Share

Kabanata 6

SIX

Bumuntong hininga ako saka ako humarap sa veranda nang marinig ko na naman ang katok ng katulong sa pinto. Pangalawang balik niya na ito. Hindi talaga nila ako tatantanan kahit pa sinabi ko na ngang hindi ako sasabay kumain.

"Miss Millana, pinapasabi ng Daddy niyong kailangan niyo raw sumabay sa hapunan," ani ng kasambahay.

"I said I'm not hungry. Sila na lang ang kumain. Bababa na lang ako mamaya!" sagot ko kahit pa ramdam ko na ang pagkalam ng sikmura ko. Well, I'd rather starve. Kuya Wesley was the last man I expected to think of me that way. At ano ang ginawa niya?

Napailing ako nang magsimula na namang kumulo ang aking dugo. Nakakainis na sa tuwing nagagalit ako sa kanya, may kung ano sa loob kong tila nais kumawala. I haven't mentioned it to my parents yet, scared that they'll get paranoid again. Sa huli ay ako lang na naman ang mahihirapan kung sakali.

Wala nang nagawa ang katulong. Bumaba itong muli sa dining hall para sabihin kina Dad ang sinabi ko. Good. Hindi nila ako mapipilit kahit ilang batalyon pa ng katulong ang ipadala nila sa kwarto ko. I'd rather die hungry than face kuya Wesley right now. I want kuya to feel my fury. Baka sakaling sa susunod ay hindi na niya ulitin iyon. Kilala niya ako at dapat ay alam niyang hindi ako basta-basta lang.

Hindi ako kagaya ni Frida...

My teeth gritted when I remembered that bitch again. Akala mo ay close kami kung makahingi ng update sa chat tungkol sa kapatid ko. She's like a fish who's throwing herself inside the boat. Tapos ako ang pag-iisipang gagawa ng kalokohan? 

I sighed and shook my head. I still can't believe na ganoon ka-cheap ang tingin niya sa akin. Oo, mag-fifteen pa lang ako next week pero hindi ibig sabihin no'n ay tatanga-tanga na ako. Hindi ko naman ginusto ang ginawa ni Andrei at siya lang din naman ang naglalagay ng kahugulan sa paghalik nito sa kamay ko.

My phone beeped. Binuksan ko ang mensahe ni Perry. Tinatanong nito kung ayos na ba kami ni kuya. I told her the truth, but Perry shot me with more questions, hanggang sa mapunta na lamang ang usapan sa isang bagay na hindi ko inasahan.

Kumabog nang malakas ang aking dibdib nang mabasa ang chat ni Perry tungkol sa posibleng nangyayari sa amin ng kapatid ko. My eyes blinked twice while my lips were parted. Ano raw? Mates? That's ridiculous!

Umiling ako at nagtipa ng mensahe. "That's impossible. We're siblings, Perry."

"You're not biologically related, Millana. Sabi ni Daddy ganyan ang mates. Watch out for more signs."

She sent me a long list of stuff I must look out for just to prove that kuya Wesley and I are really what Perry thinks we are. Hindi ko na lamang siya pinansin. Iniba ko ang topic. I mentioned about her rumored crush, Knight Venzon.

"Shut up! Delete your chat baka mabasa ng kapatid ko o ni Daddy!"

I chuckled when I imagined Spencer and Uncle Bjourne. Allergic pa naman ang dalawang iyon sa mga Venzon. Uncle Bjourne almost fainted when Perry was seven and she said she liked a boy named Knight. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit. Mukha namang in good terms siya sa mga Venzon pero parang takot na takot siya nang malamang may gusto si Perry sa anak ni Alpha Hank.

"I don't think Spencer would mind."

She typed a reply fast. "Not Spence..."

Napawi ang mapang-inis kong ngisi. Huh? 

Muli siyang nag-chat. "Don't mention it to anyone. Swear!"

I sighed. "Fine."

HIGHT isang oras ang nakalipas, nang masiguro kong nakakain na silang lahat ay bumaba ako kusina para magtingin ng pagkain. Hinayaan kong nakapatay ang ilaw upang hindi nila ako mahalata.

My mouth watered when I saw my favorite pie. Nilabas ko ito saka ako kumuha ng slice. Nilagay ko ito sa plato saka ako nagpunta sa sala para doon kumain.

Halos patapos na ako sa pagkain nang marinig kong may pababa ng hagdan. Nagtago ako sa likod ng couch para hindi ako makita ng pababa.

I sniffed and realized it was him. Nang masiguro kong nakalagpas na siya ay saka ako sumilip.

Kumunot ang noo ko nang makitang bihis na bihis siya gayo'ng sabi ni Mom ay bukas pa siya ng hapon ihahatid ni Daddy pabalik sa dorm niya.

Nakasuot na naman ang headphones niya kaya sigurado akong hindi niya ako maririnig. Sinundan ko siya hanggang sa lumabas siya ng main door.

I ran outside from the window wearing my purple room slippers. I'm already in my favorite pj's and darn. The cloth is too thin and the cold air of the night made me shiver.

Niyakap ko ang sarili ko habang nakabuntot ako kay kuya Wesley. Nagsisi akong umalis ako ng bahay na hindi man lang muna sko kumuha ng jacket. Nangangatal na ang mga ngipin ko sa lamig at nanginginig na ang mga kalamnan ko dahil sa lakas ng ihip ng hangin.

Dumiretso si kuya sa may park. Nang makita kong naupo siya sa isang bench saka niya nilabas ang phone niya na tila may tini-text, napagpasyahan kong magtago da likod ng puno.

Wala pang limang minuto, dumating ang isang pamilyar na babae. Nang makita ko ang panget niyang mukha ay mabilis na kumulo ang dugo ko.

Naupo si Frida sa tabi ni kuya saka siya bumeso. Ang kapal din ng mukha niya. Kung makaakto siya akala mo naman may relasyon sila ng kapatid ko. Sa akin pa nga lang bagsak na siya eh.

"Kamusta ka na? Biglaan yata ang uwi mo?" Tanong ni Frida.

"Oo. Si Milly kasi eh ang tigas ng ulo." Kumento ni kuya Wesley. Ang kapal ako pa ang may matigas na ulo. Sino ba sa amin ang hindi nagpapigil sa pag-alis? Kung sana kasi nandito siya palagi eh 'di hindi na aabot sa ganoon.

Mahinang tumawa si Frida. "Balita ko nililigawan 'yon ni Andrei? Bagay naman sila ang cute nga nilang tignan eh." Kumento nito.

Kuya Wesley sighed. "Masyado pang bata si Milly para sa ganyang bagay."

"Ang OA mo namang kuya. Dapat hayaan mo rin siyang mag-explore sa teenage life niya." Ani Frida.

"No way. Kilala ko ang kapatid ko. She's such a fragile brat." He mumbled.

That's it. The moment Frida let out a chuckle because of how he labeled me, doon na ako binalot lalo ng tampo sa kanya. Iniwan ko sila roon at bumalik ako sa mansyon ng sobrang sama ng loob.

Kinabukasan ay hindi pa rin ako lumabas ng kwarto kahit na pinapatawag na naman ako ng mga magulang ko. Tiniis ko ang gutom ko para lang hindi ko makita si kuya Wesley. Umalis siya kung gusto niya wala akong pakialam. Lumalaki na ang tampo ko sa kanya. Kaunti na lang ay bibingo na talaga siya sa akin.

Hilot-hilot ko ang tiyan ko nang marinig ko ang pagkalansing ng mga susi na tila binubuksan ang pinto ng kwarto ko. Nang tuluyang bumukas ang pinto ay napabaling ako sa taong may dalang tray ng pagkain at nag-aalalang nakatingin sa akin.

Inirapan ko siya saka ako muling humarap sa veranda area. Naramdaman kong naupo siya sa aking tabi at akmang hahawakan ang braso ko nang mabilis kong hinawi ang kanyang kamay.

Kumawala ang marahas kong buntong hininga. "Milly naman. Babalik na ako ng dorm mamaya ganito pa rin tayo? Sorry na, okay?"

Umismid ako at matalim siyang tinignan. "Sorry saan? Sa pangengeelam sa buhay ko o sa pag-iisip na napakahina ko?"

Dumilim ang kanyang ekspresyon dahil sa sinabi ko. Umigting ang kanyang panga at bumakas ang galit sa kanyang mga mata.

"So 'yon pala ang tingin mo sa ginagawa ko? Nakikialam ako sayo?" Inis niyang tanong.

"Ano bang dapat kong itawag do'n, kuya Wesley? Pinahiya mo na ako sa friends ko nagawa mo pa akong insultuhin. Ako naman hindi naman kita ginagano'n." Asik ko.

Naihilamos niya ang palad niya sa kanyang mukha saka siya marahas na bumuntong hininga. "I fucking ditched my major subjects yesterday just to get here and this is what I'll get in return for caring too much about my little sister." May diin niyang sumbat.

"Nobody told you to do it." Asik ko.

Inis siyang natawa. "Right. Wala. In the first place ano nga bang karapatan kong magpaka-possessive sayo, hindi ba? I am not your boyfriend. Mas lalong hindi mo naman talaga ako tunay na kapatid. Ang kapal din pala talaga ng mukha ko na hawakan ka sa leeg at pigilan kang gawi ang mga gusto mo." Seryoso at nagpipigil ng galit niyang sabi.

Parang bigla akong sinampal dahil sa narinig ko. Lumambot ang galit kong ekspresyon lalo na nang makita ko ang pagguhit ng matinding lungkot sa mga mata ni kuya Wesley.

"T-That's not what I mean..." I mumbled softly, a hint of guilt in my voice.

Napangisi siya pero alam mong sa kabila no'n ay nasaktan ko siya ng sobra. Ni hindi na nga niya ako magawang tapunan pa ng tingin. Tumayo siya at nagpakawala ng marahas na buntong hininga habang nakatitig sa picture naming dalawa sa side table ko. It was taken on my seventh birthday when my brother played as my knight in shining armor during my party. Sakay niya ako sa likod niya sa litratong iyon at parehong matamis ang ngiti namin.

Parang kinurot ang puso ko nang makitang itinumba niya ang picture frame. Parang sinabi na rin niyang tapos na ang pagiging magkaibigan namin at ang malapit na samahan naming dalawa.

Napabangon ako bigla nang magsimula siyang maglakad patungo sa may pinto. Napatalon ako pababa ng kama para habulin siya. Hindi ko na nagawa pang isuot ang slippers ko sa sobra kong pagmamadali.

Yumakap ang mga braso ko sa kanya mula sa likod saka ko binaon ang mukha ko sa likod niya. Nanginig ang ibaba kong labi nang maramdaman ko ang paghapdi ng gilid ng aking mga mata.

"Sorry, kuya. Hindi 'yon ang ibig kong sabihin." Malumanay at puno ng pagsisisi kong sabi.

Hindi niya ako sinagot. Nanatili siyang nakatayo at tila pinipigilan ang sarili niyang emosyon. Mas lalo lamang akong natatakot dahil sa pananahimik niya. Mas sanay akong sinasagot niya ako kapag alam niyang may mali ako. Mas gusto kong naririnig na nagagalit siya sa akin kaysa 'yong ganito kami.

Mayamaya'y humugot siya ng malalim na hininga saka ito pinakawalan kasabay ng paghawak niya sa mga braso ko.

"Sorry din. Dibale, Millana. Magmula ngayon hinding-hindi na ako makikialam sa buhay mo." Walang emosyon niyang sagot saka niya pwersahang kinalas ang mga braso kong nakayakap sa kanya.

Pakiramdam ko nawalan ako ng lakas nang marinig ang pangalang itinawag niya sa akin. Parang nahirapang tanggapin ng isip kong buong pangalan ko ang sinambit niya at hindi ang palayaw na siya lamang ang maaaring tumawag sa akin.

Napako ako sa kinatatayuan at hindi nakagalaw. Nang tuluyan niyang naisara ang pinto, kumawala na ang mga luhang pilit kong pinipigilan. Nanlambot ang mga tuhod ko at tila biglang nawalan ng lakas. Para akong paslit na naupo sa sahig at niyakap ang mga tuhod ko habang umiiyak.

Ang sakit ng dibdib ko. Pakirandam ko malaking parte ng pagkatao ko ang natanggal mula sa akin magmula noong araw na iyon.

My brother left the house without saying any word to me...He acted as if I didn't exist and that he no longer cares about me.

I knew, that day when he went back to his dorm acting like a different person, that was the first time I got my heart broken...

My brother got my heart broken...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status