Rhea couldn't help but to be mesmerized while she was staring at the black stallion in front of her. Malaki ito at halatang alagang-alaga sa Rancho Arganza. Hindi niya mawari, pero kung pagmamasdan ang naturang hayop, damang-dama niya ang pagiging maawtoridad nito. It was like a man with full of so much authority though it was just standing in front of them.Hindi niya napigilang humakbang pa palapit sa naturang hayop. Nailabas na ito mula sa kulungan at ngayon ay hawak-hawak ng isa sa mga tauhan nina Sergio ang tali nito."He is so beautiful," namamangha niyang sabi. Iniangat niya ang isang kamay niya saka masuyong hinaplos ang katawan ng kabayo. "What kind of horse is this?""A stud horse," sagot ni Sergio. Nasa likuran niya ito at kanina pa siya pinagmamasdan.Pagkatapos nga nilang makakain ay nagpaalaam muna siya sa kanyang ina at sa mag-tiyuhin. Tinawagan niya ulit si Jeselle at sinabi rito na baka matagalan pa bago siya makabalik sa Manila. Her friend was urging her to go back t
Matuling lumipas ang mga araw. Hindi na namalayan ni Rhea na mahigit isang buwan na siyang nananatili sa San Nicholas. Ang trabaho niya sa Manila ay sadyang isinantabi niya muna.Kahit papaano ay hindi naging kainip-inip para sa kanya ang mga araw sa Rancho Arganza sapagkat natuon din ang kanyang atensyon sa patuturo ni Sergio kung paano mangabayo. Tulad ng nais ni Fabian, naglaan ng panahon si Sergio upang maturuan siya kung paano sumakay sa kabayo. Totoong nahirapan siya nang simula dahil na rin sa takot na baka hindi niya magawang kontrolin ang alaga ng mga ito. But surprisingly, it didn't take long for her to learn how to do it. Agad niyang nakukuha ang mga itinuturo ng binata."Madali kang matuto. Ilang araw pa ay magagawa mo nang patakbuhin nang mag-isa ang kabayo," wika sa kanya ni Sergio.She smiled, an authentic smile for that matter. "Magaling ka rin naman magturo. Thank you." She added the last two words with sincerity.Napalingon sa kanya si Sergio dahilan para mahinto ito
"What do you mean na aalis ka sa trabaho mo? You are going to resign, Rhea?" halos hindi makapaniwalang tanong ni Jeselle kay Rhea habang magkausap sila sa cell phone."You heard me, Jeselle. I need to do it," tugon niya rito habang naglalakad patungo sa may patio ng bahay ng mga Arganza. Huminto siya malapit sa mesang naroon. Pasado alas-dies na ng gabi at dahil hindi pa makatulog ay tinawagan niya ang kanyang kaibigan."Are you out of your mind? Talagang gagawin mo iyan? Are you really that desperate to ruin your mother's wedding?" hindi pa rin nagpapaawat na usisa nito.Rhea heaved out a deep sigh. Napagapsyahan niya ngang umalis na sa kompanyang pinapasukan sa Manila. Si Jeselle ang kauna-unahang pinagsabihan niya ng kanyang plano. Balak niyang mag-resign sa trabaho at manatili muna sa San Nicholas hanggang sa hindi niya pa napapahinuhod ang kanyang ina sa nais niyang mangyari.She was planning to find another job once she went back to Manila. Alam niyang hindi naman siya mahihira
"Are you sure you really want to accept Fabian and Sergio's offer, anak? Ibig sabihin ba niyon ay magtatagal ka pa rito sa San Nicholas?" hindi makapaniwalang tanong ni Rebecca kay Rhea. Nasa may teresa sila ng silid na inookupa niya sa bahay na iyon ng mga Arganza.She faced her mother. Mataman itong nakatitig sa kanya habang nakaupo sa upuang yari sa bakal. Siya naman ay nakatayo at nakasandal ang likod sa barandilya ng teresa."Do you want me to go back to Manila, Mama?" balik-tanong niya rito."Alam mong hindi iyan ang ibig kong sabihin," sansala ni Rebecca sa kanya. "Gustong-gusto ko na lagi kang kasama, Rhea.""Then, why not go back to Manila with me? Gusto mong lagi tayong magkasama pero tatlong buwan kang nanatili rito habang ako ay mag-isa sa Manila." Hindi niya gustong lagyan ng panunumbat ang kanyang tinig pero waring ganoon ang kinalabasan ng mga sinabi niya. Bahagya pa ngang napayuko si Rebecca dahil doon."I hope you understand me, Rhea," saad nito sa mahinang tinig. "Pa
Masusing pinag-aaralan ni Sergio ang ilang dokumentong hawak-hawak niya. Listahan iyon ng mga inilabas na produkto mula sa Rancho Arganza. Katatapos lang ng pag-ani ng mais at ngayon ay dinala na ang mga iyon sa kanilang mga parokyano. Ang ilan doon ay pangbenta sa ilang palengke sa San Nicholas. Ang ilan naman ay dadalhin sa Kamaynilaan.Hindi lang mga mais ang inilabas sa kanila sa araw na iyon. Ilang sako ng niyog at buko rin ang naibenta nila dahilan para labis na naging abala ang mga tauhan nila sa Rancho Arganza. Maging siya ay ganoon din. Tinututukan niya ang bawat transaksyong nagaganap sa kanilang rancho."Siguradong ito na ba ang lahat, Mang Binoy?" tanong niya sa matandang lalaki. Ito ang nagbigay sa kanya ng listahan ng mga naibenta nang produkto."Oho, Sir Gio. Iyan na ho ang mga nailabas. May ilang sako pa ho na natira. Inipon na ho namin sa kamalig," imporma nito.Tumango na lamang siya. Itiniklop niya ang folder na naglalaman ng listahang binasa niya saka muling iniabo
Palinga-linga si Rhea sa magkabilang gilid ng daan sa pag-asam na makahahanap siya ng palatandaang malapit na siya sa lugar na nais niyang puntahan. Mag-aalas onse na ng tanghali ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay laman pa rin siya ng kalsada. Ni hindi niya man lang alam kung malapit na ba siya sa patutunguhan o malayo pa. Patungo siya sa bayan ng San Nicholas. Mula sa Kamaynilaan kung saan sila nakatira ay bumiyahe siya patungo sa lugar na iyon. At ang pagsadya niya sa naturang bayan ay dahil sa iisang rason--- ang sundan ang kanyang inang si Rebecca na halos tatlong buwan na niyang hindi nakikita. Biyuda na ang kanyang ina. Her father died because of heart failure four years ago. She found it so hard to move on especially that she had been so close to her father ever since. Maging ang kanyang ina ay ganoon din. Alam niya kung gaano nito kamahal ang kanyang ama at nasaksihan niya kung paano ito nasaktan nang mawala ang kanilang padre de pamilya. Hanggang sa napansin niyang
Tuloy-tuloy na naglakad si Sergio papasok sa kanilang bahay. Mula sa restaurant kung saan niya kinatagpo si Charlie ay dumiretso na siya ng uwi sa rancho na pag-aari ng kanilang pamilya, ang Rancho Arganza. Malawak na lupain iyon na kilalang-kilala sa buong San Nicholas. Ang kanyang abuelo, ang ama ng kanyang papa, ang nagsimula niyon. Napalago iyon ng kanyang lolo dahil na rin sa husay nito sa pamamahala. Mayroon silang iba't ibang alaga sa Rancho Arganza. Sa pagdaan ng mga taon, mas nadagdagan pa ang mga hayop na inaalagaan nila sa kanilang lupain. Ang ilan doon ay naibebenta pa nila, hindi lang sa San Nicholas kundi maging sa ibang karating bayan. Maliban sa paghahayupan, iba't ibang pananim din ang pinagkakakitaan ng kanyang pamilya. Lahat ng iyon ay magkatulong nilang inaasikaso ng kanyang Uncle Fabian... at Uncle Richard. "Welcome back, hijo..." Agad na natigilan si Sergio sa paglalakad nang marinig niya ang tinig na iyon--- ang kanyang Uncle Fabian. May malawak itong ngit
Marahang inihinto ni Rhea ang kanyang sasakyan sa gilid ng daan nang makita na niya ang malaking arko kung saan nakalagay ang pangalan ng lugar na kanina niya pa hinahanap--- ang Rancho Arganza. Malayo pa lang ay mababasa na iyon na sadyang aagaw ng atensyon ninumang dadaan sa naturang kalsada.Tuluyan na siyang lumapit sa may arko at marahang bumusina upang makuha ang atensyon ng guwardiyang nakabantay doon. Nang lumingon ito ay mabilis na lumabas ng kanyang kotse si Rhea at naglakad palapit sa puwesto ng lalaki."Magandang hapon," bati niya nang makalapit."Yes, Ma'am?" tipid nitong tanong."Obviously, this is Rancho Arganza. I just want to ask... nariyan ba si F-Fabian Arganza?""Ano ho ang kailangan ninyo kay Sir Fabian? At ano ho ang pangalan niyo, Ma'am?" magkasunod nitong tanong.She swallowed hard and smiled at him. Naging alanganin pa ang pagngiting ginawa niya. "A-Actually, I am looking for Rebecca. Hindi ko alam kung kilala mo siya... Rebecca Sanchez?""Si Ma'am Rebecca, an