Share

CHAPTER 3

"Mauna na muna ako today Pris, I need to pick up Dahlia to her photo shoot."

Paulit ulit kong binabasa ang chat nya sa akin kahit nasa jeep ako, it hurts me bad. Mula nang maging independent kami pareho ay hindi ito sumablay sa paghatid at sundo sa akin, ngayon lang. Pagdating sa trabaho ay naabutan ko na sya doon na nag aayos ng mga dining tables and chairs, at ang iba kong kasama ay matamang nakatingin sa akin. Alam kong nagtataka sila dahil simula nang magtrabaho kami dito ay ngayon lang nangyaring hindi kami nagsabay. Rodel came near me,

"LQ beb?", natawa ako sa tanong nyang iyon habang nag-i-in ako.

"Hindi ah, hinatid nya kasi jowa nya kaya nauna na sya dito.", kita ko ang gulat sa mga mata nya.

"You mean talagang hindi kay--",

"Ang kulit nyo kasi eh, hindi nga kami. Bestfriend ko lang talaga si Arc.", I said at kinuha na ang apron saka tumungo sa station ko. In my peripheral vision, I saw him heading his way to me. Gaya ng dati, he kissed my cheeks.

"Good morning Pris. Natanggap mo yung message ko?", mahina nyang wika at tumango lang ako before looking at his eyes.

"Hindi na pwede to ah.", I whispered in his ears, his eyebrows form a line. Talaga ba? hindi nya alam ang ibig kong sabihin?

"May girlfriend ka na Arc, hindi na pwede yung sweetness na ganyan. That's cheating.", I went straight to the point. He looked at me with disbelief.

"You're my befriend, for God sake Princess Symphony.", tila galit pa sya nang sabihin iyon.

"Arc!", saway ko sa kanya nang tumaas ang kanyang boses.

Buong araw na naging abala kami ni Arc, kahit hindi weekend ay marami pa ding kumain sa restaurant na pinapasukan namin. Nakapag-out na si Arc at ako naman ay hindi pa tapos mag-inventory.

"Pris", napalingon ako sa pagtawag nya, ready to go na sya, I just look at him para malaman nyang nakikinig ako sa kanya.

"Pwede bang mauna na ako? Susunduin ko pa kasi si Dahlia.", masiglang wika nya.

"Of course, sige.", kita ko kung paano lumiwanag ang kanyang mukha, he is really happy with his girlfriend now. Pinilit kong ngumiti nang malapad.

"Are you okay to go home alone?", naninigurado nyang tanong.

"Yeah.", tinipid ko ang aking tugon para tuluyan na syang umalis. Mabilis syang umikot papunta sa akin at akmang hahalik na naman sa pisngi ko nang marahan ko syang pigilan.

"It's cheating.", maiksing paalala ko na siyang ikinasimangot nya. Kita ko ang pagbuga nya ng malalim na buntong hininga.

"A'right, mag ingat ka pauwi ha?", bilin nya at ginulo na lamang ang buhok ko, pinakita ko ang inis ko sa ginawa nyang iyon ngunit ngitian ko rin kalaunan.

"Yes master.", pang aasar ko pa kahit na sa totoo'y nalulungkot talaga ako. Mukhang maghahapunan ako mag-isa.

I got home like I worked twenty-four hours dahil sa panlalata ng katawan, on what reason? I actually don't know. Pagdating sa bahay ay hindi na ako nag-abala pang kumain ng hapunan. I just drink my milk at nahiga na upang matulog. Pero hindi ako dalawin ng antok, maya maya kong sinusulyapan ang cellphone ko para tingnan kung may chat ba si Arc. Well, para lang akong tanga kasi malakas naman ang ringtone and notification tone ko kaya malalaman ko kaagad kung meron nga.

"Bwisit!!', bulalas ko nang ilang oras na akong nakahiga ay hindi pa rin ako dalawin ng antok.

Hindi ko na kinaya at nagtipa na ako ng mensahe para kay Arc.

"Hindi ako makatulog, anong oras ka ba uuwi?', lakas loob kong tanong at pikit matang pinindot ang send button. It took a while, naseen na nya ang message ko pero hindi sya agad ngreply. Lalo akong nainis, akmang magchachat ulit ako ng isa pang mensahe nang makita kong may tatlong tuldok na gumagalaw sa litrato nya, meaning na nagta-type na sya ng reply sa akin.

"Hindi ko alam Pris, I'm at her place.", ang haba ng pagta-type nya kanina tapos yun lang ang mensahe nya. Hindi nagtagal ay nagsend ulit sya pero picture nya na iyon habang ang babae ay nakasandal sa kanyang dibdib na nakaharap sa kung saan.

"Movie marathon Pris.", he added on the picture. I rolled my eye, fuck you! sinong niloko mo, ngitngit ng utak ko. Sinikap kong makatulog sa abot ng makakaya ko, pero p*****a, naka dalawandaang tupa na ako gising na gising pa din ang diwa ko. I don't like this, hindi ko pwedeng itali sa tabi ko si Arc, he deserve to be happy. I am his bestfriend at dapat ay ako ang unang sasaya kapag masaya sya, and now he's happy, hindi tama itong selfishness na nararamdaman ko. I want the best for my bestfriend, sya lang ang natira sa akin nung panahong kailangang kailangan ko ng karamay sa buhay. When the world let me down, he was there, alone for me.

I grabbed my phone after the thoughts and messaged him.

"Enjoy your time with your happiness. I am happy for you Arc, you deserve the best.", then I send it. Binalot ko ng kumot ang aking katawan, I felt lonely pero alam kong hindi ko kailangang mandamay ng ibang tao sa kalungkutan kong ito. Walang ginawa si Arc kundi ang samahan ako and help me grow. It's payback time, I will always do the best for my bestfriend. Pinayapa ko ang aking isipan at naging matagumpay na nakatulog ako.

I woke up in the middle of the night, naramdaman ko na may nakapulupot na braso sa akin. I didn't bother to take a look kung sino ba iyon, kabisadong kabisado ko na ang pakiramdam kapag sya ang nakapulupot sa akin. Anong oras kaya to nakauwi? At bakit dito natulog? Napangiti ako, marahil ay namiss ako ni mokong. Inayos ko ang sarili at nahiga muli dahil mukhang napakaaga pa, hinayaan ko lang ang braso nya sa aking baywang, he is sleeping like an angel at wala akong lakas ng loob na ipagkait sa kanya ang mapayapang pagtulog. Suddenly, I felt he pulled me closer at isinubsob ang mukha sa batok ko.

"Hmm..", he whispered, I felt something new in my body, parang ang sarap pakinggan ng ungol nyang iyon.

"Ba't andito ka?" pilit kong ibinuka ang aking bibig kahit na hirap ako dahil sa antok. Nabigla ako nang bumangon sya nang bahagya at nakita kong sinisilip nya ang mukha ko.

"Why?", tanong nya. Huh? Hindi ba't ako nga ang nagtatanong? Hinarap ko sya nang nakahiga pa rin.

"Huh? Anong why?",

"Why are you asking kung bakit andito ako? I come here anytime I want right? Ganon ka din naman diba?", parang iritado syang sumagot.

"Hey, easy. Natanong lang naman.", pagpapakalma ko sa kanya nang makabawi ako. Titig na titig sya sa akin, ilang segundo pa ay nag-iba na ang ekspresyon ng mukha nya, it became soft na parang nagtatampo. Sya pa talaga ang may ganang magtampo?

"Bakit parang you're pushing me away?", aniya na bumalik sa paghiga at inilagay sa mga mata ang kabilang braso. Maang ako napatingin sa kanya, ngayon pa ba namin pagtatalunan ang bagay na ito. Madaling araw pa lang, dapat ay pareho na kaming nagpapahinga. But this is wrong, may nobya na sya at makakasakit na ako ng damdamin ng kapwa ko babae kung magpapatuloy ito. I guess, pababayaan ko syang matulog dito ngayon because he seems so tired. But I have to clear things up tomorrow, bahala na kung anong kalabasan ng pag uusap namin. Muli ko syang tinalikuran habang ganon pa din ng pwesto nya. Minutes have passed, parang nawala na ang antok ko, kinapa ko ang phone ko sa bedside table at tiningnan ang oras, three forty three pa lang ng umaga. Sinubukan ko pang matulog pero talagang hindi na ako inantok, napagpasyahan kong bumangon. na lang at magkape. Opening naman ang schedule ko ngayon at maagang makakauwi kaya babawi na lang ako ng tulog mamaya. Bago ko isara ang pinto ng kwarto ay muli kong sinipat si Arc, parang masarap na ang tulog nya. Tinungo ko ang kusina at nagtimpla ng kape, pumuwesto ako sa sofa at saka malalim na nag-isip.

We are really very close to each other, ang limang taong pagkakaibigan ay hindi madaling buuin, but he made it easy for the both of us. He always care for me, set me as his top priority, I am so used on being with him from the time that I opened my eyes, until I close it. At hindi magiging madali para sa akin na alisin ang mga bagay na nakasanayan na naming gawin sa isa't isa. I love him so much, he is my only friend, a very special person in my life. I remember the first time we met.

"Hi, can I seat here?", bulong nya sa akin sa loob ng library dahil wala nang ibang bakanteng upuan kundi ang sa tabi ko lang. Ang pagkikita namin ay nasundan pa ng maraming beses dahil magkaklase pala kami, I just don't bother to look at my classmates as an introvert. Hindi ako nakikisalamuha sa kanila hangga't hindi tawag ng pag aaral.

Napangiti ako nang maisa isa ng aking alaala ang mga naganap sa pagkakaibigan namin ni Arc, sinong mag-aakala na sya pala ang magiging sandalan ko hanggang sa mga oras na ito. Pero tama nga sila, walang permanente sa mundo, lahat may katapusan, lahat may pagbabago. And I need to let him go, hindi pwedeng ganito pa rin kami ngayong may nobya na sya dahil sigurado akong masisira at masisira sila dahil sa akin, at kapag nangyari yon, alam kong masasaktan ang kaibigan ko. Pero paano na nga ba ako pag wala na si Arc sa buhay ko? Magiging ganito pa rin ba ang takbo ng buhay ko? Magiging masaya pa rin ba ako kahit na mag-isa na lang ako? For sure, dahil hindi naman ako matanggap ni Mama hanggang ngayon. Natawa ako, Nanay na hindi matanggap ang anak, I know may kasalanan ako pero hindi ko ginusto yon. I blamed myself for years dahil sa pagkawala ni Papa, pero God knows how much I love him at hindi ko gustong mawala sya. That was an accident, nobody wants it to happen. Kung buhay lang sana sya hindi sana ganito ang nangyari sa buhay ko, pero kung nga ba sya ay magiging magkaibigan kami nang ganito ni Arc.Then suddenly I just thought, kung magkakaanak ako I won't leave him or her alone. Kahit ano pang maging pagkakamali nya ay siya at siya pa rin ang pipiliin ko over everything in the world. Sa isipin ay napaayos ako ng upo, kung magkakaanak ako, I won't be lonely anymore kahit na magtapos pa ang pagkakaibigan namin ni Arc, o lumagay man siya sa tahimik.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status