Share

Kabanata 4

FOUR

Mahigpit kong niyakap ang unan saka ko ibinaon ang mukha ko rito. I suddenly hated my ability. Nasa pangalawang palapag na ako ng kwarto pero naririnig ko pa rin kung paanong ipinapasok nina Daddy ang mga gamit ni kuya sa kotse.

My brother keeps on asking where I am. Si Mommy na ang nagpapaliwanag na masama ang pakiramdam ko kaya hindi na ako makakapagpaalam sa kanya sa pag-alis niya papuntang university.

Ang totoo ayaw ko lang talagang magpaalam. Like he said, he wanted to save himself from my dramas. I've been the typical drama queen these passed few days. Magang-maga na ang mga mata ko kakaiyak pero hindi talaga magpapapigil ang kapatid ko.

When I heard the car door shut, I felt a tug in my chest again. Lalo kong binaon ang mukha ko sa unan. Sinalat ko ang phone at earphones ko sa tabi ko saka ko ipinasak ang earphones sa aking tenga. I picked the loudest song in my playlist and maxed the volume so I won't hear the car go.

Nang akala ko ay umalis na ang kotse, mahigpit kong niyakap ang unan ko saka ako humikbi. There I go again, crying like a brat who just skinned her knees.

Mayamaya'y naramdaman ko na lamang na umuga ang kama at may pamilyar na bultong sumandal sa aking balakang. Hinila niya ang aking braso hanggang sa tuluyan akong napaupo.

Napatitig ako sa malungkot na mga mata ni kuya Wesley. Nang makita niyang magang-maga na ang mga mata ko kakaiyak, kumawala ang marahas niyang buntong hininga.

He pinched the tip of my nose then flashed a broken smile. "Enough, will you?"

I pouted like a child as tears began trailing down my cheeks again. "I can't."

He let out a painful laugh. Ginulo niya ang buhok ko saka niya ako niyapos gamit ang isa niyang braso. Lalo lamang akong naiyak dahil sa ginawa niya. Yumakap ako ng mahigpit sa kanyang leeg habang humihikbi.

"Tatawag naman ako palagi. We can talk thru video chats if you need my help." He mumbled.

Lalo kong hinigpitan ang yakap. "That's just different. You're still not gonna be here. Paano kung may manakit sa akin? Paano kung may umakyat ng ligaw? Walag magsusungit sa kanila."

Umismid siya. "Para namang papayagan ka ni Dad magpaligaw. Bata ka pa. Baka gusto mong hindi na ako umuwi dito kapag nalaman kong may boyfriend ka na."

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya saka ko sita sinimangutan. "Kaya mo? Kaya mong hindi kami makita?" Mapanghamon kong tanong.

He forced a amile then wiped away my tears with the back of his hand. "Basta 'wag muna. Bata ka pa."

"Tapos ikaw magkakaroon ka rin naman ng girlfriend doon. Syempre wala si Mom. Walang paranoid pagdating sayo."  Kumento ko.

Natawa siya bigla sa sinabi ko. "With or without Mom, I won't, sis. Pupunta ako do'n para mag-aral."

"Liar." I hissed.

"Promise." He mumbled in a serious tone.

Hindi ako nakapagsalita. Nanatili lang akong nakatitig sa kanyang malungkot na mga mata.

I know he wants to stay with us but this time he's got to follow his dreams. Naiintindihan ko naman iyon hindi lang talaga ako sanay na uuwi ako ng bahay na wala ang kapatid ko. Kahit naman na minsan nag-aaway kami, mas marami pa ring oras na masaya kaming dalawa.

We play xbox on his room and watch movie on mine. We're the original bestfriends. He was my first knight. My loyal protector. My best ally. I wish I could turn back time so we could be like how we used to before. Carefree. Playful. Bestfriends for life.

Wala rin akong nagawa kung hindi ang magpaalam sa kanya. Paulit-ulit niyang sinabing tayawag siya tuwing gabi para tulungan ako sa assignments ko. Puro na lamang oo ang sagot ko pero deep inside, gusto ko siyang kabitan ng posas.

I barely survived the first week. Halos oras-oras kong chini-check ang phone ko. Tini-text ko siya every break time to check on him but it takes minutes before he'll text back. Ganoon nga siguro kapag kolehiyo na. Napaka-hectic na ng schedule. Pasalamat na lang akong naisisingit pa ako ni kuya sa dami ng ginagawa niya.

Ipinasok ko sa locker ang mga libro ko saka ako nagpakawala ng marahas na buntong hininga. Nang maisara ko na ang locker ay sumama na ako sa mga kaibigan ko papunta sa cafeteria.

As expected, Andrei and his friends reserve a space on their table for me and my girl friends. Kahit paano nakasanayan ko na ang ganoong eksena. Kapag nakakasama ko sila tuwig lunch, kahit papaano ay nawawala sa isip ko ang pagka-miss ko sa kapatid ko.

"May game kami next Saturday. Baseball. Gusto niyo bang manood?" Alok ni Andrei habang pinapasadahan ng mga daliri ang brown niyang buhok.

I forced a smile at him. "Really? Who will you'll play with? My brother loves baseball, too."

"Actually former team niya ang kalaban." Sagot ni Andrei.

"Oh." I muttered. Dinampot ko ang juice box ko saka sumipsip ng kaunti. "Kapag pinayagan ako ng parents ko pupunta ako."

"Gusto mo ipaalam kita? Papayag naman siguro sila kung maayos ang paalam." Ani Andrei.

I felt Perry pinch me on the side. Sinipat ko ang kanyang kamay para suwayin siya.

"Ako na lang siguro. Baka mamaya kung ano pang isipin nila. Kilala ko ang Daddy ko. Masyado siyang paranoid." I mumbled.

Tumango na lamang si Andrei. We went back and finish our lunch. Nang tumunog ang bell, sabay-sabay kaming bumalik sa classroom namin pero bago ako pumasok, pinadalhan ko muna ng text si kuya Wesley.

"Done with my lunch." I texted.

Papasok na sana ako ng classroom nang magvibrate ang phone ko.

"Good. Don't skip meals. Talk to you tonight, sis."

Napabuntong hininga na lamang ako. Itinago kong muli ang phone ko sa aking bulsa saka ako pumasok sa loob ng classroom.

Minsan para hindi ko masyadong isipin ang kapatid ko, hinahayaan ako nina Mom na sumama sa mga kaibigan ko basta sa oras ng curfew kailangan nakauwi na ako. I guess kung may magandang nadulot ang pag-alis ng kapatid ko, iyon ay ang pagkakaroon ko ng kalayaan.

Two weeks passed. Minsan doon ako sa kwarto ni kuya gumagawa ng assignments ko dahil sa mga books niya. Palagi kaming magka-video chat kapag gabi para maturuan niya ako sa assignments na hirap ako...at minsan gawa-gawa ko na lang para magkaroon ako ng excuse na makausap siya.

"Check the mass and number first para alam mo kung possible for convertion." Untag niya saka humikab.

Tumango ako at ginawa ang sinabi niya. Siya rin ay busy sa assignments niya. Kanina ay pinakita niya pa sa akin ang yellow paper na pinagsusulatan niya ng calculations niya. Nalula ako sa mga numero pero kung sagutan niya ito parang one plus one lang. Maralino talaga ang kapatid ko. Hindi na ako magtataka kung isang araw maging isa siya sa pinakamahusay na inhinyero sa bansa. He's dedicated with his dreams the way I've never seen someone before. Mahal niya ang ginagawa niya kaya naman ang mga mahirap na bagay ay nagmumukha lamang madali pagdating sa kanya.

Nang matapos ko ang unang tanong ay ipinakita ko ito sa kanya sa camera. He checked my calculations. Nang makitang tama ang ginawa ko ay pagod siyang ngumiti. Halatang inaantok na rin siya pero pinipilit niyang manatili para tulungan ako.

Humikab siyang muli saka hinilig ang ulo sa kanyang braso. "Go answer the next one, Milly." He mumbled.

Tumango ako at muling binalik ang atensyon sa assignment kong advance review na lang naman talaga. Ginawa ko lamang ito para makausap ko siya at makuha ko ang atensyon niya.

Nang matapos ko ang huling tanong ay nakangiti akong tumingin sa screen at ipapakita sana ang sagot ko. "See, I told you I can do--"

Naputol ang sinasabi ko nang makitang tulog na si kuya Wesley dala ng matinding pagod niya sa pag-aaral. Nakapatong ang mga braso niya sa dalawang makapal na libro habang nakahilig naman ang ulo niya sa braso niya. Nakaupo siya sa study table niya kaharap ang kanyang laptop.

Mapakla akong napangiti. He forced himself to stay awake to help me but he's just a human. He gets tired no matter how much he tries not to.

Nilapag ko ang papel at ballpen sa gilid ng laptop ko saka ko inilipat ang laptop sa tabi ko. Nahiga ako at inayos ang aking kumot saka ako humarap muli sa screen.

Hinilig ko ang aking ulo sa unan saka ko hinaplos ang pisngi niya sa screen habang may basag na ngiti sa aking mga labi.

"Goodnight...kuya Wesley."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status