Share

Kabanata 43

Chapter • Twenty Three

Hindi ako nakagalaw dahil sa mga salitang narinig ko sa aking isip. He's using his mind and our bond to talk to me. Hindi ko tuloy alam kung dapat ko bang ikatuwang naroon pa rin pala ang bond namin o dapat akong kabahan dahil sa dating ng mga salitang sinabi niya.

Huminga siya ng malalim bago siya umatras. Hindi naputol ang seryosong titig niya sa akin hanggang sa tuluyan siyang nakalayo sa hagdan. Ibinaon niya ang kanyang mga palad sa bulsa ng kanyang pantalon saka siya tuluyang tumalikod para pumunta sa silid ni Dad.

Bigla akong napabuga ng malalim na hininga. Nasapo ko ang noo ko. Doon ko lang napansing may namuo na palang mga butil ng pawis rito dala ng matinding kabang ipinaramdam sa akin ni Pearce.

Muli akong napabuntong hininga. Limang taon na pero hindi nagbago ang epekto niya sa akin. Napakadali lang para sa kanyang iparamdam ang mga bagay na hindi ko naman nararamdaman mula sa iba.

Naramdaman

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status