Share

Kabanata 5

FIVE

Pinagpag ko ang kamay ko matapos kong masagutan ang problem sa board. Matipid akong ngumiti sa teacher saka ko hinintay ang sasabihin niya.

Sir Guilder checked my answer on the board then motioned his hand. "Well done, Miss Devonaire." He mumbled with a slight smile written on his lips.

Andrei suddenlh clapped his hands then proudly shouted, "Hooh! Go Millana!"

Nagtawanan ang mga kaklase ko dahil sa ginawa niya. Si Sir Guilder naman ay mahinang sinipat ang kanyang desk bago inayos ang kanyang salamin.

"Mr. Colton, if you think this is a cheering competition then you are in the wrong place." He mumbled.

Umalingawngaw ang tawanan ng mga kaklase namin dahil sa sinabi ni Sir. Pati ako ay natatawa na pero pinilit kong pigilan dahil sa nakikita kong pamumula ng pisngi ni Andrei.

"Go take seat now, Miss Devonaire. Thank you." Ani Sir Guilder.

Tumango ako bago ko sinimulang lumakad patungo sa upuan ko. Perry and Erich smiled at me and gave me teasing look. Inirapan ko na lamang silang dalawa. There they go again with their "hey bitch, he's into you" kind of look.

Natapos ang klase namin na nakakuha ako ng mataas na score sa quiz. Thank God to my excuses with kuya Wesley. Dahil sa mga fake assignments ko naging advance ako kaya hindi ako nahihirapan lately sa mga topic sa klase.

Isinukbit ko ang shoulder bag ko sa aking balikat saka ko pinasadahan ng mga daliri ko ang silver-gray kong buhok na hanggang dibdib. I got my hair color from my Dad. Medyo kinukulot ko lamang sa dulo upang hindi magmukhang boring. Inayos ko ang butterfly clip sa kanang gilid ng aking ulo saka ako dinampot ang mga libro ko.

Palabas na kami nina Perry ng campus nang biglang sumulpot si Andrei hawak ang kanyang baseball bat. His uniform is already unbuttoned. Kitang-kita ko na ang kanyang puting sando sa loob.

"Millana, sasama ka ba bukas?" Tanong niya habang paatras na humahakbang para lang makasabay sa amin.

"Uhm, susubukan ko pa lang magpaalam mamaya. Siguro naman papayagan ako nina Daddy lalo na maganda ang performance ko sa mga klase." Nakangiti kong sagot.

"Great. I-text mo ako ha? Hindi ka naman nagrereply kapag tini-text kita." Untag niya.

Kumunot ang aking noo. "Wala naman akong natatanggap?"

Andrei's brows furrowed. "But I text you every night."

Umiling ako. "Wala eh. Pwedeng patingin no'ng number baka ang naiti-text mo ay 'ying nilagay ng kuya ko."

Huminto kami sa paglalakad. Dinukot niya sa bulsa niya ang kanyang phone saka hinanap sa contact list ang number ko.

"Ito oh." He mumbled then showed the number to me.

Napabuntong hininga ako nang makita ang number. "That's my brother's. Anong mga sinabi mo sa kanya sa mga texts mo?"

Andrei swinged his bat effortlessly. "Well, I just asked if you're still up. If you are busy or something. Last night I texted about the game."

Napabuntong hininga ako sa narinig. "Great. Mukha yatang mahihirapan akong magpaalam kung alam na ng kapatid ko."

"Eh malalaman din naman niya 'di ba? Kalaro namin ang team nina Rocky." Tugon niya.

"That's different. Okay lang malaman niya after na ng game para hindi niya ako pagbawalan." Untag ko.

Ngumisi si Andrei. "Lahat ba ng sinasabi ng kuya mo sinusunod mo palagi?"

"Uhm. H-Hindi naman." Nahihiya kong tugon.

"Oh, 'yon naman pala eh. Eh 'di dapat hindi ka matakot na malaman niya tutal wala naman siya dito. Hindi naman siya makakarating kaagad para pigilan ka kung sakali." Ani Andrei.

"Oo nga, girl. Loosen up. Masyado ka namang takot sa kuya mo." Ani Erich.

I sighed. "Hindi ako takot. I just don't want us to fight over simple things."

"Sus. Minsan lang naman 'to. Isa pa you're turning fifteen next week. Hindi ba at hindi rin naman siya makakauwi? Dapat ay pambawi niya na sayo ito." Perry mumbled.

Nagkibit-balikat na lamang ako. "Iti-text ko kayo mamaya kapag pinayagan ako."

"Alright!" Nakangising sagot ni Andrei bago nagpaalam sa amin.

Sumapit ang hapunan at napagkwentuhan namin nina Daddy ang tungkol sa school ko. Binalita pala sa kanila ng mga teachers na maganda ang performance ko lately.

"Ma, maganda naman ang performance ko baka pwede akong sumama sa friends ko bukas?" Malumanay kong tanong.

Mom wiped the side of her lips. "Saan, sweety?"

"Andrei's team and kuya's former team will be having a baseball game tomorrow. Gusto ko sanang manood." Untag ko.

"Ah, nasabi nga 'yan ni Wesley kanina." Ani Daddy.

Napalunok ako. "Tumawag sa inyo si kuya?"

Tumango si Daddy. "He said Andrei's asking you out."

Umawang ang aking bibig, hindi makapaniwalang nilalaglag na naman ako ng kapatid ko.

"Hindi kaya. I saw the text message. Andrei was casually asking me if I could watch the game with my girl friends." Depensa ko. I'm so not going to talk to you tonight, kuya.

Mom sighed. "Paranoid na naman kayong mag-ama. Andrei is a good kid, babe. Besides, Millana deserves a reward for doing good in school."

Napangiti ako nang marinig ang sinabi ni Mommy. "So can I go? Please?"

Dad looked at Mom in disbelief but Mom just gave him a deadly glare. Mayamaya'y napabuntong hininga na lamang si Dad. "Fine. Bahala kayong magpaliwanag sa panganay kapag tumawag 'yon." Tinaas ni Daddy ang mga kamay niya. "I have nothing to do with this, ladies."

Natawa kaming pareho ni Mommy. Wala silang magawa ni kuya kapag si Mom at ako na ang naging magkakampi.

Kinabukasan, dinaanan ako nina Perry at Erich sa bahay. I wore my favorite purple sleeveless dress and a pair of doll shoes. Ang daddy ni Perry ang naghatid sa amin sa field dahil maglalaro rin ang kakambal na lalake ni Perry na si Spencer.

Naupo kami ng mga friends ko sa may bleachers. Ilang minuto rin kaming nagkwentuhan doon habang hinihintay na magsimula ang game.

Jestin's team is already warming up on the field. They're in their maroon with black and white stripes uniform.

Mayamaya'y dumating ang team nina Andrei. Asul ang kanilang uniporme at halatang excited din silang maglaro. Nakita ko si Andrei suot ang number five niyang uniform. Nakasukbit sa mga balikat niya ang kanyang baseball bat.

Andrei scanned the place until his eyes finally met mine. Unti-unting kumurba ang kanyang mga labi nang kawayan ko siya.

Tumakbo siya papunta sa aming pwesto. Mabilis namang umurong ang mga kaibigan ko para bigyan ng mauupuan si Andrei.

Namula ang pisngi ko nang maupo siya sa aking tabi. Halod magkadikit na ang mga balikat namin at naaamoy ko ang panlalake niyang pabango.

"Buti na lang pinayagan ka. I feel so inspired to play today." He mumbled.

Umalingawngaw ang mga kantyaw ng mga kaibigan namin dahil sa sinabi ni Andrei dahilan para lalo akong pamulahan ng mukha.

"Ano ba kayo, nahihiya na si Millana baka mamaya umuwi pa 'to dahil sa inyo." Suway niya sa mga kaibigan namin pero mabilis lang ginulo ni Spencer ang kanyang buhok.

"Kunwari ka pa, Andrei gusto mo lang magpapogi-points kay Millana eh." Pang-aasar ni Spen. His curly brunette hair slightly covers his eyes.

Ngumisi si Andrei. "Bawal pa ngang ligawan si Millana."

"Eh di kung pwede pala siyang ligawan liligawan mo?" Asar ni Perry.

Tumingin sa akin si Andrei ng may ngiti. "Kung papayagan niya ako bakit naman hindi?"

Lalong nagsiakyat ang dugo sa aking mukha dahil sa narinig. Nakagat ko ang ibaba kong labi saka ko hinawi ang ilang hibla ng aking buhok patungo sa likod ng aking tenga. "B-Bawal pa eh."

"Kelan naman daw pwede?" Tanong ni Andrei. Ang mga loko-loko naming kaibigan, nakatutok pang animo'y nanonood ng teleserye.

"S-Sabi ni Mom kapag sixteen na ako saka lang ako allowed tumanggap ng manliligaw." Tugon ko.

"One year pa." Andrei whisled. "Hindi bale mabilis lang 'yon." Nakangisi niyang sabi.

Muling umalingawngaw ang kantyawan. Halos magpasalamat ako sa lahat ng mga santo nang tumunog ang pito ng ng referee senyales na magsisimula na ang game.

Tumayo si Andrei at inayos ang damit niya bago siya humarap sa akin ng nakangiti. "Give me five. Pampa-swerte." Untag nito.

Ngumiti ako at nakipag hi five sa kanya. Akala ko ay apir lang ngunit bigla nigang hinuli ang kamay ko saka niya dinampian ng halik ang likod ng aking palad.

Natulala ako ng ilang segundo dahil sa ginawa ni Andrei. Pakiramdam ko biglang bumayo ang dibdib ki at nawala sa katinuan ang aking sistema.

Bago pa man ako makapagsalita ay tumakbo na si Andrei papunta sa field. Binigay sa kanya ng team captain nila ang bola at gloves. Mukhang siya ang pitcher nila.

Nakatulala pa rin ako hanggang sa tuluyang makapwesto si Andrei at hindi pa ako matatauhan kung hindi niyugyog ni Perry ang balikat ko.

"Hoy, girl! Bakit nandito siya?" Hindi makapaniwalang untag ni Perry.

"Aray, Perry. Tama na ang yugyog." Suway ko.

Binitiwan niya ang mga balikat ko saka niya hinawakan ang aking ulo. Sapilitan niyang hinarap sa field ang aking mukha habang tinuturo ang lalakeng may hawak ng bat at magiging unang batter ng team nina Jestin.

Nanlaki ang mga mata ko at wala sa sarili akong napatayo dala ng matinding pagkagulat. Tinitigan ko ang jersey niya at malinaw na nakalagay doon ang kanyang apelyido at numero.

Devonaire 08. It really is him...

Nabaling sa direksyon ko ang kanyang tingin habang sini-swing niya ang kanyang bat. Kitang-kita ko ang galit at pagkadismaya sa mga mata niya. Bigla akong kinabahan. Nakita at narinig niya kaya kami kanina? Ang lakas pa naman ng mga boses ng mga kasama ko.

He gave me a deadly glare before he positioned himself for the first pitch. Hindi nakalusot sa mga mata ko ang talim ng tingin niya kay Andrei na siya ngayong pitcher ng kanilang team.

Inayos ni kuya ang kanyang sumbrero saka niya pwinesto ang bat niya sa kanyang balikat. Umayos siya ng tindig at hinintay ang unang bato.

Andrei's pitch was a good throw...at magaling na player ang kapatid ko. Tinamaan niya ang bola pero laking gulat ng lahat nang sa kanyang pagpalo ay dumiretso ang bola sa direksyon ni Andrei. Tinamaan siya sa sikmura at bahagyang nawalan ng balanse.

Napasinghap ang lahat dahil sa nangyari. Naging abala ang mga team members ni Andrei sa pagcheck sa kanya dahil alam na nilang kahit normal na tao si kuya Wesley, malakas siyang pumalo.

Marahas na tinapon ni kuya ang baseball bat sa lupa saka siya nagsinulang magmartsa papunta sa akin. Nagwala ng todo ang dibdib ko dahil sa nakikitang galit sa mga mata niya.

Nang marating niya ako ay mabilis nyang hinablot ang aking braso saka niya ako hinatak paalis ng field. Wala akong nagawa kung hindi ang magpatianod sa ginagawa niyang paglalakad.

Nang makalayo na kami sa field ay pilit kong binawi ang kamay ko pero hindi niya binitiwan kun'di ay lalo lang niyang hinigpitan ang hawak dito.

"Kuya, ano ba? Ano na namang problema mo?!" Asik ko.

Napahinto siya sa paglalakad at galit akong tinignan. "Problema ko? Ikaw! Ang bata mo pa pero hinahayaan mo 'yong gagong 'yon na halik-halikan ka sa kamay."

"Oh, for crying out loud, kuya Wesley sa kamay lang 'yon!" Asik ko.

Lalong umigting ang kanyang panga at gumuhit ang matinding galit sa mga mata niya. "At tapos ano? Saan na ang susunod? Will he kiss you on your cheeks? Your lips? Your fucking neck?!"

Bigla ko siyang nasampal dahil sa mga sinabi niya. Nabalot ng galit ang dibdib ko at tuluyang uminit ang gilid ng aking mga mata hanggang sa tuluyang nag-unahan ang mga luha ko sa pagpatak.

Parang natauhan si kuya Wesley nang makita ang pag-iyak ko. Lumambot ang ekspresyong nakaguhit sa kanyang mukha. "I'm--I'm sorry." He mumbled. Sinubukan niyang punasan ang basa sa aking pisngi pero iniwas ko ang aking mukha saka ko marahas na binawi ang braso ko.

Iniwan ko siya roon at tumakbo ako pauwi ng walang ibang maramdaman kun'di galit st matinding sama ng loob.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status