maya-maya ay nakahanap na siya ng pagpaparadahan ng kanyang kotse. Waring iyon na lamang ang tanging bakante sa parking lot kaya halos magmadali pa siya sa pagmamaneho nang makitang may isang sasakyan na parang naghahanap din ng pagpaparadahan. It was a red car and it was almost near to the vacant space. Rhea drove faster. Mabilis niya itong inunahan sa pagmaniobra kaya agad niyang nakuha ang naturang espasyo upang paghintuan ng kanyang kotse.

She smiled triumphantly. Mas nauna siyang lumiko kaya siya ang mas naunang nakaparada roon. "Sorry, I got it first," pilya niyang sabi sa kanyang sarili.

Agad niyang kinuha ang kanyang shoulder bag na nakapatong sa may passenger's seat at inalis ang seat belt sa kanyang katawan saka lumabas ng sasakyan. Hindi niya pa man naisasara muli ang pinto niyon nang matigilan na siya. Malakas kasing bumusina ang nagmamaneho ng pulang sasakyang inagawan niya ng parking space.

Her eyebrow arched upwardly. Marahan na niyang isinara muli ang pinto ng kanyang kotse saka naghintay kung lalabas ba ang driver ng pulang sasakyan. And he did. The door opened and a man came out from the car. Agad pang natigilan si Rhea nang makita niya ang lalaking lumabas mula sa sasakyan. Magkadikit ang mga kilay nito at halata ang yamot sa mukha.

"Didn't you see that I was about to park my car? Talagang ipinilit mo pa na mauna kaysa sa akin?" lintanya nito na bakas ang inis sa tinig.

The man was tall and has a well-built body. Sa kabila ng suot nitong polo shirt ay halata ang kakisigan ng katawan nito. Pakiramdam niya ay mas dumagdag pa sa pagiging makisig nito ang kayumangging kulay ng balat ng binata.

Itinuon pa ni Rhea ang kanyang paningin sa mukha ng lalaki. He has dark eyes that right now, mirrored irritation. Alam niyang ang emosyong iyon ay bunga ng ginawa niyang pang-aagaw ng parking space mula rito.

Matangos din ang ilong ng lalaki. May mapupula rin itong mga labi at alam niyang natural ang kulay niyon. Malamang na hindi ito naninigarilyo kaya ganoon na lamang ang kulay ng mga labi nito. At bakit pakiramdam niya ay malambot ang labing iyon gayong hindi pa naman naidadampi sa kanya?

"Didn't you hear me?" paasik nitong tanong dahilan para maputol ang paglakbay ng kanyang mga mata sa kabuuan ng mukha nito. "Are you dumb? Hindi mo ba nakitang ipaparada ko na ang sasakyan ko? Mas nauna ako diyan, miss." Sadyang itinuro pa nito ang puwesto kung saan nakaparada na ang kanyang kotse.

"I am not a dumb," mataray niyang balik sa lalaki. Sadyang umahon ang inis mula sa kanyang dibdib dahil sa itinawag nito sa kanya. "At kung mas nauna ka rito, 'di sana ay ang sasakyan mo ang nakaparada ngayon dito. But look..." Itinuro niya ang kanyang kotse bago nagpatuloy pa sa pagsasalita. "Ang sasakyan ko ang narito. Ibig sabihin, mas nauna ako."

"You---"

"Hindi ko na kasalanan kung mabagal ka, mister," putol niya sa ano mang saaabihin nito saka iniikot ang kanyang paningin sa parking lot. "Just look for a space where you can park your car. Have a nice day."

Her last sentence was spoken with sarcasm. Alam niyang inis na ito kaya paano pa ito magkakaroon ng magandang araw? Iniwanan niya pa ito ng isang hilaw na ngiti na para bang nang-iinis. Agad na siyang tumalikod at tuloy-tuloy nang pumasok sa loob ng restaurant. Kung ano man ang naging reaksyon ng lalaki, hindi na niya nakita pa. Hindi na siya muling lumingon dito.

*****

SINUNDAN ni Sergio ang papalayong dalaga. Papasok na ito sa kainang sadya niya rin sana sa mga oras na iyon. Pasado alas-onse na at hindi pa siya nakakakain ng tanghalian. He's hungry. Iyon ang dahilan kung bakit nagmamadali rin siyang maiparada na ang kanyang sasakyan.

Kagagaling niya pa lamang sa Davao. He was there because of his friend's birthday, si Ethan. Nang-imbita ito at hindi maaaring hindi siya pumunta. Malapit niyang kaibigan ang binata at madalas na naroon sila sa mahahalagang okasyon sa buhay ng bawat isa.

Sampu talaga silang malalapit na magkakaibigan. Ang ilan ay nakasama niya pa sa Davao upang daluhan ang birthday celebration ni Ethan. Sadyang naging memorable pa ang naturang pagdiriwang sapagkat natuklasan nilang buntis pala ang kasintahan ng isa sa mga kaibigan niya--- si Lorenzo. Hindi niya alam ang buong detalye pero base sa mga naging pag-uusap nila ay nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan si Lorenzo kay Tamara, ang kasintahan nito. He was just glad that everything was okay now between the two of them. Nagbabalak na ring magpakasal ang mga ito ngayon.

At mula sa NAIA kung saan lumapag ang eroplanong sinakyan niya mula sa Davao ay bumiyahe na siya pabalik sa San Nicholas kung saan matatagpuan ang pag-aaring rancho ng kanilang pamilya--- ang Rancho Arganza. Gamit niya ngayon ang kanyang sariling sasakyan. Nang magtungo sa Davao ay iniwan niya iyon sa basement ng gusali kung saan mayroon siyang pag-aaring condo unit.

Napabuntonghininga na lamang siya saka sinulyapan ulit ang kotse ng babaeng nakasagutan niya kanina. Malapit na siya sa parking space na iyon at alam niyang alam iyon ng dalaga. Sadyang tuso lang ito at inunahan siya sa pagparada.

Napapailing na pumasok na lamang siyang muli sa kanyang sasakyan. Sakto namang may paalis na isang kotse at doon na lamang siya pumarada. Nang masigurong maayos na ang lahat ay naglakad na rin siya papasok sa kainang dinarayo pa sa lugar na iyon.

While walking, Sergio checked his phone. Kasabay ng pagtungo niya roon para kumain ay makikipagkita rin siya kay Charlie, ang beterinaryo sa kanilang rancho. Ilang taon na ring naninilbihan sa kanila si Charlie. Ito ang tumitingin sa mga hayop na alaga sa Rancho Arganza. At dahil naroon naman na siya sa bayan ay nakipagkita na siya rito para pag-usapan nila ang ilang bagay tungkol sa kanilang mga alaga.

Pagkapasok sa loob ay agad na niyang nakita ang binata. Kumaway pa ito sa kanya at inaya na siyang lumapit. Halos kaedad niya lang si Charlie. May klinika rin ito sa bayan ng San Nicholas at kung wala itong importanteng ginagawa sa kanilang rancho ay sa klinika ito naglalagi.

"Akala ko ay matatagalan ka pa," wika nito nang makaupo na siya sa katapat nitong silya.

"I told you, aabot ako, hindi ba? Maaga akong umalis sa condo ko."

Charlie shrugged his shoulders. "Anyway, let's order."

Tumango lang siya kaya tinawag na nito ang isang serbidor na nasa malapit lamang. Charlie gave his orders. Siya rin ay pumili na ng kakainin. Nang makaalis ang serbidor para kunin ang mga order nila ay muli siyang binalingan ni Charlie. They started talking about the ranch. Hanggang sa magsimula na silang kumain ay ang tungkol sa trabaho nito sa kanilang rancho ang kanilang paksa.

"Dadaan ako ngayong weekend sa rancho ninyo, Gio. I'll check the horses," wika na ni Charlie habang naglalakad na sila palabas ng restaurant. Tapos na silang kumain at kapwa na palapit sa kanya-kanyang sasakyan.

"Please do it, Charlie. Masyadong nag-aalala si Uncle Fabian sa mga hayop. Alam mo naman kung gaano ka-hands on si Uncle---"

Hindi niya natapos ang pagsasalita nang mula sa restaurant ay lumabas din ang babaeng nakasagutan niya kanina. Nagsasalita ito at may kausap sa cell phone kaya madaling naagaw ang kanyang atensiyon. Hindi niya ito nakita sa loob ng restaurant na malamang ay sa dulong bahagi pumuwesto.

"Yes. Malapit na yata ako, Jeselle. Hindi ko alam kung saan eksaktong naroon ang lugar na iyon... Yes... Yes, I won't stay long at Rancho Arganza. Kapag nagawa ko na ang dapat kong gawin ay uuwi na rin ako," narinig niyang sabi ng babae. Ang pagkakabanggit nito sa pag-aari nilang rancho ang nakakuha ng kanyang atensiyon.

Nahinto rin sa paglalakad ang dalaga nang makita sila ni Charlie. Napakunot-noo pa ito nang sumulyap sa kanya saka muling binalingan ang kausap. "I'll just call you again, Jeselle."

Nang maibaba nito ang aparato ay agad siyang nagwika. "Patungo ka sa Rancho Arganza?"

"Eavesdropper?" nanunuyang tanong nito.

Napaismid siya. "Ang lakas ng boses mo, miss. Paanong hindi ko maririnig?" The woman's eyebrow arched. Hindi ito tumugon kaya nagpatuloy pa siya. "Ano ang kailangan mo sa Rancho Arganza?"

"And what do you care?" mataray nitong sabi sabay hakbang na palayo.

"Hindi mo alam kung saan ang Rancho Arganza?" pahabol niya na nagpahinto rito sa paglalakad.

"Ano ba ang pakialam mo, mister---"

"Gusto mong malaman kung saan ang daan papunta roon?" mabilis niyang saad na ikinahinto nito sa pagsasalita. Dahil sa naghihintay ito ng isasagot niya ay nakaloloko pa siyang nagsalita. Humakbang siya palapit at itinuro ang kalsadang patungo sa kaliwa. "Diretsuhin mo ang daan na ito. Mga kulang dalawang kilometro pa ay may kalsadang pakaliwa. Public market ang pinakakanto niyon. Lumiko ka roon. More or less, twenty minutes drive ay ang Rancho Arganza na."

"G-Ganoon pa kalayo?" Halos makita niya ang pagbagsak ng mga balikat nito.

"Yes," sagot niya.

Matagal na walang imik ang dalaga. Tinanaw lang nito ang daang itinuro niya. Nang parang nakabuo na ng pasyang gagawin ay napabuntonghininga ito saka siya nilingon. Naghintay siya ng sasabihin nito ngunit sa laking gulat ni Sergio ay basta na lamang tumalikod ang dalaga at lumapit na sa sasakyan nito. Nang makasakay roon ay nagmaneho na nga ito patungo sa daang itinuro niya.

"Who was that, Gio? She's a knockout," narinig niyang sabi ni Charlie. Bakas sa tinig nito ang paghanga sa babae.

Hindi niya ito sinagot. Nakatanaw lang siya sa papalayong sasakyan ng dalaga.

"Bakit iyon ang daang itinuro mo? Bakit hindi mo sinabing halos limang minutong biyahe na lang mula rito ang rancho ninyo? At dito sa kanan ang daan, Gio."

"Hayaan mo siyang maghanap," aniya na may pilyong ngiti sa mga labi.

"And you didn't even say that you're the owner of Rancho Arganza. Ano ang kailangan niya sa rancho ninyo?"

"Wala akong ideya, Charlie."

Nagdikit ang kanyang mga kilay. Sino nga ba ang babaeng iyon? Ano ang pakay nito sa Rancho Arganza?

Sergio let out a sigh. Ungrateful woman, he thought. Hindi man lang nagpasalamat na tinuro niya ang daan, kahit pa sabihing mali iyon. Basta na lang umalis nang hindi nagpapaalam. Ano nga ba ang sadya nito sa Rancho Arganza?

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
analyn Aguilar
unang pagkikita pa lng asot pusa na,pano pa kaya sa sumunod na araw.........
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status