Share

Kabanata 22

INIS KONG tinungo ang unit ko. Bahala na kung pagalitan ako sa ibaba bukas dahil sa hindi ko natapos linisin ang unit niya. Hindi ko mapagtitiisan ang lugar na 'yon sa ngayon lalo pa at narooon ang lalaking ‘yon at umaaktong walang ginawang kasalanan!

Inihagis ko ang katatanggal ko pa lang na gloves sa kung saanman saka padabog na naupo sa sofa.

"Bakit ganoon siya?! Akala niya ba ay hindi masakit para sa akin ‘yong sinabi niya kahapon at kung makaasta siya ngayon akala mo kung sinong boyfriend ko?! Isampal ko kaya sa kaniya ‘yong contract na sinasabi niya!"

Isinipa-sipa ko pa sa ere ang paa ko dahil sa sobra kong inis ko sa kaniya. Nakakabuwsisit talaga siya!

Napatigil ako sa pagmamaktol ko nang marinig kong may nagdo-doorbell sa labas ng pinto ko. Sunod-sunod 'yon at nakakairita sa tainga.

Kagyat akong tumayo at sumilip sa peephole. Sinasabi ko na nga ba at siya ang gumagawa no’n. Sinundan pa talaga niya ako rito para lang inisin ako lalo.

Hindi ko siya pinagbuksan ng pinto. Wa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status