Share

Chapter 34

"Dito tayo sa gilid," tugon ko sa kanya.

Birthday niya today so hindi p'wedeng gumawa siya ng eksena dito. Ang daming tao. Baka kung ano pa ang mangyari kapag nakita nilang umiiyak sa harapan ko si Catalina.

Sabi ko, sa gilid lang kami pupunta pero nakarating kami sa labas ng bahay nila kung saan walang katao-tao. Bigla siyang naupo sa damuhan kaya naupo rin ako sa harapan niya sabay bigay sa kanya ng panyo. Kinuha niya ito at pinunasan ang sarili.

"Salamat, Mon," she said.

"Ayos ka na ba? Gusto mo ikuha kita ng tubig?" nakakagaan kasi 'yun ng loob. Tatayo na sana ako nang hawakan niya ang dulo ng damit ko kaya napabalik ako sa kinauupuan namin. Ang laki ng gown niya kaya nauupuan ko ang dulo nito.

"Hindi na. Nais ko lamang makalayo sa kanila," malungkot na sabi niya.

Ngayon ko lang siya nakitang malungkot. Usually nagsusungit siya o kaya'y nakangiti. Gusto kong itanong kong anong nangyari pero magkikwento naman siya kung komportable siya.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status