Share

Chapter 29

"Kamusta kaya si Lolo?" I asked Lino while watching him cleaning my wound.

Nandito kami sa office niya at gabi na rin. Pinahatid namin kay Berto si Lolo though kinakabahan akong pauwiin siya pero sino ba naman ako para kontrolin siya dahil lang alam kong malapit na siyang umalis? He should enjoy his last moments here. Nag-aalala lang ako na baka sabihin niya sa iba na babae ako.

"May ilang araw pa siguro siya. Kung susundin niya ang aking bilin, aabot pa siya ng isang buwan. Tungkol sa iyong lihim, wala siyang sasabihin," kalmadong sabi niya habang seryoso sa ginagawa niya.

Napabuntong-hininga ako at napatingin sa gaserang katabi lang mismo ng sugat ko. Madilim na kasi, hindi makita ni Lino iyong sugat ko.

"Kamusta ang iyong pakiramdam?" he asked.

Hindi agad ako nakasagot pero nagawa kong ngumiti. Nang tumigil siya sa ginagawa niya, tiningnan ko siya at nakatingin pala siya sa ‘kin.

"Magaan na ang loob ko," I said that made him smile.<

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status