Share

Kabanata 42

Chapter • Twenty Two

Kakasikat pa lang ng araw nang maisipan kong dalhin si Dad sa garden. Si Mom ang nagpresintang mag-alaga kay Chad habang nagpapahangin si Dad.

Sa unang dalawang araw namin ni Chad sa Galum, naging maayos ang lahat. Hindi pa nagkukrus ang landas namin ni Vera magmula nang dumating kami. Ang sabi ni Mom, bumili ng sariling condo si Vera sa mismong sentro ng syudad at naging abala na rin ito sa pagpapatakbo ng negosyo. Mabuti na rin sigurong ganoon ang nangyayari. Hindi ko alam kung kaya ko na ba siyang makaharap ulit.

Maingat kong itinulak ang wheel chair ni Dad hanggang sa makapwesto kami malapit sa mga rose bushes. Naupo ako sa bench katabi ng wheel chair niya.

Nabaling ang tingin ko kay Dad nang hawakan niya ang kamay ko.

"Nasabi mo na ba kay Alpha ang tungkol kay Chadler?"

Pilit akong ngumiti. "Paano mo nalaman, Dad na si Pearce ang ama ni Chad?"

Isang pagod na ngiti ang lumandas sa kanyang m

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status