"May hinahanap ka?" tanong ni Miranda nang mapansing ginagala ko ang tingin ko.
Umiling na lang ako at maingat na inenjoy ang party. Hinahanap ko iyong mga Prayle pero hindi ko na sila makita. Hinanap ko rin ang parents nina Miranda at Agustino pero wala sila. Ang dami kasing tao rito. Baka naghahanapan na kami.
"Batiin natin si Catalina," ani Miranda kaya tumango na lang ako. Hindi pa namin siya nababati ng personal kasi ang dami niyang kausap na tao. Ang daming nakakakilala sa kanila. Akala ko, mas mayaman na sina Miranda--iba pa pala ang Villaluna.
Ganito siguro kapag sakim sa lupa ang pamilya. Charot. Villar yern?
"Maligayang kaawaran, Catalina," bati namin sa kanya at mukhang nabigla siya nang makita kami rito. Parang pagod na siya kakaentertain sa mga bumabati sa kanya pero bakas sa mga mata niyang masaya siya.
"Miranda Valencia at Agustino Valencia, tama ba?" nakangiting sabi niya at tumango naman sina Miranda.
"Alam kong hindi tayo m
"Dito tayo sa gilid," tugon ko sa kanya.Birthday niya today so hindi p'wedeng gumawa siya ng eksena dito. Ang daming tao. Baka kung ano pa ang mangyari kapag nakita nilang umiiyak sa harapan ko si Catalina.Sabi ko, sa gilid lang kami pupunta pero nakarating kami sa labas ng bahay nila kung saan walang katao-tao. Bigla siyang naupo sa damuhan kaya naupo rin ako sa harapan niya sabay bigay sa kanya ng panyo. Kinuha niya ito at pinunasan ang sarili."Salamat, Mon," she said."Ayos ka na ba? Gusto mo ikuha kita ng tubig?" nakakagaan kasi 'yun ng loob. Tatayo na sana ako nang hawakan niya ang dulo ng damit ko kaya napabalik ako sa kinauupuan namin. Ang laki ng gown niya kaya nauupuan ko ang dulo nito."Hindi na. Nais ko lamang makalayo sa kanila," malungkot na sabi niya.Ngayon ko lang siya nakitang malungkot. Usually nagsusungit siya o kaya'y nakangiti. Gusto kong itanong kong anong nangyari pero magkikwento naman siya kung komportable siya.
"Ininuman ko iyon," sabi ko nang matapos siyang uminom. Nagpunas siya ng labi dahil sa kumalat na alak sa bibig niya."Malinis naman siguro ang iyong laway," natatawang sabi niya kaya natawa rin ako. Gaya-gaya rin 'to. Hays!Kung alam niya lang na may ibang lips ang dumikit sa lips ko, baka mainis na naman siya. As I've said, he is the total opposite of Third. Hindi seloso si Third pero si Lino, wala namang kami pero todo siya makabantay sa ‘kin. Dapat dito, palaging pinapranka para alam niya kung saan ang lugar niya."Bakit tila hindi maganda ang nangyari sa iyo?" tanong niya pa.Sumandal ako sa upuan at huminga nang malalim habang nakasimangot. "Ang sakit, e," sabi ko habang tinatapik nang marahan ang left arm ko gamit ang mga daliri. I miss playing piano. Nilapag niya sa mesa ang bote at tumayo na. Muntik pa siyang maout of balance kaya napatayo rin ako. "Lasing ka na yata." Inalalayan ko siya para hindi siya matumba pero mukhang kaya niya naman
"Napakatahimik naman," pasaring ni Berto pero hindi namin siya inintindi.Nandito kami sa dining table for breakfast at hindi ako makatingin nang diretso kay Lino kahit pa nararamdaman kong tumitingin siya minsan sa ‘kin. Hiyang-hiya ako sa ginawa ko. Wala na akong mukhang ihaharap pa sa kanila. Gusto ko na lang lumayas."Kamusta ang kaarawan ni Señorita Catalina?" tanong ni Josefa kaya nagkaroon na sila ng mapag-uusapan.Tango, iling at ngiti lang ang kaya kong isagot ngayon kasi nahihilo pa rin ako dahil wala akong tulog plus this wound pa na ako na lang ang naglagay ng tela at panyo. Nang sulyapan ko si Lino, nakatingin siya sa left arm ko kaya hinawakan ko ito dahilan para malipat sa ‘kin ang mga tingin niya.Agad akong umiwas ng tingin."K-kamusta?" he asked. Nauutal pa rin siya. Pansin ko rin na mukhang wala siyang tulog dahil sa nangyari kagabi. Umiinit ang mukha ko kapag naaalala ang gabing 'yon."Ayos lang," sagot
Hindi naman kami close ni Lolo pero hindi ko alam kung bakit naaapektuhan ako sa pagkawala niya. Baka kasi kahit papaano, marami akong natutunan sa kanya? O dahil magaan lang talaga ang loob ko sa kanya. Napapaisip pa rin ako sa mga sinabi ni Lolo. Na baka kailangan ko lang talaga mag-hilom. Kaso hindi ko alam kung paano. Ang hirap mag-move on. At hindi pa ako handa.Sobrang sakit ng pagkawala sa ‘kin ng lahat. Napabuntong-hininga ako at sinandal ang ulo sa pader ng karwahe pero agad din akong umayos ng upo kasi maalog ang arwahe, naaalog din ang ulo ko. Ang sakit sa sintindo.“Nakatulog ka ba kagabi?” tanong ni Lino kaya umiling ako habang nakatulala sa labas.Pinapanood ko lang ang ilang halaman at taong nadadaanan namin. Pati na rin ang mga Guardia Civil at Personal na naririto sa bayan. Bakit kailangan mang-akin ng pag-mamay-ari ng iba?“Mabuti pa’y magpahinga ka muna pagkarating natin,” dagdag niya pa.&ldqu
"Napakaliit naman ng inyong tahanan," ani Catalina nang papasukin kami ni Lola Juana sa bahay nila. Nililibot niya ang tingin niya sa kabuuan ng bahay."Dahil hindi nila kailangan ng malaki, Catalina," sabi ko kaya agad siyang napangiti at tumingin sa ‘kin. Natawa na lang sina Lola Juana at Manang Hiyas."Maghahanda lamang ako ng meryenda," paalam ni Manang Hiyas bago siya umalis."Hindi rin po ako magtatagal," sabi ko pero hindi niya ako pinakinggan."Hayaan mo na si Doktor Fuentes. Malaki na iyon. Marahil ay namamasyal lamang," nakangiting sabi ni Lola Juana na nakaupo sa tapat namin at katabi ko si Catalina sa bandang kaliwa. Huwag niya lang talagang babanggain na naman ang braso ko kasi sasakalin ko na siya."Hinahanap mo si Doktor Fuentes?" tanong ni Catalina kaya napalingon ako sa kanya."Nakita mo?" I asked.Umiling siya. "Mabuti pa'y samahan na lamang kita lalo pa't hindi ka rin naman pamilyar sa bayang ito.""Ang
"Hindi naman sila malapit sa isa't-isa," tugon ni Agustino."Oo nga. Saan mo ba hinanap si Miranda?" I asked."Nagtungo ako sa tahanan ni Manang Hiyas sapagkat madalas niyang dalawin doon ang dati niyang tagapagsilbi ngunit wala siya roon.""Doon din kami galing," I said."Alam niyo ba kung saan ang kanilang paboritong puntahan?" tanong ni Catalina."Pinuntahan ko na kung saan nagpupunta minsan si Lino pero wala siya roon. Ikaw, Agustino? Saan ba maaaring nagpunta si Miranda?""Sa sakahan nina Manong Pedro," sagot niya kaya napagpasyahan naming magpunta roon. Medyo malayo nga lang ang lalakarin namin. "Hindi dapat siya nag-iisa sapagkat hindi pa nahahanap ang gumahasa kay Binibining Liwanag," wika ni Agustino habang naglalakad kami.Oo nga pala, inis na rapist kasi 'yun. Mamatay na sana siya."Mabuti pa'y mauna ka na, Agustino. Ihahatid ko muna si Catalina sa kanila. Magkita tayo roon," paalam ko at pumayag naman siya kaya muli
Magtatakipsilim na nang umalis sina Miranda at Agustino at hanggang dinner namin, napag-uusapan namin si Liwanag."Ang usap-usapan sa talipapa'y hindi naman talaga kilala rito si Binibining Liwanag. Nabantog lamang siya dahil sa mga naglibot na Guardia Civil," ani Maria."Nang dumalo kami ni Berto sa kaarawan ni Catalina, hindi naman napag-uusapan doon si Liwanag. Mukhang nakalimutan na nila. Maski ang isang Prayleng nakakakilala kay Liwanag, parang nakalimut na rin," sabi ko. Ayoko nang maungkat ang kasong 'to. Gusto kong hayaan nila akong mag-isang lutasin 'to. Ayoko munang ipaalam sa kanila ang kasinungalingan ko. One problem at a time."May nakakakilala kay Liwanag sa inyong pinuntahan?" gulat na tanong ni Lino at tumango kami ni Berto."Isang Prayleng mas maliit ng kaunti kay Padre Roque ngunit mukhang mas mabait siya kumpara sa nabanggit kong Prayle," natatawang sabi ni Berto. "Nais ko lamang sana itanong, Mon. Saan ka ba nanggaling kahapon at bigla
Sinakbit ko ang dalawang braso ko sa leeg ni Lino at naupo ng tuwid dahilan para dumikit ang katawan ko sa katawan niya. Nakaramdam ako ng kuryente. Gosh, I miss electricity! Saglit siyang tumigil at napalunok kaya napangisi ako at kinagat ang labi niya."Liwan," sambit niya habang kagat ko ang ibabang labi niya kaya bahagya akong natawa bago ito binitawan."Hindi ka nagpapaalam sa mga gusto mong gawin sa ‘kin, e," tawa ko kaya bahagya rin siyang natawa.Napasulyap siya sa lips ko kaya napakagat-labi ako para tuksuhin siya. Nakita ko kung paanong nagtaas-baba ang Adam's apple niya kaya napangisi ako dahilan para ibalik niya sa mga mata ko ang tingin niya. Wala na iyong mga ngiti sa mga labi niya. Mukhang kinakabahan siya. Unti-unti ring nawawala ang sa ‘kin habang nakatitig ako sa mga mata niya. Natatakot ako."Mapapahamak ka lamang kung patuloy kang lalapit sa apoy, Lino.""Ngunit habang nakikilala ko ang Liwanag, lalo akong nahuhulog,