Share

Kabanata 60

Isang malamig na baso ng alak ang nilagok ni Lera habang sinusundan ng tingin si Lucas palabas ng bar. Nakatanggap ito ng tawag kaya sandali munang iniwan silang apat sa pabilog na sofa.

Padabog niyang inilapag ang baso sa lamesa pagkatapos ay kinuha ang bote ng alak upang sana’y inumin pero wala na itong laman. Hindi lang iyon kun’di lahat ng boteng nasa lamesa. Higit tatlong oras na silang nag-iinom kaya hindi na iyon nakakapagtaka.

Sumimangot siya kay Jervy.

“Ubos na, Jervy.” Ang kan’yang panalita ay hindi na malinaw, indikasyon na nasa wisyo na siya ng alak.

Marahas na kinuha ni Maris ang bote sa kaibigan. Hindi niya alam kung bakit halos ito pa ang walang pakundangan na um-order ng alak sa kanila, gayong hindi naman ito mahilig uminom. Hindi niya rin gusto na hinayaan ito ni Lucas na magpakalasing.

Masamang tingin ang ipinukol ni Lera kay Maris. Kung hindi sana nito inimbitahan si Lucas ay hindi siya iinom nang ma

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status